CHAPTER 5

1 0 0
                                    

Chapter 5

Adie's POV

PAGKATAPOS ng usapan namin ni Farah, natulog na kami kahit marami pang tanong sa utak ko hinayaan ko na lang, dahil alam ko naman na wala akong makukuhang sagot, nakatulugan na lang namin ang pag iisip.

Kinabukasan napag-usapan namin ni Farah na kumilos nang normal na parang walang nangyari kagabi, kahit mahirap ginawa ko pa rin para walang makahalata na may bumabagabag sa isip namin lalo na kay Sir Dachi.

Break time ngayon kaya nandito kami sa garden ni Farah, dito kami natambay sa tuwing wala kaming ginagawa dahil nakakarelax ang hangin dito,nakakapag isip-isip kami. Pero ang tahimik naming buhay hindi nawawalan ng mga peste, tulad ngayon may naaamoy akong malalansa.

"Wag mo na lang patulan Adie." Eto ang hirap kay Farah, laging pinagbibigyan itong mga babaeng 'to kaya sumosobra eh.

"Hindi ko naman sila inaano eh." Umirap pa ko sa kawalan. Napansin naming sa gawi talaga namin ang punta ng mga babaitang ito, talagang hindi sila titigil hangga't hindi nakakatikim eh, ito ang ayaw ko sa lahat ang tinatapaktapakan kami ni Farah, kung siya napapalampas ang mga ginagawa ng mga 'to, puwes sa'kin hindi pwede yang payabang-yabang nila sa'min, na kung tutuusin wala namang binatbat.

"You know what guys? Sa tuwing makikita natin ang mga 'to bumabaho sa paligid." Sabi ni Leigh sa mga alipores niya, sarap sunugin ang mukha.

Nakakatawa 'tong mga 'to, sila naman ang lumapit sa'min. Bunganga nga nila ang pasmado eh.

"Yeah. Leigh, pansin ko din talaga 'yan." Sang ayon ng mga alipores niya kuno.

"Alam mo Farah, kapag ako may nakikitang mga mukhang palaka nag-iinit ang ulo ko, alam mo 'yon ang sakit sa mata." Naningkit pa ang mata ko para lalo silang maasar, akala mo naman kung sinong magagaling at magaganda, mga pasikat lang naman.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo trash." Hinawakan niya pa ang balikat ko para mapaharap ako sa kaniya, para hindi na siya mahirapan, ako na ang kusang humarap sa kaniya at dinuro ang mukha niyang sinubsob sa espasol.

"Ang bingi mo naman barbie Leigh, ang sabi ko ang sakit sa mata niyang mga pagmumukha niyo." Sarkastikong sabi ko sa mismong mukha niya, nagulat pa ako nang halbutin niya ang buhok ko.

"Ano? Barbie? Dafuck! Dyosa 'ko." Sigaw niya habang hila ang buhok ko.

"Oo barbie kasi plastik! Aray! Bitawan mo ko habang nakakapagtimpi pa ko." Sunod ako ng sunod sa kaniya para hindi masakit ang pagkakahila niya.

"May sinasabi ka trash? Di ko marinig eh." Lintik! Kapag ako nademonyo sunog 'yang mukha mo bitch. Napangisi ako sa naisip.

"Adie! Ano ba Leigh? Bitawan mo nga si Adie, sumusobra na kayo ah!" Naiinis man si Farah, wala siyang magawa dahil hawak siya ni Pranpiya at Carlien mga alipores nga naman. Sa sobrang inis ko hinila ko din ang buhok ni Leigh, kahit alam kong maraming nanonood sa'min wala akong pakialam.

"Ouch! Let me go!" Hindi ko siya pinakinggan, nag-sabunutan lang kami ng nag-sabunutan nanggigigil na ako lintik. My anger consumes me. Nakita ko naman sa peripheral view ko si Farah, nakikipag hilahan na din ng buhok sa dalawang alipores ni Leigh. Nagpatuloy lang ako sa paghila at kalmot kay Leigh, kahit nararamdaman ko ang hapdi ng mga kalmot niy sa braso ko. Nararamdaman ko na rin na may tumutulong likido sa gilid ng labi ko.

"Ang lakas talaga ng loob mong lumaban sa'kin no?" Sabi ni Leigh sa gitna ng pag aaway namin. Matunong akong napangisi ng makita ko ang mukha niya. Puro pasa at kalmot, ganoon na din sa ibang balat niyang exposed.

"Kung 'yang mukha mo lang naman kasi, oo, nakakatakot na." Pang-aasar ko sa kaniya. I felt the satisfaction when I saw her angry face.

"GRR! Talagang sinusubukan mo ako huh?!" Nakita ko pang mangilid ang luha niya na lalong nagpangisi sa'kin.

"ARAAY!" Mukhang handa ng mangagat ang bruha, dahil mas diniian niya ang pagkakahila sa buhok ko, pero hindi ako nagpatalo mas hinila ko pa ang buhok niya pababa sa lupa.

"Ouch! Bwisit ka! Let me go! Let me go!!"

"Hindi ako tanga bitch." Pagkahila ko sa buhok niya, nagpagulong-gulong kami sa damuhan, pero hindi namin binitawan ang buhok ng isa't-isa, akala siguro niya magpapatalo ako sa katulad niya.

"Ahhh!!" Rinig kong sigaw doon sa kabila, mukhang nag-iinit na rin doon si Farah, sa mga alipores ni Leigh. Sino ba naman ang hindi kung ganoon sumobra sa attitude.

"Hoy! Awatin niyo sila."

"Drake, awatin mo dre."

"Ano ba tutunganga na lang kayo diyan? Kung inaawat niyo kaya sila."

"Mahal ko pa buhay ko dre, ikaw na lang ang mag-awat."

"Tumawag na kayo ng prof, para maawat na sila."

"Teka ako na tatawag."

"Sama ako."

Dinig ko ang bulungan ng mga nanonood sa'min, pero dahil sa sobrang inis ko ngayon, wala akong pakialam sa mga nasa paligid ko. Hindi naman aabot sa ganito kung hindi nila inumpisahan, una palang pinag-iinitan na nila kami, pero pinapalampas ni Farah ang mga iyon, dahil hindi pa nila kami ginagalaw, pero itong ganito, yung titirahin kami patalikod ibang usapan na 'yon.

Napansin ko na nagkakagulo at natataranta na ang mga nakakakita sa'min, pero hindi nag-paawat sinoman sa'min, even Farah, walang balak mag-paawat, nakikita ko pa rin na pinagtutulungan siya nila Pranpiya at Carlien, pero hindi siya nagpapatalo.

"Aaaah!" Hindi ko pinansin ang sumigaw, kahit alam kong si Farah 'yon, masyado na akong preoccupied ng inis ko kay Leigh para pansinin pa ang iba.

"Aaah!" Kung ang unang sigaw hindi ko pinansin, sa pagkakataon na ito kusa akong napahinto at napatingin kung anong nangyayari kina Farah at literal na nanlaki ang mga mata ko nang makitang may umuusok sa kamay ni Farah at ganoon na lang ang gulat ko ng napansin ko na nakatingin na siya sa kamay ko, aligaga akong tumingin din sa palad ko at tulad ng sa kaniya umuusok din ito.

No! No! No! Not this time!

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon