CHAPTER 8

1 0 0
                                    

Chapter 8

Adie's POV

KANINA ko pa napapansin ang pananahimik ni Farah, actually kagabi pa, hindi ko lang pinapansin kasi baka marami lang siyang iniisip, pero hindi ko na matagalan ang pananahimik niya.

"Farah, may problema ba?" Tanong ko, mababakas sa boses ko ang pagkailang, bihira lang kasi magka-ganito si Farah, kapag malalim at seryoso talaga ang iniisip niya.

"Hmm, wala naman." Matamlay na saad niya.

"Kagabi ka pa ganyan, tapos sasabihin mo wala." Pangungulit ko, ayaw ko kasi ng ganyan siya, yung nananahimik, mas gusto ko yung madaldal na Farah.

"Naisip ko lang, sa tingin mo kung lalaban tayo anong mangyayari?"

"Paanong lalaban?" Hindi ko kasi maintindihan, kung anong gusto niyang sabihin.

Paanong lalaban? Kami? Kanino?

"Alam mo naman na pang anim na araw na natin, simula nang malaman nating may malachite tayo?"

"Oo..."

"Last na kinuha sina Heaven at Matteo, ibig sabihin may mga malachite sila, kasi hindi naman sila kukunin kung wala hindi ba?" Tango lang ang naging sagot ko. Nahihirapan i-absorb ang mga sinasabi niya.

"Ibig mong sabihin malaki ang chance na makuha din tayo ganoon?"

"Anong malaki ang chance, kukunin talaga tayo, kasi may malachite tayo, pero naisip ko lang may kakayahan ba tayong lumaban kung sakali?" Napaisip din ako sa sinabi niya.

May kakayahan nga ba kami?

"Hindi ko alam, pero tanda mo noong nakipag-away tayo kina Leigh at sa grupo niya? Diba lumabas ang malachite natin 'non." Ang tagal ko din pinag iisipan 'yon.

Paano ko 'yon napalabas?

"Ano nga bang ginawa natin?"

"Basta ako ang alam ko lang 'non galit at inis na inis ako kay Leigh, kasi ang epal niya, bigla ba naman akong sinugod!" Kapag talaga naalala ko 'yon naiinis ako.

"Ano yon? Kapag lang may nakaka-away tayo saka nalabas? Ang hirap naman noon."

"Edi, kailangan nating makontrol ang sarili natin?" Wala sa sariling sabi ko.

"Hangga't maaari oo, yon ang gagawin natin, nakita mo naman diba? Napansin nila Pranpiya na may umuusok sa mga palad natin, kung ayaw natin na mahuli agad, kailangan nating gawin lahat ng posibleng paraan para lang maitago ito."

"Lah? Ang hirap naman yata niyan, lalo na kapag kaharap natin ang mga panget na 'yon. Sa ugali ng mga 'yon sinong hindi magagalit sa mga pinaggagawa nila satin." Naiinis na talaga ako,

Paano ko naman magagawa 'yon eh, Makita ko pa lang mga pagmumuka 'non nanggagalaiti na agad ako.

"Adie naman? No choice na tayo, kung hindi i-risk lahat ng opportunity na nakikita natin maitago lang ang malachite na'to!" Nagegets ko naman ang gusto niyang mangyari pero ang hirap talaga.

"Okay I'll try but, I can't promise Farah, lalo na kapag sila ang nauna." Hindi ako makatingin sa kaniya. Pakiramdam ko hindi iyon puwede sa kaniya.

"Pero hanggat maaari Adie, ikaw na ang umiwas huwag mo silang papatulan. Kapag nakita mo silang palapit ikaw na ang lumayo." Hindi na ako sumagot kasi baka mag away lang kami.

Matapos nang nag usapan namin ni Farah, bumalik na kami sa classroom, hindi kami nag-usap hanggang matapos ang klase, pero alam ko naman na hindi kami mag-kagalit, nawala lang siguro siya sa mood, alam ko naman na lalapit siya sakin.
Halos wala akong naintindihan sa lesson namin kanina, iniisip kong maigi ang dahilan ni Farah, kung bakit ba siya nagkaganoon.

Iniisip niya pa rin kaya yung sinabi ko kanina? Kasi naman eh. Kung hindi ko papatulan ang mga iyon malamang aabusuhin nila kami. Masasanay silang kayan-kayanin kami dahil hindi kami lumalaban.

Lumabas na lahat ng kaklase namin, hinintay kong lumapit siya sakin ngunit nabigo ako. Medyo nag-init ang ulo ko sa ginawa niya, ano ba kasing ginawa ko para magkaganyan siya? Agad-agad ko siyang hinabol at hinablot ang braso niya.

"Ano bang problema mo Farah?" Singhal na tanong ko sa kaniya.

"Aaahh!" Daing niya, inalis ko naman agad ang kamay ko sa braso niya nang makitang nasasaktan siya. "Ang init ng kamay mo Adie." Ani niya. Tinignan ko naman ang mga palad ko at nakita ko itong umusok ng kaunti.

Ano bang nangyayari sa'kin?

Tumingin naman ako kay Farah at bakas sa mga mata niya ang pag-aalala.

"F-Farah." Mabilis na nag-init ang magkabilang gilid ng mata ko.

"Anong nangyayari Adie?" Tanong niya sa'kin bakas ang pag-aalala sa boses.

"H-Hindi ko rin alam Farah, hindi ko alam." Saad ko, binalot nang matinding takot ang buong katawan ko.

Anong nangyari?

"Kumalma ka lang kasi Adie, baka stress lang yan okay?" Pagpapalakas ng loob sakin ni Farah, ang dalawang kamay niya ay nasa braso ko. Hinahagod ito.

"Hindi ko alam anong nangyayari sa'kin Farah, tulungan mo ko." Mangiyak-ngiyak kong pakiusap sa kaniya.

"Calm down Adie, it's gonna be all fine okay?" Nakangiting pang-aalo niya sa'kin.

"Hindi ko kaya Farah." Tuluyan ng bumagsak ang kaninang pinipigilan kong luha. Nag-uunahan sa pag-agos. Nakita kong mangilid din ang mga luha niya, bago ako hinila payakap sa kaniya.

"Kaya mo 'yan Adie, kilala kita, wala kang kinatatakutan right? Ikaw si Adiera, ang kilala kong Adiera hindi sumusuko, ipakita mo sakin si Adie, yung totoong siya." Tumango-tango lamang ako sa sinasabi niya.

"Just prove that you're my Adie, my best friend Adie." Sabi pa niya na hinahagod ang likod ko.

"Aah!" Napasigaw ako nang bigla na lamang kumirot ang palad ko.

"Bakit? Anong nangyari?" Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at tiningnan ang kabuuan ko.

"Kumikirot siya Farah ang sakit, ahh!" Nataranta siya ng sumigaw ako.

"Bumalik na tayo ng dorm magpahinga ka na." Yakag niya at inakay ako papunta sa dorm.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon