CHAPTER 7

1 0 0
                                    

Chapter 7

Farah's POV

NAKAKA-PAGTAKA na biglang lumabas ang malachite namin ni Adie, ano bang ginagawa namin para lumabas ang bagay na 'yon? Kusa lamang siyang lumalabas, pero papaano kung lumabas na naman ito, sa hindi inaasahan pa? Kasalukuyan kaming naglalakad ni Adie sa corridor nang building ng department namin, tulad ko, malalim din ang iniisip niya.

"Hyss." Sabay pa kaming bumuntong hininga, nagka-tinginan kami at pilit na ngumiti sa isa't isa, bagsak ang balikat na tinuon muli ang tingin sa harap.

"Oww, they're here na." Pagkarinig ko pa pa lang noon, naglapat na agad ang mga labi ko, wala pa man pero napapagod na agad ako, nasa harap na pala kami ng room. Kita na agad namin ang tatlo, naka-cross arms sila pare-pareho at ngising asong nakatingin sa'min

"So, how can we help you?" Mapang-asar na tanong ni Leigh sa'min. Tamad naman kaming kumilos at pumasok sa classroom, nilag-pasan sila. Medyo napataas pa ang kilay ko ng hindi sila patulan ni Adie. Wala talaga kami sa mood para patulan na naman sila. Susugurin na naman sana kami ng tatlo, kung hindi pa dumating ang prof namin.

Buong klase walang pumasok sa isip ko, kahit katiting na information about the topic na dini-disscuss ng instructor, lahat ng laman ng utak ko ay nag-paikot-ikot lang sa malachites. Nakatitig lang ako kay Sir na nagtuturo sa harap nang biglang.

Kumuhuha ang UU every two weeks..

Hindi ko alam kung bakit, pero biglang pumasok sa isip ko ang narinig ko sa pinag-usapan nila Sir, matagal na rin nang may nabalitaan kami na may kinuha ang UU. Bigla akong kinabahan it's 5 days since we know that we have malachite. Naalala ko ang nangyari last week, noong biglang nawala yung campus king at queen. Noong una hindi ako naniniwala, pero ngayon..

"HAHAHAHAHAHA, grabe talaga ang tawa ko nang pinahiya ni Sir si Leigh!"

"HAHA! Puro ganda lang pala ginagamit, wala namang utak HAHA! Buti nga sa kaniya."

"Ang kaso hindi rin maganda. Bokya!" Masaya kaming nagkukwentuhan ni Adie, nang makita namin na nagka-kagulo, most of the students, may pinag-kukumpulan, malapit sa detention room, nagulat ako nang hinila ako ni Adie papunta doon sa mga nagka-kagulong estudyante.

"Tara tingnan natin."

Napaka chismosa talaga ng babaeng 'to, dinamay pa ko.

"Excuse me po, ate anong mayroon dito?" Tanong ni Adie sa isang senior namin.

"May kinuha na naman daw ang UU eh, yung campus king and campus queen Last year." Sagot nang senior na hindi man lang kami tiningnan, nakikiusyoso pa din sa gulo.

"Campus queen? King?" Nagugulat na tanong ni Adie.

"Si Heaven Sin? At saka si Matteo Matsui? Diba sila 'yon?"

Ano na naman ba 'to. Issue na naman 'to.

"Ano bang mayroon sa unahan?" Kahit masikip naki-pagsiksikan kami sa kumpol ng mga students, kasi  na-curious na din kami, naki-pagsiksikan na kami para lang maka-punta sa unahan. Pagka-dating namin sa unahan nakita namin na may bakas nang tuyong dahon, tapos may naka sulat na UU Earth Malachite. Bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit pero napa-atras na lang ako, nang nakita ko ang dahon na 'yon.

"May nakuha na naman."

"Pang-ilang beses na ba nangyari 'to?!"

"Noong una, sila Chunsai at Amethyst, ngayon naman sila Heaven at Matteo, iisa isahin ba nila tayo?"

"Natatakot na ako."

Rinig naming usap-usapan sa paligid namin. Bakas pa rin ang halo-halong emotion sa sistema naming dalawa. Hindi alam kung saan mag-tatago. Hindi alam kung ano ang gagawin.

Ano ang mangyayari sa amin kung sakaling kami na ang susunod na makukuha?

Hindi ko alam kung papaano ko po-proteksyonan ang aking matalik na kaibigan. "Miss Calixta? Are you with us?" Natuliro ang sistema ko nang mapansing naka-tingin ang buong klase, sa pagkatulala ko hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala si Miss Arbin.

"Yes Miss, sorry po."

"Okay then let's continue." Sinilip kong muli ang mukha ng aking kaibigan, nakatingin siya sa akin at nagtatanong ang mga mata, napangiti ako nang makita itong matiwasay, payapa ang itsura, na akala mo walang iniindang panganib na akala mo walang iniisip.

Iyan ang gusto kong protektahan ,ang babaeng ito, pati preserbahin ang kanyang panatag at lakas ng loob, ayokong mag-iba si Adie, dahil lang sa sitwasyon namin ngayon.

Ngunit papaano? Wala akong kilalang mga tao ma pwedeng asahan at pag-katiwalaan.

Sa tinagal-tagal ng pananatili at pamumuhay ko sa Academy na ito, miski isang butas ay wala akong makita.

Paano kung? Ipaalam nalang namin?
Isuko ko nalang kaya? Kung isusuko ko siya, maaring maka-tagpo siya ng bagong kaibigan. Maari siyang maging matatag at maging malaya. Malaki ang posibilidad na maka-tagpo siya ng maaring mag protekta sa kaniya.

Naiisip ko pa lang na may papalit sa'kin bilang matalik niyang kaibigan naninikip na ang dibdib ko. Hindi ko kakayanin kung ako lang mag-isa. Yung walang Adiera. Hindi ko kaya.

Pwede kaming  lumaban..oo, Tama. Mas makabubuti ito kaysa tumunganga at mag matigas dito. Masasayang lang ang buhay at sakripisyo naming dalawa. Mababalewala ang paglaban namin sa buhay ng kaming dalawa lang.

Pag-katapos ng klase sasabihin ko na sa kaniya ang mga plano na naisip ko, sa ngayon wala kaming dapat na pag-katiwalaan. Dahil this time ang isa't-isa lang ang mayroon kami. Ang masasandalan namin.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon