Chapter 21
Farah's POV
"SIGE Farah dito na ang room ko Babush." Paalam ni Ace at pinalipad pa ang buhok bago tumalikod. Napailing na lang tuloy ako at natatawang tumalikod. May tumawag kasi sa kaniya kaya nagpa-iwan na ako dito. Sabi ko nga kanina titingin-tingin ako dito since, maaga pa naman.
Napalitan naman agad ng lungkot ang mukha ko ng maalalang may issue nga pala kami ni Adie. Ghad! Bakit kasi ginawa mo yun Farah eh, ayan tuloy. Ano na ang gagawin mo. Napabuntong hininga na lang ako ng malalim.
Next time kasi Farah 'wag ka na lang mag-suggest.
Para akong tangang nakatungo habang naglalakad, nakalaylay ang ulo.
"Mukhang malungkot ka miss ah."
"Ay palaka!" Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may magsalita, napabaling ako sa kaliwa para tingnan kung sino iyon.
Isang lalaking nakasandal sa may pader ang nahagip ng paningin ko. Tumingin-tingin ako sa paligid pero kami lang ang tao sa parteng ito. Dumeretso na ako sa paglalakad dahil baka nabingi or namalikmata lang ako.
"Sandali kinakausap pa kita." Dinig kong habol nung lalaki kaya humarap ako at dinuduro ang sarili ko. Tumango naman siya, saka dahan-dahang lumapit sa'kin. "Ikaw ang newbie right?" Tanong nito.
Newbie ba talaga ang tawag nila sa mga bago? Wierd.
"Yeah, pero lima kaming newbie dito, why?" Balik tanong ko sa kaniya.
"Nothing, by the way." Sabi niya sabay lahad ng kamay. "I'm Thyron Montenegro from Paradox Section."
"Farah Arzhea Calixta from Rditanians section." Then nakipagshake hands ako sa kaniya. Matangkad, mestizo, at ang lakas ng dating nang hikaw niya sa tainga.
"Gusto mo ihatid na kita sa room niyo?" Anyaya niya sa'kin.
"Wahh! Wag na, I can manage, kaya no need sige bye." Mabilis akong kumaway at sabay alis na. Nakita ko na kumunot ang noo niya pero hindi ko na pinansin yun.
Medyo masama pakiramdam ko sa lalaking yun e, bigla-bigla na lang lalapit at makikipag-usap. Yan yung sign na ano eh huwa! Pero teka naman Farah baka naman friendly lang yung tao ang judgemental mo.
GRR.
AS USUAL about malachite ang diniscuss ng prof namin. About Wind malachite. Kapag nagalit ang taong meron nito maaari siyang makalikha ng tornado. Kaya din nitong kontrolin ang lahat ng may kinalaman sa hangin. Medyo delikado lang kung hindi marunong ang gagamit dahil ikaw ang kakainin ng sarili mong Malachite.
Kaya siguro pinag-aaralan ang mga Malachite para maiwasan iyon.
Naalala ko, wind malachite pala ang meron si Vzariyah pero mabait naman siya eh. Pero nangangamba ako sa taong meron noon na taga Ricerca, delikado sila ni Adie kapag nagkataon.
AFTER ng klase sumama ako kila Queenzeal sa pagpunta sa may cafeteria. Bale lima kami. Ako, Queenzeal, Joyce, Ignatius at Chunsai. Pagkarating namin sa may cafeteria hinanap kaagad ng mata ko si Adie. Mukhang wala pa siya dahil hindi ko siya mahagilap.
"Hey Farah." Dinig kong may tumawag sa'kin nilingon ko 'yon. Agad na lumawak ang ngiti ko ng makita si Ace.
"Wah! Hey." Bati ko, may iba pa siyang kasama. Nginitian ko sila, nagalak naman ako ng ngumiti din sila pabalik.

BINABASA MO ANG
Untrodden
Science FictionSomeday it takes a lot of work just to be okay. Forget, forgive, move on.