Chapter 20

0 0 0
                                    

Chapter 20

Farah's POV

HAPON na nang magising ako sinilip ko ang kabilang side pero wala akong makitang tao. Bumangon ako para maligo, kumuha na ako ng mga gagamitin sa mga gamit ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa naaayos. Lumabas ako ng kwarto at pinag-masdan ang dorm namin. Nasa kaliwa ang kusina at may pinto sa gilid palabas sa maliit na backyard naandon ang laundry area at CR.

Pumunta naman ako sa kanan kung saan may maliit na living room deretso sa main door. Mas malaki ito compared sa dati naming dorm na walang kwarto, pagpasok ng pinto kwarto na agad, na andon na din ang kusina, living room, at CR. Nang matapos magtingin-tingin dumeretso na ako sa CR para maligo.

After ko maligo inayos ko na lahat ng gamit ko, naisipan ko ding ayusin ang kwarto sa side ko, magulo pa kasi ito at may mga alikabok. Una kong inayos ang kama nagpalit ako ng bagong bedsheet, pillow case at comforter na nakita ko sa cabinet na nasa gitna ng kwarto nakita ko yun kaya kinuha ko na, sasabihin ko na lang kay Ace pagdating. May nakita akong maliit na table na nasa dulo ng kwarto, mukha namang hindi ginagamit kaya kinuha ko at nilagay sa side ng kama ko. Pinatong ko doon ang alarm clock, picture namin ni Adie and lampshade. Tinanggal ko ang picture ko sa isa sa mga frame pinalit ko ang picture naming lima, kuha noong gabing magkakasama kami sa apartment na tinuluyan namin bago pumasok dito, polaroid 'yon ni Vzariyah pero pinaiwan doon dahil bawal daw dito. Napangiti ako ng makitang ang saya-saya namin sa picture.

Inayos ko na din ang study table ko at maayos na nilagay ang mga book na dala ko. At iba pang gamit ko for studies. Naglagay din ako ng light blue carpet sa pagitan ng kama at study table. Matapos kong ayusin ang side ko sa kwarto natuwa ako dahil maayos na ito ayon sa gusto ko. At nang makontento lumabas ako ng kwarto at naglinis ng living room, kitchen, and backyard. Inayos ko ang buong dorm namin. Nakaupo ako sa sofa at nagpapahinga ng marinig kong bumukas ang pinto, tumayo agad ako at ngumiti.

"Wow!" Halos mapatalon ako sa gulat ng sumigaw si Ace.

"Gago ano yon?" Natatarantang sabi ko, nag-iisip kung lalapitan ko ba siya o ano.

"Ang ganda." Napapangangang ani niya, napahinga naman ako ng malalim at napapikit.

King ina yun lang pala.

"Sorry, ginalaw ko na ang mga gamit nilinis at inayos ko kasi ang kwarto sa side ko sinabay ko na din pati yung iba." Kakamot-kamot sa ulong sabi ko. Hindi naman siya nakatingin sa'kin kasi ginagala niya pa din ang tingin niya sa buong paligid.

Nang makontento labas ngipin siyang ngumiti. "Ano ka ba okay lang ang ganda nga eh!" Tapos tiningnan niya ulit ang dorm namin.

Napatingin ako sa dalawang malaking paper bag na hawak niya. "What's that?" Nakaturo pa sa mga dala niya.

"Ah, ito mga gamit natin dito sa dorm pang-isang tao lang kasi mga gamit dito kaya kumuha muna ako." Pumasok na siya at umupo sa sofa tinulungan ko naman siyang ilabas ang mga laman ng paper bag.

Grabe ang dami! Nabuhat niya lahat ito?

Inaayos muna namin ang mga dala niya, naglabas siya ng dalawang bento box na may lamang mga pagkain. "Kinuha ko sa cafeteria kanina, hindi naman na tayo makakapagluto kasi gabi na at maaga pa tayo bukas." Gabi na rin kasi ng matapos ako sa paglilinis at gabi na din ng dumating siya.

KINABUKASAN nagising ako sa mahinang tunog ng alarm clock ko. Inaayos ko kasi ang pag set nito. Yung ako lang ang makakarinig, hindi naman kasi ako mag-isa dito at baka makaistorbo pa.

"Good morning." Nagulat ako nang nagsalita si Ace sa gilid ko nakita ko siyang nagpupunas ng buhok mukhang kakatapos lang maligo.

"Good morning." Bati ko pabalik.

"Bakit nakatakip pa bibig mo?" Nagtatakang tanong niya.

"Eh? Di pwa akow nagtotooth bwash." Ewan ko kung naintindihan niya. Sa hindi pa ako nag totothbrush eh.

Tinapos ko na ang daily routines ko para makapasok na kami ni Ace, medyo nahiya pa nga ako dahil inaantay pa niya ako. Hindi ko pa kasi alam ang pasikot-sikot dito sa University kaya naman I badly need a tour guide.

"Oo nga pala alam mo na ba kung saan ang room mo?" Tanong niya sa akin, pasigaw kasi nasa living room siya nasa kwarto ako.

"Oo alam ko na yun natandaan ko naman yung daan papunta sa  building namin."

"Buti naman."

"Ikaw saan classroom mo?"

"Doon sa  second floor sa tapat ng room niyo HAHAHA."

"Wah! Buti na lang magkalapit lang tayo ng room." Napansin ko na medyo tumahimik siya, ano kayang iniisip nito.

''Did I say something wrong?" Bigla na lang kasi siya natahimik.

"Wala naman."

"Eh? Bakit natahimik ka?"

"Naalala ko lang ang kaibigan mo sa Ricerca." Lumabas na ako ng kwarto matapos kong mag-prepare.

"What 'bout her?" I ask.

"Wag ka magalit ha, pero iba ugali niya eh parang may something sa kaniya na hindi dapat pagkatiwalaan." Nakakunot noong sabi niya, titig na titig siya sa akin.

Natahimik ako saglit bago sumagot. "Hindi ah mabait yun hindi niyo pa lang talaga siya kilala, pero kapag makilala niyo na yun nako mabait yun." Ngumiti ako sa kaniya ng matamis kasi mabait talaga si Adie, maldita lang talaga.

"Sabi mo eh, HEHEHE." Pekeng tawa niya. Umalis na kami para pumasok 20 minutes pa naman bago ang time pero I choose to go para makita ko ng maayos itong school. Kahapon kasi I don't have a chance to observe.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon