CHAPTER 25

4 0 0
                                    

Chapter 25

Farah's POV

ANG saya ko noong sabihin sa akin ni Thyron na handa nang makipag-ayos sa akin si Adie, kanina pa hindi mawala sa labi ko ang ngiti.

"Baka naman mapunit ang labi mo sa kakangiti?" Natatawang sabi ni Ace, na andito na kasi kami sa dorm. Bigla akong bumangon at pumunta sa kama niya.

"Parang kanina lang ang sakit ng katawan mo ngayon kung makatalon ka ah, HAHAHA mabuti na lang talaga ang ganda ko." Kanina kasi iniinda ko ang sakit ng katawan ko dahil sa naging training kanina pero ngayon parang wala na akong sakit na maramdaman sa katawan ko hindi ko alam kung paano nangyari iyon basta ang alam ko maayos na ako.

"HIHIHI, naeexcite ako eh, ang tagal kaya naming hindi nag-kausap." Nakangusong sabi ko, kapag naaalala ko yun naiinis lang ako, kasi maliit na misunderstanding nag-away kami ni Adie, kaya ganoon na lang ang reaction ko nang malaman ko kanina sa kanila na ready na makipag-ayos si Adie, ni hindi ko na nga iniisip kung paano nila nalaman yun kasi syempre bawal pumasok ang Organico sa Ricerca.

Nakita pala nila kaming nag-aaway sa garden.

"Ang swerte sayo ni Adie no?" Halos mapatalon ako sa gulat nang mag-salita si Ace, kasi naman nag-iisip ako tapos bigla na lang siya nag-salita, pero sa sinabi niya napangiti ako lalo.

"Swerte din naman ako sa kaniya eh, siguro hindi niyo pa kasi siya nakikilala, and then naunahaan kayo ng mga ginawa niya sa akin kaya niyo nasasabi yan, pero kapag makikilala niyo siya! Napakabait 'non minsan topakin kaya nga nag-kakasundo kami eh, siguro nadala lang siya sa mga nangyayari kaya siya nagkaganoon. " Naisip ko ang mga pagtatanggol niya sa akin, ang mga kalokohan namin. Dahil doon napangiti pa ako.

"Sabagay hindi mo naman siya magiging kaibigan kung hindi kayo magkasundo, sana ako din magkaroon ng friend na katulad mo HEHE." Pilit na ngiting sabi niya.

"Sila Thyron, si Heaven, si Queenzeal? Diba magkakaibigan kayo?" Nakaturo pa sa pintuan na parang nadoon sila.

"Ang totoo niyan nagkakakilala lang kami dahil sa organisasyon dahil doon nagkasundo kami, mabait sila oo, pero iba pa rin ang katulad niyo ni Adie, pero gusto ko silang kaibigan ang iniisip ko lang baka kapag matapos na ang laban na ito magkaniya-kaniya na kami." Napapangiti na lang ako kay Ace kasi sa mga sinasabi niya parang ayaw niya maiwan.

"Hindi naman mangyayari yan eh." Nakangiting sabi ko sa kaniya. Naninigurado.

"How did you say that?" Nakangusong sabi niya. Napangiti naman ako ng bahagya.

"I don't know but, I assure you they didn't leave you. And besides puwede tayong maging friends, hindi ako nang-iiwan." Nakangiting sabi ko sa kaniya, totoo yun sa maikling panahon na naandito ako nakilala ko na sila, nakita ko si Heaven, siya ang last na kinuha sa academy kasama si Matteo Matsui na ang sabi sa akin nasa Ricerca at masama daw talaga ang ugali. Sa maikling panahon na iyon hindi ako nagsisi na noong mga nakaraang araw sa training namin nandoon palagi sila para tulungan ako, para mabilis kong matutunan ang citrine ice.

Oo masakit sa katawan pero habang tumatagal gusto ko na ang ginagawa ko, lalo na pag-naiisip ko yong dahilan nila kung bakit kailangan ko pa lalong pagbutihin ang pag-eensayo. Lalo pa ngayon na sabay na kami ni Adie na pag-aaralan ang citrine na sinasabi nila. Hindi man namin maintindihan pero sapat na ang nakatulong kami.

KINABUKASAN maaga pa lang pero gising na ako, excited ako na makita si Adie, pero naisip ko na cartels ngayon siguro naman hindi kami mahihirapan, kasama naman namin sina Thyron. Maaga akong bumangon, pero mukhang mas maagang nagising si Ace, wala na siya sa higaan niya, ang linis na din nang kama niya, gaya nang inaasahan napaka-tahimik ng paligid wala akong marinig na kahit ano pati paghinga ko naririnig ko, kapag normal na araw maaga pa lang marami ng palakad lakad na students sa hallway, ngayong araw ang unang beses na makikita ko ang cartels at nakakapanibago pero hindi ako nagpatinag kasi ngayon na ang araw na makakapag-usap kami ni Adie ng maayos kaya kahit kinakabahan bumangon ako at ginawa ang daily routines ko.

Noong matapos ako, lumabas na ako ng dorm nakakapanlumo talaga dahil napakatahimik, may pasok naman pero wala akong makita na mga estudyante na pakalat-kalat sa daan pero pinagpatuloy ko ang pag-punta sa lugar kung saan kami nag-tetraining nila Thyron, habang naglalakad ako nararamdaman ko ang bigat ng paa ko at unti-unting nagugulat sa mga nakikita ko. Nakikita ko ngayon ang sinabi sa'kin ni Ace noong unang araw ko dito, hindi ako makapaniwala na napakaraming nag-aaway sa paligid ko wala silang pakialam kung makapatay sila ng kapwa nila estudyante. Nakita ko rin na may mga nakabulagta sa lupa at naliligo sa mga sarili nitong dugo. Paano nila naaatim na makita ang mga ganitong bata na magpatayan, mga wala talaga silang puso gusto ko pumunta sa gitna at awatin sila.

Pero paano? Wala pa akong kaya.

Hindi ko na kaya pang panoorin sila, noong makita ko na sinunog nang babaeng may fire Malachite ang lalaking nakatalikod. Tumingin ako sa kaliwa at halos manigas ang katawan ko ng makita ko ng harap-harapang laslasin ng isang lalaki ang kapwa nito estudyanteng nagmamakaawang huwag siyang saktan. Napapikit ako ng madiin ng hindi ito makuntento, sinaksak pa niya ito ng isang beses at nasaksihan ko kung paano ito mangisay.

Nawalan ng kulay ang mukha ko ng bumaling sa akin ang lalaking may hawak na matalim na kutsilyo, tumutulo pa ang dugo galing sa nilaslas nito. Gusto kong tumakbo perk tila nabato ang paa ko sa kinatatayuan. Nag-unahan sa pagtulo ang luha ko sa takot, nag-umpisa na ding manginig ang katawan ko. Tumakbo ito palapit sa'kin pero bago pa niya ako malapitan at saktan may mainit na palad ang sumakop sa kamay ko at saka ako hinila paalis sa lugar na'yon.

"Are you alright?" Tiningala ko siya at nakita ko ang pag-aalala sa mata nito ng makita niya akong lumuluha.

Umiling ako ng umiling habang patuloy pa din ang pag-agos ng mainit kong luha. Hindi ko matanggap ang nakita ko, hindi katanggap-tanggap. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Pero hindi ako napakalma 'non.

"Shh.." Pagpapakalma niya, tinutuyo ng kaniyang hinlalaki ang magkabila kong pisngi.

Napakasama niyo, maghintay lang kayo makikita niyo papatalsikin ko kayo sa pwesto niyo mga hayop kayo!

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon