CHAPTER 12

1 0 0
                                    

Chapter 12

Farah's POV

HINDI ko alam, kung ako lang ang nakakapansin. Ang mga kasama ko deretso at nakikinig lang sila doon sa dalawa na nagsasabi about this University. Una pa lang, nang pumunta sila sa room namin kanina, parang may mali na, hindi ko alam kung ano pero mayroon talaga.

There's a reason for them to get  to us. That's what I'm sure of.

Anong dahilan nila para palipatin nila kami ng school? Wala ba kaming sariling desisyon para makapili ng school? At isa pa walang dahilan para lumipat kami ni Adie. Ewan ko na lang sa mga kasama namin. Nang binanggit ang pangalan namin ni Adie sa listahan daw nila, kinabahan na ako though, alam ko na dito ang bagsak namin, hindi ko alam kung paano nangyari, pero 'yon ang naging first instinct ko, 'pag kakita ko pa lang sa kanilang dalawa lalo na doon sa aura nung Calvin, may something talaga na hindi ko maipaliwanag, nakakakaba pero alam kong kaya ko.

Patuloy akong nagmamasid sa paligid at sa nangyayari, tiningnan ko ang mga kasama ko, kung titingnan mo sila hindi mo aakalain na may mga malachite din sila, lalo na si Joyce Ford, masyado siyang tahimik at mahinhin para mapansin na may kakaiba sa kaniya, kung hindi ko lang alam na siya ang nangunguna sa honor list sa klase namin, hindi ko mapapansin ang existence niya, si Jhonny Levis naman, siya ang maingay sa buong klase namin, hindi ko rin inakala na may malachite siya, lagi siyang masaya at talagang maingay, parang walang tinatago, happy go lucky, ganoon ang tamang term para sa kaniya, at si Vzariyah, maldita siya pero namimili siya ng gagalawin. Wala akong pakialam sa paligid ko, kaya wala akong napapansin sa kanila, and beside lately, naging pre-occupied ako sa nagyari sa'min ni Adie.

"Bibigyan namin kayo ng isang araw para magkasama-sama, dahil bukas malalaman niyo kung saang section kayo mapapabilang." Nakakaloko ang ngising sabi ni Calvin, sa ngisi niya na 'yon kakabahan ka talaga, kasi alam ko kung anong mayroon at kung anong kalalagyan namin, malaki ang possibility na magkahiwalay kami ni Adie, lalo na at magkaiba kami ng malachite.

"So, where we will stay?"

"Gusto ko sa doon sa maraming chixx."

Chixx? What the fuck? Saan galing 'yon?

Walang pumasin sa sinabi niya, natawa pa ako ng kakitaan ng pagkapahiya sa mukha niya. "Ihahatid namin kayo kung saan kayo tutuloy pansamantala, dahil bukas na bukas makakasama niyo na ang mga kaklase niyo dito sa Untrodden University." Masayang sabi ni Queenzeal Lee. Huminto kami sa parang isang apartment, sabi ni Queenzeal likod daw ito ng Organico torii. Nang pumunta kami dito, may panibong pinto ulit kaming pinasukan. Paglabas namin nandito na kami sa two story house.

"Dito kayo tutuloy ngayong araw, kumpleto na ang mga gamit diyan, may pagkain na rin, bukas susunduin namin kayo para dalhin sa mga section niyo." Sabi ni Calvin, sabay pa silang nag-bow ni Queenzeal saka kami tinalikuran.

"So, ako lang talaga ang lalaki?" Tanong ni Jhonny at isa-isa kaming tinignan.

"Well, Jhonny masyado kang swerte kasi makakasama mo ang tulad ko, so, dahil your lucky, matutulog ka sa sahig." Mataray na sabi ni Vzariyah. Natawa ako sa itsura ni Jhonny matapos marinig ang sinabi ni Vzariyah

"Teka! teka! Bakit sa sahig ako?" Tanong ni Jhonny. Nanlalaki ang butas ng ilong.

"Kasi lalaki ka, babush." Pinalipad pa muna niya ang buhok sa harap ni Jhonny bago tuluyang tumalikod.

