PROLOGUE

9 0 0
                                    

Prologue

Farah's POV

"ADIE!? Dalian mo male-late na tayo!" Tawag ko sa kaibigan, kahit kailan talaga ang babaeng ito ang bagal kumilos. "Ano ba, matagal ka pa?" Late na talaga kami, si Sir Dachi pa naman ang first subject which is mainit ang dugo sa amin, kaya malalagot na naman kami nito. Err.

"WAAH!" Nagulat ako nang  marinig ko si Adie na sumisigaw, dali-dali akong tumakbo, papasok sa dorm namin, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang umiiyak sa may sulok at itinatago ang kamay niya.

"What the hell is happenning?!"

*Sob sob*

Kinakabahan na ako, lalo pa noong  hamagulgol siya sa iyak, lumuhod ako sa harap niya at pilit na hinuhuli ang kaniyang mga mata.

"Ano ba ang nangyayari?" Kalmadong tanong ko, pero sa loob-loob ko sobra na ang kaba, pinagpapawisan na din ang mga kamay ko.

"Farah?"

"Hm? What is it?" Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit, doon siya umiyak ng umiyak sa balikat ko, hinagod ko naman yung likod niya para pakalmahin siya. "What is it Adie? Tell me." Pero wala akong nakuhang sagot mula sa  kaniya. "Ano bang nangyayari sayo?" Sobra na yung kaba ko dahil palakas ng palakas yung iyak niya. Hindi naman siya nagsasalita kung ano ang problema. Maya-maya lang habang tumatagal may nararamdaman akong mainit sa likod ko para akong napapaso.

Bakit humahapdi 'yong likod ko? Bakit ang init?

"OH MY GOD!" Adie scramming, habang lumalayo sa akin, doon ko lang nakita kung ano 'yung itinatago niya sa kamay, at doon nanlaki ang mga mata ko.

O_O

Hindi pwede ito, bakit si Adie pa?

"Anong nangyari diyan sa kamay mo? Bakit nagkaganiyan?!" Sa pagbabakasakaling iba ang maririnig kong sagot sa kaniya.

"Hindi ko alam! Hindi ko alam! Wala akong alam!" Halos takpan niya ang magkabilang tainga dahil sa pagkataranta. Parang dinudurog yung puso ko nang makita ko si Adiera na iyak ng iyak at nahihirapan. Wala akong magawa, magkaibigan na kami mga bata pa lang, and Adie's like my real sister. Tinuring ko na siyang totoong kapatid ko since pareho na kaming ulila. At parehong nang-galing sa bahay ampunan. Nahinto ako sa pag-iisip pero hindi ang pagluha, nang marinig ko ang hikbi niya, parang may bumabara sa lalamunan ko kaya wala akong nagawa kundi ang yakapin siya.

"Farah natatakot ako. Anong gagawin ko? Baka kunin din nila ako ayoko mapalayo sa iyo." Ang sakit pakinggan na nagmamaka-awa siya, pero mas masakit ang katotohanan na wala akong magawa para sa kaniya. Wala akong magawa kundi ang umiyak.

Shit! Bakit ang hina-hina ko? Ano nang gagawin ko ngayon kung pati si Adie nagkoroon din? kami na ba ang susunod?

"Farah tulungan mo ako!?" Nagmamaka-awang pakiusap niya.

"Shh. I will Adie, I will." Pangungumbinsi ko sa kaniya. Kahit walang kasiguraduhan.

Na andito kami sa dorm namin, hindi na lang kami pumasok dahil baka may makakita sa kamay niya. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kaniya iyong nangyari sa akin, ayoko naman kasi na lalo siyang panghinaan ng loob dahil dalawa na kaming may malachite. Isa itong hindi pangkaraniwang kakayahan ng isang tao na katulad namin. Sumpa sa school kung tawagin nila.

"Farah?"

"Hm?"

"Sa tingin mo kukunin nila ako?" Medyo may takot sa kaniyang mata habang binabanggit niya ang katanungang iyon. Nakatangin siya sa mga mata ko at kitang kita doon ang takot.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon