CHAPTER 32

1 0 0
                                    

Chapter 32

Third Person's POV

DAHIL sa nakitang hudyat nila Thyron, nagsimula na silang kumilos gaya ng napag-usapan tinipon nila ang lahat ng mga students na alam nilang walang kinalaman sa nangyayari habang abala sa laban ang iba, ginawa nila iyong pagkakataon. Sinimulan na nila Izaeyah, Joyce at Heaven, mga may water Malachite ang pagbuo ng malaking tubig na magkukulong sa kanila sa loob at sa tulong nila Ace, Sam at iba pang may wind malachite, sila ang nagbibigay hangin sa mga taong nasa loob ng tubig pananggalang na ginawa ng iba.

"Bakit may ganito?"

"Anong meron?"

Bulungan nang iba na walang kaalam-alam sa mga nagyayari ngunit makikita at takot, binuo itong harang na ito dahil sa gagawin nila Farah at Adie, sa unang pagkakataon may gagamit ng citrine firetice, sa sobrang lakas nito maaaring masira ang buong University sa gagawin nila at maging matatamaan nito ay mapahamak kaya nila binuo ang harang na ito. Para walang ibang madamay.

"Anong nangyayari bakit wala pa?" Kinakabahang sabi nila Ace.

"Maghintay lang tayo magtiwala tayo sa kanila." Malakas ang loob na sabi ni Queen Aeofi. Malaki ang tiwala niya sa anak ni Tori at Ethan.

Halos manlaki ang mata ni Thyron ng makitang susugod ang ibang royalty sa magkaibigan.

"Chunsai! Hayaan mo kong makalabas!" Sigaw niya. "Bilis!" Lalo siyang nagmadali ng makitang bumagsak si Farah.

"Pero delikado Thyron!" Sagot nito natataranta.

"Wala akong pakialam! Kailangan nila ng tulong!"

"Pero.."

"Hayaan mo siya." Sabay silang lumingon ng magsalita si Queen Aeofi. Tumango si Chunsai at gumawa ng butas para makalabas si Thyron.

Nagpasalamat muna si Thyron kay Queen Aeofi bago tuluyang lumabas. Pero mas nagulat siya ng sumunod sa kaniya sila Queenzeal. Nagtataka niya itong nilingon.

"Hindi mo sila kaya ng mag-isa." Nagtanguan lang sila bago sumugod sa ibang royalty.

"Kami ng bahala dito!" Sabi niya kay Farah. Nagtaka pa ito pero sa huli tumango at dumeretso kay Takeshi.

Pinagtulungan nilang tapusin ang mga taksil na royalty. Nang magbigayan ng hudyat sila Adiera at Farah. Naging hudyat na din nila para gumawa ng sariling pananggalang laban sa gagawin nilang citrine firetice.

Nagulat ang lahat ng biglang gumalaw ang lupa at nasisira ang ginawang harang, natatakot na ang iba kaya lahat ng may earth Malachite pinatibay ang gawang tubig na pananggalang, malamig na sa loob ng harang, maski ang ibang Malachite tumulong na dahil sa lakas ng puwersa na nang-gagaling sa labas, masisira na ang ang ginawa nila, unti-unti na itong nabibiyak. Pati mga walang alam sa nangyayari tumulong na din, ginamit nila ang mga Malachite nila.

Pero ilang sandali pa tumigil na ang pagyanig, ngunit sakto ng pagtigil ang pagkasira ng harang kaya dali-dali silang lumabas. Laking gulat nila ng makita kung anong nangyari sa buong University halos masira na ito at walang makitang kahit ano kung hindi yelo at sunog kung saan-saan agad na hinanap nila Thyron, Ace, at Queenzeal sina Adie at Farah, nagulat sila nang makitang nakahiga ito at bugbog ang katawan dali-dali nila itong nilapitan at inalalayan. Nagulat pa sila nang makita itong lumuluha.

"T-Tapo-s n-na." Nahihirapang sabi ni Farah at saka niyakap ang umiiyak na si Adie.

"T-Tapos n-na A-Adie, w-wala n-na." Patuloy na iyak nito, walang nagawa ang iba kundi panuorin ang magkaibigan. Nilibot nila ang paningin sa buong paligid, wala silang makitang bakas ni Takeshi kundi ang maliit na apoy sa loob ng yelo.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon