Chapter 10
Farah's POV
NAPAKAWEIRD talaga ni Adie ngayong araw, kaninang madaling araw sigaw ng sigaw ngayon naman lutang na lutang.
Siguro dahil pa din 'don sa napanaginipan niya.
Para tuloy akong nahawa sa pananahimik niya. Andito kami sa room, hindi ko alam kung bakit wala pa ring prof, hindi naman nag-announce na hindi kami papasukan ng prof. Maya-maya pa, may pumasok na senior.
"Good morning everyone. We have visitors." Automatic kaming bumati sa visitors daw, pumasok ang dalawang kaedaran lang namin. Isang babae, at isang lalaki. Or mas matanda lang sa'min ng ilang taon.
Pumunta sa harap ang lalaki. Nag-bow ng mababaw, bago humarap sa klase. "Good morning everyone, I'm Calvin Stroke Volterson. We're here for the people on our list." Sabi ng lalaki sa seryosong boses. Medyo kinilabutan pa ko.
"And I'm Queenzeal Lee." Pagpapakilala naman ng babae. Nag-bow din siya ng mababaw.
Ano bang mayroon at nagbo-bow sila.
"To those people that I call, kindly stand up." Si Calvin, at binuklat ang notebook na hawak. Hindi biro ang laki noon, triple sa normal na notebook.
Weird.
"Joyce Ford." Unang tawag niya. Nag-aalinlangan namang tumayo ang pinakamahinhin naming kaklase na babae.
"Jhonny Levis." Tumayo ang pinakakwela sa klase. Biniro pa siya ng mga kaibigang lalaki. Ide-date daw si Queenzeal. Nang tingnan ko ang babae sa harapan, bahagya lang siyang nakangiti habang nagmamasid sa buong klase.
"Vzariyah Mizuhara." Tumayo ang babaeng may katangkaran, maldita siya pero hindi kasing maldita ng mga bitches.
"Adiera Eve Vallez." Tawag niya sa kaibigan ko. Napatingin pa muna sa'kin si Adie bago natutulirong tumayo, pagtingin ko sa unahan, nagtaka pa ko ng tinitigan siya nang dalawang nasa harapan.
"Farah Arzhea Calixta." Ilang segundo pa bago ako tawagin.
Huh? Ako? Bakit ako din?
Dali-dali akong tumayo, kagaya ni Adie, pinakatitigan din ako ng dalawa. Na para bang hindi kami dapat nag exist sa mundo.
Anong meron at natawag kami?
"Sumunod kayo sa'min." Sabi 'nong Queenzeal. Lumabas siya kaya ganoon na din kaming lima na tinawag. Pansin ko, sa kanilang dalawa, mas magaan ang presence ni Queenzeal kaysa kay Calvin na laging seryoso.
Pagkarating namin sa labas humarap sa'min si Queenzeal."Mag-empake na kayo." Walang alinlangang sinabi niya sa'min, na para bang pinapabili lang kami ng toyo sa tindahan.
"We'll give you 1 hour to prepare." Kung sa sinabi ni Queenzeal maniniwala pa ko. Pero sa sinabi ni Calvin napataas na ang kilay ko.
We're still shock, and yet they want us to prepare within an hour. Wow.
"Wait! Wait!" Hindi na siguro makatiis si Vzariyah. Nag complaint na. "Can you care to explain, what is happening? Bigla kayong dadating and yet, uutusan kami. First of all we don't know you?" Mataray nitong tanong.
"Because you need to Miss Mizuhara, whether you like it or not, lilipat at lilipat ka sa bagong school understand? You don't need to know who we are, as long as we know you." Matigas na sabi ni Calvin.

BINABASA MO ANG
Untrodden
Science FictionSomeday it takes a lot of work just to be okay. Forget, forgive, move on.