Sumunod naman na kaming tatlong babae, sa huli namin sumunod si Jhonny, na nagkakamot pa ng ulo. Napailing na lang ako sa kanila. Pagkapasok namin, tumambad sa'min ang sala, may apat na pinto sa kaliwa sa tingin ko mga room, isa-isa namin iyong binuksan.

Tama nga ako dahil puro kwarto ang laman ng bawat pinto, isa sa mga kwarto ang may double deck, lahat may CR. Napagdesisyunan namin na magsasama kami ni Adie sa isang kwarto, then bahala na silang tatlo pumili ng mga kwarto nila. Ako ang nasa taas, sa baba si Adie.

"Gusto ko talagang mapasama sa mga organico, Farah." Dinig kong sabi ni Adie, mula sa taas dumungaw ako. Nakapatong sa noo ang isa niyang braso.

"Edi magpakagoodgirl ka." Ani ko. Wala sa hulog.

"Magpapakagoodgirl talaga ako, hys! Anong klaseng section kaya ang papasukan ko, kinakabahan ako, pero kahit papa-ano excited."

"Ako, gusto ko sa bad." Sabi ko, nasa malayo ang tingin, nakita ko sa peripheral vision ko na napataas ang kilay niya, tumingin ako sa kaniya

"Bakit ba doon ang gusto mo?" Tanong niya sa'kin, hindi makapaniwala.

"Why not? Ang pagkagusto mo sa good section, pinakialam ko ba?" Mataray kong tanong. Kumunot ang noo niya sabay bato sa'kin ng unan. Malakas akong tumawa.

"Baliw, WAHAHA!" Tumatawang sabi niya. "Bakit nga kasi!"

"Walang siraan ng trip, Adie." Dinilaan ko pa siya, para lalo siyang maasar.

"Daya mo Farah!" Sigaw niya. Sabay kaming natawa sa isa't-isa.

After ng kalokohan umayos na din kami ng higa. "Farah?" Pipikit na sana ko, pero tinawag niya pa ko.

'Di talaga matigil bibig nito eh.

"Hmm?" Tugon ko. Pipikit-pikit na.

"Kapag hindi tayo magkasama sa isang section, promise me na ako pa din ang  bestfriend mo ah. " sabi nito. Pahina ng pahina. Napangiti ako bago bumangon.

Nagulat siya ng tumabi ako sa kaniya. "Oo naman, syempre sa tagal nating magkasama, walang papalit sa mga memories na sabay nating ginawa." Sabi ko. Niyakap siya ng mahigpit.

If ever nga na hindi kami magkasama sa section. I will miss this place. Lock by her arms.

"Sa good ka na kasi." Pamimilit niya sa'kin.

"Ayoko." Diretsyahan kong sagot.

"Bakit ba kasi?" Kahit 'di ko siya nakikita dahil nakasubsob ako sa leeg niya, alam kong nakanguso siya.

"Bakit ba gusto mong malaman ha?" Tanong ko. Nagpipigil ng tawa.

"Kasi naman alam mo ng bad, 'yon pa pinili mo."

"Eh, bakit ba? 'Yun ang gusto ko eh."

"Sira na talaga ulo mo, hay nako." Natawa na lang ako sa tono ng pananalita niya.

Parang bata. HAHAHA.

"Matulog ka na nga maaga pa tayong susunduin bukas, iiwan kita kapag 'di ka nagising." Banta ko sa kaniya, nakalagay pa ang hintuturo sa ilong.

"Ang bad mo! Oo nga, bagay ka sa bad!" Sigaw niya niya kunwari.

"Goodnight." Malambing na sabi ko, lalo pang hinigpitan ang yakap ko sa kaniya.

Sa good kasi, hindi ako sigurado sa mga makakasalamuha ko, pero kung sa bad ako wala akong aasahan. Kasi una pa lang alam kong masama na sila. Unlike sa good, pwedeng plastik, pwedeng traydor. Hindi mo paghihinalaan, kasi nakakabit sa pangalan nila ang salitang good.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon