CHAPTER 16

1 0 0
                                    

Chapter 16

Farah's POV

"WELCOME to Rdtanians Section." Pagwewelcome sa'min ni Queenzeal, pumasok siya sa loob at sinenyasan kaming sumunod, pinakita niya sa'min ang loob ng room.

"Welcome newbies!" Bati sa'min ng mga tao doon, classmates namin at nag-bow pa.

"Sila pala ang magiging bago nating classmates, si Vzariyah Mizuhara, and Farah Arzhea Calixta." Pagpapakilala niya sa'min.

Natin? So, that means kaklase namin siya? Kaklase ko rin si Vzariyah? Sila ang classmates ko?

"Hi! I'm Ignatius Phoenix and I have water malachite." Pagpapakilala ng isang lalaki sa bandang dulo ng room, matangkad, brown ang mata, halatang may lahi, nagbow pa siya.

Bakit nagbobow sila?

"I'm Chunsai and I have light malachite nice to meet you!" Magiliw na usal ng babaeng may kaputian at hindi gaanong katangkaran. Sa gitna siya galing pero lumapit pa sa pwesto namin para makipag-kamay.

"Well, pwede ba namin malaman ang malachite niyo?" Sabat na tanong ni Queenzeal. Nagtaka naman ako.

Sila ang sumundo sa'min and yet hindi niya alam kung ano? Weird.

Tumingin ako kay Vzariyah, nang magtama ang paningin naming dalawa kaagad tumaas ang kilay niya.

"Ikaw Vzariyah? what type of malachite do you have?" Baling nito sa katabi ko ng hindi ako sumagot. Nalito pa siya kung anong sasabihin.

Ang weird niya today.

"Malachite ko? umm.." Nagtaka pa ko ng hindi ko makita ang confidence niya. Kinapitan ko ang braso niya, na ikinagulat niya. Tumingin siya sa'kin, tumango naman ako sa kaniya sinasabing 'kaya mo yan', tumango rin siya bilang tugon.

"Wind malachite." Buo ang tinig na sinabi niya. Napangiti naman ako.

"Mahiyain ka no?" Napansin siguro ni Chunsai ang inaasta ni Vzariyah. Natawa ako ng mahina dahil sa sinabi nito.

Mahiyain, my foot.

"Don't worry Vzariyah maalis din 'yan." Masayang sabi ni Chunsai, kinindatan pa si Vzariyah. Hindi ko napigilan ang tawa ko. Nakaramdam naman ako ng mahinang kurot mula sa kaniya.

WAHAHAHA! Mahiyain daw!

"Ikaw Farah anong malachite mo?" Baling sa'kin ni Ignatius.

Ngumiti muna ako bago magsalita. "I have an Ice malachite, kaso 'di ko pa siya gaano makontrol ng maayos." Medyo malungkot na sabi ko. Nagtaka pa ako ng makita ko sa mukha nila ang gulat. Except Queenzeal.

Anong meron sa sinabi ko at gulat na gulat sila? Amp.

"M-Magagawa mo rin yan ng maayos, kaya nga tayo nandito para pag-aralan yan." Sabi ni Ignatius at ngumiti kaya nginitian ko na rin siya. Hindi ko alam kung paranoid lang ako, pero parang may kakaiba sa ngiti niya.

After ng lesson namin sa bago naming school, more on malachite ang lesson mukhang magiging expert na ko pagdating sa paggamit ng malachite, kapag talaga dito ako nag-aral. May part sa'king nag-eenjoy sa klase, panandaliang nawala si Adie sa isip ko, focus ako sa pakikinig sa discussion. Matapos ang klase sinama kami ni Vzariyah ng mga bago naming classmates na pumunta ng cafeteria.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon