CHAPTER 4

2 0 0
                                    

Chapter 4

Farah's POV

UMUPO kami ni Adie sa sahig kasi curious na talaga kami. We didn't mind the dust. "Kinakabahan ako sa mababasa natin tungkol diyan."

Hindi ko na pinansin pa si Adie, binuksan ko ang libro, 'PYRITE SUNSTONE' 'yon ang nakalagay sa unang pahina. Parang sinaunang libro and datingan nito, natahimik kami ni Adie habang binabasa ang libro.

Ayon sa libro may sinaunang mga tao na nagtataglay ng mga malachite.

Taong tabon pala ang mga 'to.

Chalcedony, ang tawag sa mga taong nagtataglay ng mga may Ice Malachite, kung saan pinamumunuan ni Ethan Ryle Sylverine.

Serpent, Ang mga taong mayroon ng mga Fire Malachite na pinamumunuan ni Tori Fox.

Tourmaline, para naman sa mga taong nagtataglay ng mga Earth Malachite.

Obsedian, sa mga taong nagtataglay ng mga Water Malachite.

Aroganite, ang taong nagtataglay ng Light Malachite na.

Realms, para sa mga nagtataglay ng Wind Malachite.

Obsedian at Realms ay nasa ilalim ni Ethan. Tourmaline at Aroganite ay nasa ilalim ni Tori. Sa lahat ng Malachite Ice at Fire ang nagsasagupaan.

Ang gulo? Ano 'yon magkakalaban sila?

Wala sa sariling napatingin ako kay Adiera na seryoso sa pagbabasa. Bigla akong kinabahan dahil sa Malachite na mayroon kami. Nang mapansin niya na nakatitig ako, nilingon niya ako at tinaasan ng kilay, awkward akong umiling at tinuluy ang pagbabasa.

Aoife Fiyadh Zephirine, Caixen Algrogial, Thea Madrilejo, Kris Wu, Dustin Clove, at Takeshi Donovan. sila ang tinatawag na ROYALTY including Ethan and Tori. Ang namumuno sa buong Untrodden University. Si Aoife ang Queen. Si Thea ang Sovereign. Takeshi ang Earl. Dustin ang Viscount. Kris ang Baron. And for Ethan and Tori sila ang General ng dalawang torri. Ang Organico at Ricerca

Namamangha ako sa mga naging contribution ng bawat isa sa Demonic Dragonairs Imperium years ago, hindi pa siya Untrodden noon. Lahat sila naging malaki ang papel para sa ikagaganda ng lugar na ito. Nagulat ako nung mabasa ko na ang sinasabi nilang UNTRODDEN UNIVERSITY ay dito mismo sa Academy na ito nakatayo, ang dating pangalan pala nitong Academy ay Demonic Dragonair Imporium. Na ngayon ay Demain's Aragon Academy.

Royalty ang dating namumuno sa buong Demonic Dragonairs Imperium. Dito may tinatawag na Ricerca at Organico, sila ang dalawang sector na magkatunggali sa lahat ng larangan, ang mga Organicians ay ang section na nagtataglay ng mga Ice, Water, and Wind Malachite. Para naman sa mga Ricercians ay ang mga taong mayroong Fire, Earth, and Light Malachite. Ang mga taga-Organico ang binansagang mga 'good students' dahil literal na gumagawa sila ng kabutihan, at ang mga taga Ricerca ang binansagang mga evil or villain, kabaliktaran ng sa Organico pero hindi sila yung mga masasamang tao, kaya sila tinawag na mga villain ay dahil masama ang ginagamit nilang mga paraan pero para sa ikabubuti ng iba, yung walang taong madadamay, and every two weeks kumukuha sila ng dalawang estudyante sa labas ng Demonic Dragonairs Imperium para i-train as a good and evil students, at lahat ng estudyante na 'yon ay mga nagtataglay ng Malachite, hindi basta-basta nakakapasok ng DDI ang mga pangkaraniwang tao.

Si Ethan Ryle Sylverine na may Ice Malachite, ang tumayong pinuno ng mga Organico. Si Tori Fox, na may Fire Malachite ang sa Ricerca. Pareho silang nabibilang sa Royalty.

Ang mga Malachite ay napapasa lang kung ang mga magulang mo ay nagtataglay ng mga Malachite. Pero maraming nagbago 20 years ago-

O_o

"Halah! Bakit punit?" Halos pasigaw na sabi ni Adie, kasi maski siya nagulat nang makitang punit na ang mga dulong bahagi ng pyrite sunstone, nakakapanlumo man dahil wala kaming masyadong nalaman kasi nga putol ang pyrite.

"Nakakain-"

"May tao ba diyan?" Nagkatinginan kami ni Adie, parehong nanlalaki ang mga mata nang marinig namin 'yon, mabilis kong sinara ang libro at binalik kung saan namin ito kinuha kanina, saka kami nagtago. Nang makaalis na ang guard, umalis na rin kami dahil baka mahuli pa kami dito kapag nagtagal pa kami.

Nang makarating na kami ni Adie sa dorm pareho lang kaming tahimik at nag-iisip, alam kong marami pa ding tanong si Adie na hindi masagot gaya ko. Pero hindi namin alam kung saan pupulutin ang mga sagot na kailangan namin.

Bakit napunit ang libro na 'yon?

"Napapasa lang ang Malachite kapag ang magulang mo ay nagtataglay ng Malachite, Farah, it means possible na Serpent ang parents ko at Chalcedony naman ang sayo."

"Yan din ang naisip kong posibleng dahilan Adie, kung bakit tayo may Malachite." Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa mga nalaman namin doon sa libro ng pyrite sunstone.

Demmit! Can anyone answer my unending questions!

"Ano kaya ang nangyari 20 years ago, nasaan na ang sinasabi nilang UNTRODDEN UNIVERSITY bakit naging Demonic Academy 'to? Ano bang nangyari?" Hindi ko alam pero parang sasabog na ang bawat ugat sa utak ko kakaisip sa mga bagay-bagay.

"Alam mo doon talaga ako nacurious sa nangyari 20 years ago at kung bakit sira ang ilang parte sa dulong bahagi ng pyrite sunstone na 'yon" Hindi ko alam pero sa oras na'to iisa ang takbo ng utak namin ni ni Adie, pareho kaming curious sa mga bagay na dapat hindi namin iniisip.

"Alam mo nagtataka talaga ako Adie."

"Hm. Same here Farah, pansin mo ba yung libro kanina?"

"Yeah.. Parang bago lang ang pagkakasira nang mga last pages sa libro." Napansin niya din pala yung nakita ko kanina. Totoo 'yon, kung titingnan mo ang libro napakaluma na nito pero kung titingnan ang mga punit sa libro mahahalata mo na agad na bago pa lang 'yun sinira.

"Sa tingin mo sinadya 'yon?"

"Ewan ko din, sino naman ang sisira noon? At saka anong dahilan niya?Ibig sabihin may mga taong alam na totoo ang sumpa na kumakalat?" May point si Adie ano nga bang dahilan ng taong 'yon, bakit niya sinira ang libro? Anong nakalagay sa mga huling pahina ng libro?

Bigla akong napatingin sa kaniya. "That means..hindi talaga sumpa iyon?"

Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon