CHAPTER 2

3 0 0
                                    

Chapter 2

Adie's POV

NATAWA ako sa pambabara ni Farah sa kanila, nakita ko pang umusok ang ilong ni Leigh. Hindi talaga palapatol si Farah sa mga ganitong mabahong trip, kaya kapag pumatol yan, kabahan ka na, inis na yan. bwisit kasi tong mga panget na 'to eh, kaaga-aga panira ng araw.

"You know what attention seeker?! Ampaget mo!" Nakita kong nag usok ang tainga ni Leigh sa sinabi ko.

Abugh! totoo naman eh, attention seeker sila, akala mo naman magaganda, mukha namang mga coloring book sa kapal ng make up.

"What did you say trash?!" Nagtatangis ang ngipin ni Leigh.

"Mas mukha pa nga kayong trash diyan eh, may I ask? Natingin ba kayo sa salamin? try niyo baka sakaling makita niyo kung sino talaga ang mas mukhang basura sa atin."

"Adie, tara na malalate na tayo eh, wag mo na yang pansinin." Hihilahin na sana ako ni Farah palayo ng harangin siya ni Leigh.

"Oh?! Bakit aalis ka agad trash? Naduwag ka na ba?" Ani niya na halatang pikon na.

"Pwede ba? I don't have time with this nonsense, hectic ang schedule ko, saka mo ka na maggaganyan sa harap ko kapag may appointment ka." Si Farah na kunot na kunot ang noo. Pagkasabing pagkasabi niya noon, nilampasan niya ang grupo nila Leigh na hanggang ngayon nakamaang pa. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya pero tinawanan ko muna yung mga bitches barado sila eh.

"BWAAAHAHAHAHAHA!" Tawa ako ng hard doon.

"GRRR!" Naunang magmartsa papalayo si Leigh, sumunod naman yung mga alipores niya. Nagulat talaga ako doon, sa pagbara ni Farah sa mga iyon, kasi naman madalang  niya lang talaga 'yon gawin. Yung tipo na badtrip na talaga siya, moody kasi iyan. Taka din naman kasi ako sa mga bitches na 'yon, ano bang meron sa'min at ang init ng dugo nila sa amin? Pero natuwa talaga ako sa sagot ni Farah eh.

"Taray mo 'don ah? HAHAHA?!" One month akong hindi makaka move on.

"Tigilan mo nga ako, baliw ka kasi pinapatulan mo pa eh, 'di mo ba nakita ang mga estudyante na nonood 'don kanina?"

"Kasi naman po, kung hindi siya nauna edi sana walang gulo, akala niya kasi lahat ng estudyante dito matatakot sa kanila, abugh sa malachite ko palang wala na siyang laban eh." Iiling iling na sabi ko pa.

"Adie! Ano ka ba?! Baka may makarinig sayo!" Napatakip ako sa bibig ko.

"Ops! Sorry HEHE!" Noong nakita ko na ang room namin tumahimik na ako, kasi sigurado lagot na kami kay Sir Dachi. Oo nga pala susundan pa namin siya, para malaman namin kung saan ba ang old library na yan. Pumasok na kami ni Farah, since, hindi pa naman nag start ang klase kaya lang kung minamalas ka talaga.

"Kayong dalawa? Remain standing!" Pero dahil mabait ako umupo pa rin ako, si Farah nakatayo lang 'pero deretso ang tingin sa unahan.

"I said STANDAP!" Sa sobrang gulat ko sa sigaw niya, napatayo ako bigla.

Hayuff, buset na teacher 'to.

"BWAAAHAHAHAHA." Tapos tinawanan pa ako ng mga supportive naming classmates, nako! Talaga naman.

"Buset na teacher amp." Bulong ko, pero nakatanggap naman ako ng siko kay Farah. "Ano ba?!" Binalingan ko siya ng tingin pero nasa unahan lang ang tingin niya.

"Wag ka na maingay" Bulong niya sa'kin.

"Sinabi ko bang magbulungan kayo diyan?!" Kahit kailan talaga 'tong instructor na 'to, ang epal, pasuin ko bunganga niya diyan eh, nang matigil siya. "Bakit kayo absent na dalawa kahapon?"

"Nagtatae kami Sir." Seryoso pa ko ng sinabi 'yon.

"Ano dalawa kayo? Ano hawaan kayo?" Baliw, malamang.

"Oo Sir bakit bawal po ba yun? Eh sa sabay kami nagtae eh." This time nagpipigil na ko ng tawa.

"BWAHAHAHAAHA." Tawa ng buong klase, yung iba kinakalampag pa ang mesa nila. Napatingin ako sa side ni Farah, nansin ko na napabuntong hininga siya.

"Totoo ba 'yon Ms. Calixta?" Wala talaga 'tong tiwala sa'kin eh.

"Yes po, Sir." Nakahinga ako ng maluwag nang sumang ayon si Farah sa walang kwenta kong palusot.

"Baliw ka talaga 'bat naman 'yon ang sinabi mo na dahilan?" Kunot noong sita niya sa'kin. Napaiwas naman ako ng tingin.

"Eh, sa 'yon ang unang pumasok sa isip ko eh." Nakangusong sagot ko.

"Tsk! Baliw ka talaga nakakahiya!" Medyo mahinang bulong niya pa.

Tingnan mo to ang bipolar talaga kahit kailan. Nagsimula na si Sir Dachi sa boring niyang lesson, kaya naglakbay ang isip ko sa kung paano namin mabilis na mahahanap ang pyrite na 'yon. Naisip ko lang kung saan ko nakuha ang Malachite ko kung totoo ngang napapasa 'yon tulad ng sabi ni Farah, sino naman kaya ang nagpasa sakin 'non? Mapapakinabangan ko naman kaya itong Malachite na 'to, ang kinababahala ko lang eh, kapag malaman nila na may Malachite kami ni Farah, tapos dalhin nila kami sa UU na sinasabi nila.

*KRINGGGGGG!*

Hala!

Napatagal pala yung pag-iisip ko, hindi ko namalayan na lunch break na. Naramdaman ko na sinisiko ako ni Farah.

"Ano ba 'yon, bakit ka nansisiko?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

"Dalian mo na diyan susundan pa natin si Sir Dachi." Nagmamadali siyang ligpitin lahat ng gamit niya.

"Wah! Oo nga pala nakalimutan ko! Tara na! Baka makawala pa 'yan." Nagmadali na din ako.

"Makawala ka diyan, di naman 'yan hayop." Natatawang singhal niya sa'kin.

"Ayy.. Hindi ba, mukha kasi."

"Tsh, baliw." Nang lumabas na si Sir Dachi basta na lang akong hinila ni Farah na parang basura. Baliw talaga 'tong babae na'to, pero dahil mabait ako hinayaan ko lang. Para kaming mga ninja assassin na hinuhuli yung mga target namin, dahil sa pagsunod namin ni Farah kay Sir, nang hindi niya nahahalata. Naging alerto kami nang lumiko si Sir sa kanan, hindi pamilyar sa'min ni Farah, kasi parang ngayon lang kami nakadaan dito. Pero nagkamali ako nang umasa ako na pupunta si Sir sa old library, kasi lumabas kami sa detention room!

Gago, akala ko naman doon pupunta sa lintik na old library na 'yon.

"Lintik umasa ako 'don ah!" Pagmamaktol ni Farah. Natawa naman ako.

"King ina, 'di lang ikaw. Lintik kasi may daan pala dito, hindi ko alam 'yon ah."

"Mukhang marami pa tayong hindi nalalaman sa School na'to." Nakatingin lang sa malayong sabi niya. Hindi magkamayaw ang mga kilay sa sobrang pag-iisip.

"Tama ka, mukhang mahihirapan tayo na mahanap ang old library na sinasabi mo." Napabuntong hininga na lang si Farah kaya napagaya na lang din ako. Muli kong sinulyapan si Sir Dachi at nakita kong nakikipagtawanan na siya sa iba pang mga professor. Nakita kong bahagya siyang lumingon sa poste na kinaroroonan namin. Napatuwid ako ng tayo, kumurap kurap pero mukhang namalikmata lang ako.

Tama ba yung nakita ko na ngumisi siya after tumingin sa pinagtataguan namin? Or guni guni ko lang? But then, I choose the latter.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon