EPILOGUE

1 0 0
                                    

EPILOGUE

THIRD PERSON'S POV

NAKATAYO ang magkaibigan sa harap ng dalawang tumpok ng mga bato at may krus pareho sa ibabaw, inilapag nila ang dalang mga bulaklak at binasa ang nakasulat sa tumpok na bato.

Tori, Ethan.

Matapos mabawi ni Flynt at Zoe ang lakas nila at maibalik sa dati ang maayos na University, si Queen Aoefi at Sovereign Thea na ulit ang namumuno sa University bilang royalty. Inalis na din ito sa underworld. Naging normal na estudyante at eskwelahan ang bagong simula ng Untrodden University. Masaya ang mga students dahil mararanasan na nila ang normal na estudyante. Pero hiwalay pa rin ang Demonic Academy sa Untrodden University. Wala na ding kukuha ng students every two weeks. Dahil nagkaroon na sila ng free will kung gugustuhin nilang lumipat o hindi.

Ipinatawag ni Queen Aoefi sina Adiera at Farah, nagtaka ang dalawa ngunit sumunod pa rin. Nang makarating sa royal castle at makaharap ang Queen tumango sila ng ilang segundo bago umayos ng tayo.

"Ipinatawag niyo daw po kami." Magalang na ani Adie.

"May gusto akong ipakita sa inyo." Nagpatiuna itong maglakad. Nagkatinginan naman ang dalawa bago sumunod. Narating nila ang hangganan na University, ni hindi nila alam na may hangganan pala ang University. Nakita nilang itinuro ni Queen Aoefi ang dalawang tumpok ng mga bato na nakasilong sa malaking puno. Tumingin sila sa Queen, tinanguan naman sila nito kaya nagpatuloy sila sa paglapit sa dalawang tumpok ng bato. Mabasa pa lang nila ang pangalan pinangiliran na sila ng mga luha.

"Iyan lang ang nagawa ko para sa kanila." Maluha-luha sabi ni Queen Aoefi.

"Malaking bagay po ito sa amin. Malaman lang po namin na okay ang lagay nila sapat na sa amin." Naluhang sabi nila. Halos mapaluhod ang magkaibigan para lang mayakap ang puntod ng mga tatay nila. Nang mahimasmasan ay tumayo sila at sabay na yumakap sa Queen.

"Thank you po."

Simula ng bagong sistema. Nabalik ang pagkakaibigan ng dalawang torii. Nagkaroon ng pagkakaisa. At nagbalik ang dating sigla. Teach your heart to accept disappointments even from the people you love.

Sa bagong simula, nagkaroon ng maraming pagbabago. Naranasan ng mga students na nakulong sa pamumuno ni Takeshi ang buhay sa labas ng University. Everyday may not be good. But there is something good in everyday.

"Grabe ang saya pala mag camping." Nakangiting sabi ni Ignatius. Lahat sila nasa harap ng malaking bonfire at nagsasaya.

"Bakit kasi ngayon lang natin to ginawa eh. HAHA."

"Sige ikaw ang mag camping sa kalagitnaan ng riot." Pang-aasar ni Jhonny.

"HAHAHA." Tawa ng lahat sa sinabi nito.

Accepting the situation is way better to move on. Lahat ng nangyari sa nakaraan natutunan nilang tanggapin dahil isa ito kung ano man sila ngayon. Then they realized it's kust a bad day. Not a bad life. Now they can create a rainbow with this person who stays to fight for their rights.

The older you get, the more you realize it's not about who has known you the longest, it's about the one who makes you feel seen, heard, understood, appreciated, and supported you with loved.

THE END..







Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon