Chapter 11
Adie's POV
"IS it for real?" Manghang tanong ni Farah, nang makarating kami sa bago naming school.
"I think so." Tanging nasagot ko lang, nakakamangha naman talaga. sobra, halos nganga kaming lima na napili na lilipat daw sa bagong school na'to. We don't know how we get here. Ang naaalala ko lang, pumunta kami sa lugar kung nasaan ang old library. Pero ang pinagtaka ko, hindi namin nakita ang building, isang lumang gate ang naroon at pinasukan namin. Weird na nga ang nangyayari. Pati ba naman ang mga bagay-bagay. Sa likod ng malaking gate, isang pinto lang ang mayroon 'don. At doon kami sumakay. Hindi ko man lang nga naramdaman na gumalaw kami sa loob. Siguro mga 30 minutes din kaming nasa loob. At pagbukas ng pinto nandito na kami.
"My god! totoo talaga? I don't believe it." Sabi pa ni Farah.
"Wew, ang oa niya ah." Parinig namang sabi ni Vzariyah, but I don't care masyado na akong preoccupied sa mga nakikita ko.
"Anong gagawin natin sa weird na school na ito?" Tanong naman ni Jhonny. Kahit ganoon may pagka-amaze pa ding makikita sa mukha niya.
"Weird ka diyan." Sabi ko sa kaniya, siniringan lang ako nito. Nandito kami ngayon sa labas ng bagong school na papasukan daw namin. Hindi ko akalain na dito kami lilipat, all this time ang alam namin, sa school kami na under ng Demonic Dragonairs Imperium, but I was wrong.
Hindi ko akalain na mapupunta kami sa lugar na 'to, nang ganito kabilis, although alam ko na mapupunta talaga kami dito ni Farah, pero hindi ganito kaaga. Tiningnan ko ang mga kasama ko, si Farah, na halatang nalilito, si Vzariyah, na naiinis dahil siguro dito siya lilipat, hindi ko siya gusto una pa lang dahil masyado siyang maldita. Though, hindi niya kami ginagalaw, hindi katulad nila Leigh at Pranpiya, subukan lang naman niya. Si Joyce Ford na ang inosente tingnan, akala mo 'di makabasag pinggan, ang hinhin niya sobra, 'di ko siya nakita na may kasamang iba sa room namin, siya lang lagi mag-isa, kaya lagi siyang sinasabihan ng nerd. Si Jhonny Levis na ginagawang biro ang mga nakikita.
O_o
Anong ginagawa niya?
Para siyang tanga na tinitingnan ang lupa, para siyang may hinahanap na ewan, para siyang philosopher na naghahanap ng ebidensya sa lupa, talagang nakasubsob ang mukha niya sa lupa, pero hindi naman niya hinahalikan. Isang batok ko lang dito hahalik siya sa lupa.
Tsh, baliw. -,-
Mayroon kaming kaniya-kaniyang tinitingnan, masyado kaming namangha sa mga nakita namin, totoo naman kasi, hindi talaga ganito ang expected namin.
Tinignan ko isa isa ang mga kasama ko. May idea kaya sila sa kung bakit kami andito? Kung titignan mo sila, mga normal na students.
"Are you ready?" Nagulat kami nang biglang sumulpot yung dalawang sumundo kuno daw sa'min kanina.
"For what?"
"Bakit?"
"B-Bakit?"
Sabay sabay na tanong ng mga kasama namin, expect sa'min ni Farah. Bakit kailangang mautal Joyce? Nagka-tinginan muna si Calvin at Queenzeal, then tingin ulit sa'min na may nakakalokong ngiti sa labi. Doon nangunot ang noo ko.
"Welcome to Untrodden University." Sabay na sabi ni Queenzeal at Calvin. Alam ko naman na, pero hindi ko pa rin maiwasang magulat ng marinig ko ang pangalan ng eskwelahan. Paglingon ko kay Farah, hindi nalalayo sa itsura ko ang ekspresiyon ng mukha niya.
"Totoo nga." Nagugulat na saad ni Jhonny. Si Joyce nakayuko halata ang takot sa mata, ang kaninang masungit na mukha ni Vzariyah ay napalitan ng takot. Ang kaninang palabirong aura ni Jhonny ay naging seryoso. Ganoon sa may alam siya sa lugar na'to, pero tulad namin, hindi rin naniniwala.
"Pumasok na tayo." Yakag ni Calvin, sumunod naman sa kaniya si Queenzeal. Kami? Napako sa kinatatayuan, hindi pa sana kami susunod kung hindi pa kami lilinungin ng nakakunot noong si Calvin. Literal akong napanganga ng bumukas ang malaking gate. Tumambad sa amin ang napakalaking pangalan ng school.
UNTRODDEN UNIVERSITY
Ang akala ko kaninang pagkamangha ay tapos na, hindi pa pala, dahil kung namangha na kami sa labas pa lang. Mas lalo na dito sa loob. Nagpaumuna sa paglalakad ang dalawa. Wala sa sariling napasunod kami. Pagkapasok namin sa loob nagulat at the same time namangha ako sa laki ng buong school, kasi pag nasa labas ka hindi mo aakalain na ganito kalaki ang nasa loob nang malaking gate sa labas.
Ang nakaagaw ng pansin ko ay ang dalawang naglalakihang gusali, ang isa sa kanan at ang isa pa ay sa kaliwa, yung kaliwa ang ganda tingnan, puting puti ang lahat ng pundasyon. Parang bahay ng mga anghel. Napatingin ako sa kanan, medyo creepy siya tingnan, kulay black lahat ng makikita mo, walang kabuhay-buhay. Kabaliktaran ng nasa kaliwa.
Kinilabutan ako sa sarili kong naisip, napatingin ako sa harap, may nakita akong maliit na castle hindi siya totally castle, pero kahawig siya, parang minnie castle, ganoon, tapos doon sa pinakatuktok niya may nakalagay na Royalty. Hindi siya singlaki ng dalawang gusali sa kaliwa't kanan, pero malawak ang espasyo.
Naglalakihang tulay ang nagdudugtong sa tatlong gusali. Parehong may gate sa bukana ng entrance sa bawat isa.
"Nasa kanan ang Ricerca, sa kaliwa naman ang Organico, sa gitna ang Royalty Castle." Sabi ni Queenzeal, sabay tingin niya sa'min isa-isa, kami naman kaniya-kaniya ng iwas, si Joyce nakatungo lang ulit, si Jhonny naman pasipol-sipol, si Vzariyah nakataas ang kilay kay Queenzeal, pero hindi makatingin ng deretso, kami lang ni Farah ang nag-lakas loob na tumingin sa kaniya ng deretso.
Nandito kami sa gitna kung saan napapagitnaan nang dalawang malaking gusali at katapat namin ang minnie castle, sa gitna ng Ricerca at Organico, na sinasabi ni Queenzeal.
Ang cool tingnan ng bridge, medyo nakakatakot nga lang. Pero keri lang.
"Yang nakikita niyong castle sa unahang gitna. Nandiyan ang mga royalty." Biglang sabi ni Calvin, doon siya nakatingin sa minnie castle.
Royalty? 'yon ang namumuno sa buong UU?
Nagulat ako nang biglang akong sikuhin ni Farah.
"Oh?"
"Wala ka bang napapansin?" Sa unahan siya nakatingin.
"Napapansin? Bukod sa weird ang lugar na 'to, wala na bakit?" Nakaka-pagtaka ang sinabi niya, kaya biglang nabuhay ang curiosity ko, nagsimula akong mag-observe sa paligid.
"Ano bang napapansin mo?" Pagala-gala pa din ang paninging tanong ko sa kaniya.
"Pansin mo kanina pa tayo dito, pero wala pa tayong nakikitang student kahit isa."
"Baka naman class hour?" Wala sa sariling sabi ko.
"Hindi eh, may kakaiba talaga."
Anong meron?
BINABASA MO ANG
Untrodden
Ficção CientíficaSomeday it takes a lot of work just to be okay. Forget, forgive, move on.