CHAPTER 19

0 0 0
                                    

Chapter 19

Ace's POV

NAKAKABIGLA naman talaga para sa isang baguhan ang mga sinabi ko pero pansin ko na may kaunting nalalaman si Farah, may something sa kaniya na hindi ko maipaliwanag.

Sa lahat ng sinabi ko bukod sa maganda ako totoo yun at saka gusto ko siya kasi masiyadong siyang curious sa mga bagay-bagay magkakasundo talaga kami nito at saka mabait naman siya eh kahit minsan nakikita ko na iniirapan niya ako kapag sinasabi kong maganda ako.

Abugh! Anong gagawin ko kung 'yon ang totoo alangan naman na magsinungaling ako?

"Paano napunta sa underworld ang school na 'to Ace?" Kahit naman talaga ako hindi makapaniwala nung una na nadala nila ang buong school na to sa underworld, mali yung sinabi ko sa kanya na 1 year pa lang ako dito sa school na ito. Ang totoo nung nasa DDI pa ang school na ito nandito na ako pero sa lahat ng nakikilala ko yun ang sinasabi ko kasi tulad nga ng sinabi ko kanina hindi ako sigurado kung sino ang pagkakatiwalaan ko lalo na at bago siya pero halata naman sa kaniya na hindi siya masama.

"Woi!"

"Huh?!" Nagulat ako nang kalabitin niya ako masyado na pala akong na preoccupied sa nangyari nitong mga nakaraan.

"Ang sabi ko paano napunta yung University na ito sa underworld?"

Ah yun pala.

"Sa tulong ng mga may earth malachite pinagtulungan nilang ibaba ang University na ito, ayaw ni Takeshi ng may nakikialam sa pamamahala niya, kung sa panahon 20 years ago si Aeofi ang nagpapatakbo ng pamahalaan kaya napakatahimik ng DDI at masaya pero nalamon ng inggit ang pagkatao ni Takeshi." Mahabang paliwanag ko, siya naman tahimik lang na inaabsorb lahat ng kwento ko.

"Matagal ka na sa University na ito di ba?" Nagulat ako sa seryosong sinabi niya.

"Ano ka ba last year lang nga HEHE." Bakit ganoon may mali ba akong nasabi para mahulaan niya 'yon, bukod sa maganda ako?

"No, you're not." Seryosong ani niya sa paraang sigurado siya.

"H-Huh?Ano ka ba Farah? Totoo nga ang sinasabi ko. HAHA." Talagang pinanindigan ko ang sinasabi ko na 1 year pa lang ako dito.

"Sige paniwalain mo sarili mo, okay continue." Nagulat talaga ako. Paano? Sa lahat ng mga kaibigan ko naniwala sila, siya lang ang hindi. Bigla akong nakaramdam na parang may kamay na humaplos sa puso ko.

"Saka mo na alamin ang iba kailangan natin pumasok ng maaga bukas kasi newbie ka at saka need ko pa ng beauty rest, abugh ayaw ko magka-wrinkles HEHEHE." Ngiting-ngiti na sabi ko.

Nakita ko siyang ngumuso, ang cute niya."Sige pero kwentuhan mo pa rin ako ha?" Nakanguso pa ring sabi niya, natawa na lang ako sa expression ng mukha niya.

"Of course prend maganda ako eh, HIHIHI." Biro ko sa kaniya pero hindi biro yung maganda ako.

"Oh sige na matulog ka na baka maistorbo ko pa yang pag beauty rest mo HAHAHA."

Abugh tinawanan ako? Pero hayaan na nga cute naman siya.

Actually maganda siya, pero ang mga expression niya cute akala mo bata, pero hindi mahalay as in bagay talaga sa kaniya. Hindi gaanong mahaba ang pilikmata pero makurba, chinky eyes, pointed nose and thin lips, bumagay din sa kaniya ang pantay na kulay. Kinulang lang sa height HAHA.

Naramdaman ko na pumunta na siya sa higaan niya at nahiga ng deretsong deretso nakapatong pa yung kaliwang braso niya sa noo. Napangiti ako nang maalala ko na sa kaunting sinabi ko sa kaniya nalaman na agad niya na kasinungalingan lang ang isang taon palang ako dito sa University, katulad ni Farah ang hinahanap namin katulad niya ang kailangang namin sa grupo. Nang makontento sa pagtulala lumabas na ko.

Kukuha ako ng ibang gamit sa stroom. Pang-isang tao lang ang mga gamit ko sa dorm maaga pa naman at hindi ako pumasok ngayon dahil ininform ako ni Queenzeal na may makakasama daw ako. Nang nasa tapat na ako ng stroom hinarang ako ng dalawang sonja ang guard ng stroom.

"Anong kailangan mo?" Taas noong tanong sa akin nung isang sonja. Inangat ko ang kamay ko at pinakita ang information form na may makakasama ako sa dorm. Binasa nila saglit yun bago ako pinatuloy. Nag-log din muna ako at name ng makakasama ko.

Malaking storage room ang stroom naandon lahat ng kailangan namin sa dorm. Kumuha ako ng dalawang bedsheet, anim na pillow case, apat na comforter, anim na curtain. Kumuha din ako ng extra plates and utensils. Kumuha na din ako ng mga rog, towel, lahat ng kailangan namin na wala sa dorm kinuha ko. Kumuha ako ng paper bag at doon nilagay lahat. Nag-bow muna ako sa dalawang sonja bago bumalik sa dorm.

"Ace!" Naglalakad na ako pabalik ng may tumawag sa akin. Napalingon naman ako sa pinanggilan noon. Kumaway sa akin ang babaeng hindi katangkaran at morena.

"Ace!" Tawag niya ulit sa akin, kumakaway pa habang papalapit sa pwesto ko. Hindi naman ako makakaway pabalik dahil may bitbit ako.

"Wap Sam." Sabi ko ng makalapit siya sa akin, nagtaka pa siya ng makita na madami ako dala.

"Balita ko kasama mo sa dorm yung isa sa bago?" Nakangiting aniya. Ngumiti naman ako pabalik.

"Ah, oo." Ngumiti ako ng pilit dahil ambigat ng dala ko tapos ngayon pa niya naisip na chumika.

"Kaya ka pala absent kanina. Teka, ano ba yang dala?" Nakatingin na siya sa dala kong dalawang malaki na paper bag.

"Gamit sa dorm." Na lang yung sinabi ko para hindi na humaba ang usapan. Pero nasa mood siya ngayong makipag-kwentuhan. Dahil after niya akong tulungan sa mga dala ko eh, dumeretso kami sa dorm niya dahil madami daw siyang sasabihin. Wala naman akong nagawa kung hindi sumunod dahil nasa kaniya yung ibang dala ko. Tanghali pa lang naman kaya pumayag na ako. Tulog pa rin naman siguro si Farah.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon