DIANARA's POV
Napapikit nalang ako ng marinig ko ang ringtone ko. Nakakahiya! Ang lakas pa naman ng tunog ng cellphone ko.
"E-Excuse me po." Napapahiyang nag-excuse ako para sagutin ang tawag. Sino ba to- Holy!
I cleared my throat bago ko sinagot ang tawag, nalintikan na.
"H-Hello? Magandang umaga po, Mrs. Dean." Nag-aalangan kong bati sa Dean nang school na pinapasukan ko.
"Dia! Hindi ka pa nakapag-fully paid?" Nag-aalalang tanong ni Dean kaya napapikit nalang ako. The Dean is very mabait and understanding kaya alam ko kung saan siya nanggagaling.
"A-Ah. Opo, Dean. Kasi hindi pa po ako nakakahanap ng pera eh. But babayaran ko naman po!" Paliwanag ko. May remaining balance pa kasi ako sa school at hindi ako makaka-graduate pag hindi ko nabayaran yun.
"It's okay. I'll hold it, basta bayaran mo. Maghanap ka na. Sayang, Dia." Napabuntong hininga nalang ako. The Dean really is an angel for me, lagi niya akong tinutulungan eh.
"Thank you po." I just heard her say it's okay bago niya pinatay ang tawag kaya nakapameywang nalang ako. Ang hirap talaga ng buhay.
Nang maikalma ko na ang sarili ko ay nagpasya na akong bumalik sa garden ng mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na magandang sasakyan. ITO YUNG SASAKYANG BUMASA SA AKIN KAHAPON AH!
Teka! Yung Yuan ba ang may-ari ng kotseng to?!
"Excuse me, Kuya Guard. Kanino po ba to?" Tanong ko sa guard na naka-duty.
"Ah, kay sir Yuan yan." Sagot naman niya. Sa kanya nga. Bwesit lang talaga ang walang ganti. Humanda yung Yuan na yun.
"Gusto niyo bang mapanood na sumayaw si Kuya Yuan?" Narinig kong tanong ni Ate Roselyn.
Sasayaw siya? Nawala ang gutom ko dahil sa problema ko sa school. Nakakawalang gana talaga kaya nagpasya nalang akong pumunta sa may open field dito at tumambay sa paborito kong puno. Gusto ko kasing natutulog sa sanga ng puno eh. Malamig.
NAGISING ako dahil sa ingay ng paligid. May nagtatawanan at nagsisigawan. Ang ingay! May malakas pang musikang yumutugyog kaya ng hanapin ko ang pinanggalingan nun ay napa-ismid nalang ako. Yung Yuan pala pinagkakaguluhan ng mga bata.
Mula dito sa puno ay naka-kumpol sila ilang metro lamang ang layo kaya kitang-kita ko ang bawat galaw ni Yuan. Nakatayo siya sa gitna ng kumpulan ng mga bata habang tumatawa. Parang may kung ano sa tawa niya na nakakahawa. Napapangiti rin kasi ako.
When he started dancing, napatanga nalang ako. I've never seen those moves before pero parang nagiging pamilyar sa akin dahil sa pagsayaw niya. Nakikita ko ang saya sa mukha niya habang sumasayaw pero mas naaagaw ng mga mata niya ang atensyon ko. Masaya sya, pero hindi umaabot sa mata niya ang kasiyahan niyabmng iyon. I should know, that's how I feel everyday.
Napangiti nalang ako ng matapos nang sumayaw si Yuan. Kung iisipin, hindi talaga siya mukhang mayaman. Simple lang ang dating niya at may suot-suot pa siyang maliit na pulang bag na ang cute tignan. Gwapo lang talaga siya at maputi, parang yung katawan niya ay may brand na mamahalin.
Akmang aalisin ko na ang tingin ko kay Yuan ng mapansin kong nakatingin siya sa gawi ko. Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niyang pag-ngiti sa akin at dahil sa gulat ko ay hindi ko nai-apak ang kaliwang paa ko sa sanga ng puno at tuluyan akong nahulog.
Ouch!Narinig ko ang sigawan ng mga bata at sigaw ina Chey na papalapit. Lintek. Nakita ba nila?
"Ate Dia!" Narinig kong tawag sa akin ni Tina.