CHAPTER 14

1 0 0
                                    

Chapter 14

Farah's POV

SERIOUSLY? Hindi nila alam kung ano ang tawag sa nangyayari sa kanila? Sabagay kami nga rin eh, hindi namin malalaman kung hindi ko pa narinig sa usapan nila Sir Dachi.

"Eh, ikaw Joyce? Huwag ka namang manahimik diyan, baka mapanis ang laway mo o kaya naman.." Pabiting anito.

O_o

"A-Ano?" Nakakatawa sila, mapapansin kay Joyce na pinipigilan lang niya na makipag socialize sa'min, salamat kay Jhonny napapagsalita niya si Joyce.

"O baka naman bad breath ka? BWAHAHAHAHAHA!"

"HINDI AH!" Biglang sigaw nito, na ikinagulat namin.

"HAHAHAHAHAHAHA!" Sabay-sabay na tawa namin, kasi naman biglang sumigaw si Joyce and take note hindi siya nautal, grabe talaga mang-asar 'to si Jhonny kahit tahimik napapagsalita.

"Ayown nagsalita na, cute naman pala boses mo bakit nahihiya ka?" Pangungulit ni Jhonny kay joyce, ang saya nila tingnan tapos si Vzariyah at Adie nagpipigil ng tawa sa kanila. Ako na nago-observe lang.

This is my new circle of friends. I found a new one. Nakakalungkot lang kasi sandali lang kaming nagkasama, mamaya maghihiwa-hiwalay na.

"Wala, pake mo ba?" Mas lalo akong nagulat ng tarayan siya nito.

"Ano Jhonny? Wala ka pala eh." Ako naman ang nang-asar sa kaniya.

"Abugh! Marunong ka pala magtaray? Hmm? Ikaw huh?" Hindi talaga to titigil hangga't walang napipikon.

"Ano na naman 'yon!" Nahihiyang sabi niya, narealize yata na sumisigaw na siya. HAHA.

"HAHAHAHAHAHA!" Ang saya niya pagtripan, nalabas ang pagka-mataray niya, saka mahilig siyang ngumuso parang kami ni Adie, sayang lang dahil ngayon lang namin sila nakilala kung kailan nandito kami sa weird na lugar na'to, kung kailan magkakahiwa-hiwalay din kami.

"Tama na nga 'yan, HAHAHA!" Inawat ko na sila dahil baka kung saan pa mapunta ang asaran namin.

"Hindi mo pa nasasabi kung paano mo nalaman ang sayo Joyce, sabihin mo na?" Pag-iiba ni Adie ng topic, oo nga pala nakalimutan ko na ang pinag-uusapan, kasi naman itong si Jhonny ang daming alam puro naman kalokohan.

"Yung hindi nauutal ah." Talagang may pahabol pa eh, pero natawa lang ako nang makita ko si Joyce na inirapan si Jhonny.

Ang kukulit HAHA.

"Hmm.. nalaman ko 'yon, nang nasa library ako napansin ko na lang yung libro na unti unting nababasa, kaya nagtaka ako akala ko pasmado lang ang kamay ko kaya pinunasan ko, nagpatuloy ako noon sa pagbabasa pero talagang nababasa, kaya doon na ako nagtaka, noong una hindi ko rin alam ang tawag doon, pero nang marinig ko si Adie at Farah na nag-uusap, nalaman ko na malachite ang tawag doon. Wala din kasi akong alam sa nakalat na rumor sa school, wala akong friend para magbalita sa'kin noon." Mahabang paliwanag niya.

Narinig niya kami? Saan?

"Saan mo kami narinig na nag-uusap?" Curious na tanong ko.

"Sa room, noong time na badtrip ka kasi sabi mo wala ka na namang napapala sa pagsunod niyo kay Sir Dachi, hindi ko naman 'yon sinasadya na marinig eh, nagkataon lang na pinaiwan ako sa room para ayusin ang mga papel na ididistribute para sa exam. Hindi niyo yata ako napansin na nandoon sa room." Hindi ko nga alam na nandoon siya ng time na 'yon, pero hinayaan siyang magpatuloy sa pagkekwento.

"Noong una natatakot ako, kasi baka ako lang ang nagkakaganon, baka lalo nila akong i-bully sa school kapag nalaman nila na may lumalabas na tubig sa kamay ko, though, hindi naman siya madami pero nakaka-pagtaka pa rin." Nakayukong usal niya, nanubig ang mga mata.

"Sige na ituloy mo lang." Napansin kasi namin na tumahimik siya, kaya nagsalita na si Adie.

"Nakampante ako nang nalaman ko na hindi lang ako ang may ganoon, kahit na hindi tayo magkakapareho ang malaman ko lang na hindi ako nag-iisa napalagay ang loob ko."

"Kaya ba lalo kang umiwas sa mga tao sa school?" Tanong sa kaniya ni Vzariyah, dahan-dahan ang naging pagtango nito.

Bigla kaming tumahimik, parang nagbago bigla ang atmosphere dito sa sala, may kaniya-kaniya kami ng iniisip, laking pasalamat ko nang basagin ni Adie ang nakakabinging katahimikan.

"Malachite ang tawag diyan sa mga lumalabas sa mga kamay niyo."  Panimula nito.

"Malachite, naririnig ko na yan, dahil sa mga issue sa school? Pero ano 'yon?" Nagtatakang tanong ni Jhonny, hindi ba niya narinig ang sinabi ni Adie kanina kailangan paulit-ulit.

"At saka pano niyo nalaman na may ganoong bagay?" Nagtatakang tanong din ni Vzariyah, ito din isa pa nakinig ba talaga sila.

Para mas maliwanagan si Vzariyah at Jhonny kinuwento, namin ni Adie kung paano namin nalaman ang tungkol sa malachite, sinabi namin ang ginawa naming pagsunod kay Sir Dachi, ang tungkol sa pyrite sunstone, sa una hindi nila maintindihan pero pinilit nila para magkaroon sila ng kahit kaunting
information about sa mga malachite nila.

"Sinundan niyo talaga si Sir Dachi ng ganoon katagal, para lang malaman ang tungkol sa malachite niyo?" Manghang tanong ni Vzariyah, tapos naalala ko na naman ang nangyari na yon.

"Yes, ganoon kami ka curious sa nangyayari sa'min, at saka narinig ko din na pinag-uusapan nila, kaya namin sinundan si Sir Dachi." Patuloy ko.

"Edi wind malachite ang akin? Ganoon ba?" Nagtatakang tanong Vzariyah, tumango naman ako.

"light ang sa'kin?" Nakakatawa talaga pag nagpopoker face si Jhonny.

"Water naman ang sa'kin" Siguradong sabi ni Joyce.

Nakakatuwa na sa maikling panahon nakasundo namin ni Adie ang tatlo na'to, kahit magkakaiba kami ng personality. Kahit na may kaniya-kaniya kami ng pinagdaanan. Nakakatuwa na hindi na sa'min nahihiya si Joyce, makulit naman pala talaga siya mahiyain nga lang, pagtingin ko sa orasan 4:00 am na, ang tagal pala namin nagkwentuhan.

"Mag-pahinga na tayo guys, may time pa naman eh, bago tayo sunduin dito nila Calvin at Queenzeal." Sa pagod na rin siguro kaya nagsisunod na sila.

Ano na kaya ang mangyayari bukas?

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon