CHAPTER 6

1 0 0
                                    

Chapter 6

Farah's POV

NAGULAT ako nang hawakan ako sa magkabilang balikat nila Pranpiya at Carlien. "Arayyy!! Bitawan mo ko!"

Mas nagulat ako sa sigaw ni Adie, dali-dali akong napatingin sa banda nila ni Leigh at nanlaki ang mata ko, nang makitang hila hila ni Leigh ang buhok ni Adie.

"Adie!! Leigh ano ba? Bitawan  mo siya! Sumusobra na kayo ah!" Gusto ko silang awatin pero dahil hawak ako nang dalawa 'di ako makaalis dito sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung paano, pero nakita ko na lang ang sarili ko na nakikipag hilahan ng buhok sa dalawang 'to.

"Bitawan mo ko Farah! Argh!" Dinig kong utos sa'kin ni Carlien, pilit tinatanggal ang kamay kong nakahawak sa buhok niya. Nabigla ako ng may biglang dumampi sa sikmura ko, sobrang lakas noon, naging dahilan ng pagkabagsak ko sa damuhan.

"Ahh! Ahh!" Daing ko habang nakahawak sa parteng sinipa pala ni Pranpiya.

"Ang yabang mo ah! Eto ang nababagay sayo!" Sambit ni Carlien, sabay dagan sa'kin at sinabunutan na rin ako. Hindi naman ako nagpatinag, halos nagpagulong gulong na kami ni Carlien sa lupa, mahahalatang walang magpapatalo sa pagitan naming dalawa. Nasa ibabaw ko pa  rin siya. Ayaw ko manakit, pero they gave me no choice. Sinipa ko siya, para umalis sa ibabaw ko.

Hindi siya magaan for pete's sake.

"Anong akala mo Farah? Kaya mo ko?" Ngising sambit ni Carlien habang pinapagpag ang magkabilang palad, hinawakan niya ako sa magkabilang braso, sinisiguradong hindi na ko makakalaban pa.

"Here Carlien, parusa katapat niyan." Dinig kong saad pa nang kasama niya, napatuon ang tingin ko doon. Pero ang pakiramdam nasa kaharap. Nakita kong may hawak itong dalawang kahoy pabatong hinagis nito ang isa sa kaharap ko.

"You deserve this, bitch." Sarkastikong sabi ni Carlien sa'kin, at inamba na ang kahoy. Inangat ko ang braso ko at 'yon ang ginamit pangharang pinakita kong hindi ako natatakot sa kahoy na hawak nila, na handa akong harapin ang paghampas nila sa'kin.

"Ahhh! Anong nangyari?"

"Ang lamig." Dinig kong sambit ng mga ito, ramdam ko ang pag-alis ni Carlien sa braso kong hawak niya, dumilat ako at doon ko nakita ang dahilan kung bakit sila nasasaktan. Kitang-kita ko ang pagyeyelo ng kahoy na hawak ni Carlien, ang pagkagulat na may pagkamangha ay nasa mata ng mga ito. Tinignan ko ulit ang mga palad ko at mula doon, kita kong umuusok ito at ramdam ko rin ang panlalamig  mula dito. Kaagad kong itinago ang mga ito sa likuran ko para hindi nila makita. Kumalat ang lamig sa katawan ko at binalot nito ang buo kong katawan.

Sobrang lamig!

"AHHHHH!" Napakalakas na hiyaw ko, dinig sa buong lugar kung nasaan kami. Nangilid na din ang mga luha ko dahil sa sobrang lamig ng pakiramdam ko. Nahihirapan akong tumingin sa gawi ni Adie, at kita ko ang nakaupo na sa sahig na si Leigh hawak-hawak ang paa nito.

Lalong nanlaki ang mga mata ko, nang makita ang kamay ni Adie na umuusok, mukhang nailabas niya rin ang malachite niya.

"Aaahh!" Sigaw ko ng bigla na namang may humila sa buhok ko, yung dalawang bitch na kalaban ko. Gaganti na sana ko ng biglang kumirot ang dalawang palad ko.

"Wahh!" Hindi ko na napigilan ang mapasigaw, na mukhang kinagulat ng mga kalaban ko, dahilan para bitawan nila ako. Mangiyak-ngiyak akong tumingin kay Adie, kitang kong nakatingin siya sa'kin lalo na sa kamay ko. Tumingin din ako sa kamay niya na panay ang usok pa rin. Mukhang napansin niya naman ang ginagawa ko, kaya maging siya nakatingin na rin sa mga kamay niya at halata sa mukha niya ang pagkagulat.

"Anong nangyayari sa mga kamay niyo?" Dinig naming tanong ni Leigh na nililipat lipat ang tingin sa'ming dalawa. Lumapit mula sa'kin si Adie at hinawakan ang kamay ko.

"Ahh!" Daing ko ng maramdaman ko ang init mula sa palad ni Adie, napansin niya naman iyon kaya inalis niya na ang mga kamay niyang nakahawak sa'kin.

"Tara na Farah." Yakag ni Adie sa'kin, nangingilid ang luhang tumango ako.
Patakbo kaming umalis ni Adie, bago pa kami batuhin ng mga tanong ng tatlo. Nagkulong kaming dalawa sa dorm namin, pinagtuunan muli ng pansin ang nag-uusok pa rin naming mga kamay.

"Buti na lang naka-alis agad tayo."  Napapabuntong hiningang saad ko, saka nag-iwas ng tingin. Seryoso niya naman tinitignan ang nag-uusok niyang mga palad.

"Adie." Tawag ko sa kaniya. Dahan-dahan paglingon ang ginawa niya. Nagsimula na siyang kumilos at umupo sa kama ko, kung nasaan ako. Tumabi siya sa'kin.

"May problema ba?" Tanong ko sabay hagod sa likod niya, napapitlag siya sa hawak ko bago isang malakas na buntong hininga ang nilabas niya.

"Marami Farah, marami." Seryoso niyang sagot sa'kin.

"Tulad ng?" Taas kilay kong tanong. Medyo nagtataka.

"Like yung nangyari kanina." Tumungo siya at nilaro ang mga daliri. "Baka isumbong nila tayo Farah, baka mamaya o bukas, may humuli na sa'tin dahil dito." Pinakita pa niya ang kamay na umuusok, napa-ilag ako sa init ng singaw ng kamay niya.

"Think positive, okay? Siguro naman hindi nila ibibigdeal ang nangyari sa'tin" Sambit ko. "Usok lang 'to, and I think hindi lahat nakita nila, act normal, the usual you, okay? 'wag tayong magpadala, baka lalo lang silang maghinala kaya smile ka na dali." Pagpapalakas loob ko sa kaniya. Nakita ko naman siyang ngumiti kaya napangiti na rin ako. Hindi puwedeng dalawa kaming panghihinaan ng loob.

"Thank you Farah, pinapagaan mo ang loob ko." Ani niya na may matamis na ngiti sa labi.

"You're  always welcome Adie." Masaya kong sabi sabay yakap sa kaniya. Siniksik ko ang muka sa leeg niya.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon