DIA's POV
"Pito silang lalaki, actually and they're all intimidating." Kwento ni Lea sa amin. Nandito kasi kami ngayon sa canteen dahil lunch break na. Si Lea ay ang assistant ni Sir Maurice habang hindi pa ito lubusang nagte-take over ng position na para sa kanya dito sa company nila. Nasa kay sir Mau nalang daw kung gagawin siyang secretary. Ganun din ang kalagayan ni Reggie.
"Ang gwapo nung boss mo, Lea." Kitten giggled kaya nagtawanan din kami. Gwapo naman talaga yun eh.
"Hahaha, yes. Pati si Sir Ashton ay gwapo rin. Sayang at wala pa siya dito. Busy kasi yun. He'll be taking over the position of Mr. Albert kaya ganun siya ka busy." Kwento ni Lea kaya napatango-tango nalang kami.
"Gwapo din naman ako ah!" Reggie said kaya nasapak nalang siya ni Lea. They're close, sa pagkakaalam ko ay classmates sila since college, 3 years older kasi sila.
"Manahimik ka nga jan! Isumbong kita sa girlfriend mo eh." Lea said kaya napangiti nalang din si Reggie.
"So, boyfriend mo pala si sir Yuan, Dia?" Nabaling naman sa akin ang atensyon ni Lea. Nung una ko siyang nakita kanina dahil pumasok sya sa office ni sir Vairel ay akala ko siya yung tipo na hindi friendly pero ang daldal pala niya.
"A-Ah.. oo.." nahihiya kong sabi. Hindi naman sa ikinakahiya ko yung si Yuan.. baka kasi ano ang isipin nila. plus, baka alam nilang engage si Yuan sa iba.
"Dapat tinanggap nalang ni Sir Yuan ang posisyon niya dito.. siya sana ang magiging boss ko. Ang sama kasi talaga ng ugali ni si Vairel." Reklamo ni Reggie. Nalaman ko rin kasing ayaw ni Yuan na magtrabaho dito dahil may kumpanya naman na siya, yung orphanage.
"Oo nga. Hindi nangingiti yung si sir eh." dagdag pa ni Lea.
"He just need someone to tame him. Babait yan." Kitten stated kaya napalingon kami sa kanya. Naaalala lang niya yung si Dos eh. Pano ba naman kasi, ang sama talaga ng ugali nun noon. Puro kalokohan at pambababae ang alam tapos nakilala si Kitten, na inlove, naging sila, bumait ang loko buti nalang at hindi siya bumalik sa pagiging gagv nung hiniwalayan siya ni Kitten dahil sa pahigng mayaman niya.
"Siguro nga." we agreed. Di nagtagal ay humiwalay na rin si Lea sa amin dahil oras na naman ng trabaho. Nasa kalagitnaan kami ng pagtatrabaho ng pumasok ang isang babae. Nakasuot siya ng glasses at may coat pa. Balot na balot siya na parang may tinataguan.
Sino to?
"Hala! Ano pong kailangan ninyo?" tanong ni Reggie yun sa babae. Pinagpatuloy ko nalang ang hinagawa ko ganun din si Kitten.
"Where's Vairel?" Tanong niya sa naiinis na boses kaya naman napalingon na ako sa kanya. Sino kaya siya? Girlfriend ni Sir Vairel?
"May conference po sila ng board." sagot ni Reggie sa kanya.
"Okay. I'll wait for him here. Can you bring me juice?" baling nito kay Kitten na nakatayo malapit sa may photocopy machine.
"Po? ah eh.."
"What? Can't you do that? Ang simple na nga lang ng pinapagawa ko sayo eh. Ikaw nalang." Bumaling naman ito sa akin kaya nanlaki ang mata ko. Nakakagulat naman tong babaeng to.
"Sorry, Miss. Pero Sir Vairel forbids us to follow comands or instructions from other people." Paliwanag ni Reggie. Tama, sinabihan kami ng ganun ni sir Vairel eh.
"Tss. So what? I'm his-" di natapos ang sasabihin nung babae dahil sa biglaang pagpasok ni sir Vairel. Ang diretsong mukha neto ay mas naging seryoso at bakas ang inis dun. Mas nakakatakot tuloy siyang tignan.
"sir-"
"Vairel!" Mabilis na naglakad iyong babae palapit kay si Vairel na napahinto atsaka binigyan ng tingin ang babae.