DIA's POV
"So... anong ginagawa natin dito?" tanong ko kay Kitten. Dinala niya kasi ako sa isang cafe dito sa lugar namin.
"A-Ahhh.. may sasabihib kasi ako." she smiled awkwardly kaya na-curious ako bigla. Ano namang sasabihin niya at kailangang dito pa?
"What is it?"
"Sandali lang, wala pa siya." siya.... WHO?!
"Who?!" Excited kong tanong. SINO?!
"B-Boyfriend ko." nahihiya niyang sabi kaya pinaningkitan ko siya ng mata. Boyfriend? May boyfriend na siya? Wah! Hindi ko man lang nalaman na may manlikigaw pala siya!
"Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi?!"
"Eh.. busy kasi tayo.. plus.. plus hindi pa ako ready sabihin sayo eh. Nahihiya kasi ako." namumula niyang sabi kaya napangiti nalang din ako. Ano pa nga ba?
Mga limang minuto rin kaming naghintay bago inanunsyo ni Kitten na andito na ang boyfriend niya. Kawawa naman ang Dos at mukhang wala na talagang pag-asa.
"hi!" agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon and to my surprise, it was owened by a familiar face.
"Siya?" nagtataka kong baling kay Kitten na ngayon ay nakayuko.
Paanong nangyari yun?
"Dia! Hi! Sorry na-late ako. Hi, Kits. I missed you." pinasadahan ko ng tingin ang lalaki sa harap ko ngayon na naka-upo sa tabi ni Kitten.
Sinuwerte ang gagv. Pero paano nangyari yun?
"How?"
"Ah.. hehe... alam mo namang lakas ng tama ko kay Kitten eh." nakangiting sabi ni Dos.. yes.. Dos Kećkes.. siya lang naman ang boyfriend ni Kitten. Unbelievable.
"I.. I just realized na wala naman mali kay Dos.." Kitten said na ikinangiti ko. Ilang beses ko bang sinabi sa kanya yan? Sinabi na nga bang siya rin babali sa prinsipyo niyang Ayaw nya sa Mayayaman eh..
"I'm so happy for the both of you!!" I cheered as I clapped my hands. Atleast alam kong magiging masaya talaga si Kitten dahil mahal na mahal siya ni Dos.
Matapos naming mag-cafe ay pumunta na kaming school. Mayroon kasi kaming dapat ipasa na requirement. Pagkatapos kong ipasa iyong sa akin ay iniwan ko na muna ang love birds dahil kailangan ko nang maka-uwi para makapunta na sa orphanage. It's been a while since I last went there, masyado kasing naging busy kaya nagka-ganun.
Nagbihis na ako at nagdala na rin ng extra clothes, baka dun nalang ako matulog. Wala naman si Yuan doon, tatlong araw na rin. Tinawagan kasi siya ng pinsan niya na kailangan niyang umuwi dahil manganganak na raw ang asawa kaya kailangan niyang bumalik. Ayos lang din naman yun, atleast hindi siya masyading nahuhuli.
5 months already passed after we made a deal, one month to go at matatapos na ang deal na to. Ang bilis nga ng oras, eh. Hindi ko man lang namalayang malapit na palang matapos yung deal na yun.
"Ate Dia!" Napalingon agad ako sa tumawag sa akin. Kakarating ko lang sa orphanage at agad kong sinalubong nang nakangiting si Ayana na kasama si Mica at Tina. Pawisan pa sila at mukhang galing sa paglalaro.
"Oh? Nasaan na ang iba?" Tanong ko sa kanila.
"Nasa practice room po." sagot ni Tina..
"Okay.. Magbihis nga kayo, pawisan na kayo, oh." puna ko pero tinawanan lang nila ako. Mga batang to talaga. Pumasok na ako sa loob at nagpunta sa practice room. Naabutan ko si Sim at Trek na tinuturuan ang mga bata ng isang sayaw, umupo naman ako sa tabi nina Crysh at Chey na ngayon ay nakikipag-kulitan kay Migz at Shaz. Nami-miss ko na ang ganitong eksena. Noon halos araw-araw na ganito kami pero ngayon, madalang nalang. May kanya-kanya na kasi kaming ginagawa at kailangang mag-trabaho araw-araw para sa mga bata.