CHAPTER 30

1 0 0
                                    

Chapter 30

Farah's POV

NAKARATING kami sa centro nang walang nagsasalita, niyakap ko si Adie bago siya maglakad papunta sa Ricerca, hindi ako umalis, nanatili akong nakatingin sa kaniya habang papalayo. hanggang hindi ko na siya makita. Pagtalikod ko nagulat ako dahil andoon pa din si Thyron. Nag-ngitian pa kami bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Napakabuti ng tatay niyo." Pagbasag niya sa katahimikan.

"May alam ka ba doon?" Nakita kong lumingon siya sa akin pero hindi ko siya tiningnan.

"Wala, ang alam ko lang anak nila kayo at sila ang tatay niyo, hindi ko alam na ganoon ang nangyari. Humanga ako." Nakatingin pa din siya sa akin. Hindi ko namalayang nakangiti na ako dahil bilang anak masarap sa pakiramdam na may humahanga sa tatay ko.

"Bata pa lang ako lagi ko nang tinatanong sa sarili ko kung bakit ako iniwan ng mga magulang ko. Bakit nila ako iniwan sa bahay ampunan." Nakayukong sabi ko, hindi ko na nakayanan napaupo ako sa paanan ko at doon umiyak ng umiyak. Nasasaktan pa din ako.

"Shh." Pagpapatahan sa akin ni Thyron hinagod hagod niya ang likod ko. Ilang minuto pa akong nasa ganoong position at nagpasalamat ako dahil hindi ako iniwan ni Thyron sa gitna ng hallway nag-iiyak na parang bata. Nang kumalma tumayo ako at pinagpagpag ang suot kong rip jeans.

"Thank you." Nakangiti akong humarap sa kaniya. "Thank you talaga." Ngumiti lang siya sa akin. Nagpatuloy kami sa paglalakad. At hinatid niya talaga ako hanggang sa dorm namin. Kumakaway ako habang paalis siya, nakatalikod na siya pero kumakaway pa din ako. Nang hindi ko na siya makita pumasok na ako. Tulog na si Ace pagdating ko. Naligo lang ako bago nahiga. Nakatingin ako sa kisame at umiiyak na naman hanggang sa nakatulugan ko na.

KAGAYA nang inaasahan pinatawag ang lahat ng estudyante, naghihintay kami ngayon dito sa malaking bulwagan, nahati kami sa dalawang grupo kasama ko lahat ng mga Organicians, nasa kabilang parte naman ang mga Ricercians kasama si Adie, hinanap ko siya sa kumpol ng mga estudyante nang may mapansin akong nakatingin dito banda sa kinauupuan ko hindi ako sigurado kung ako ba ang tinitingnan niya pero sigurado akong lalaki iyon, at dito sa puwestong ito siya nakatingin.

"Farah?"

"Huh?" Sino ba tumatawag sa akin.

"Farah??" Hinanap ko kung sino ang tumatawag sa akin, tapos nakita ko si Adie na kumakaway sa akin, bigla akong napanatag ng makita ko siya katabi niya sina Haruka at Nami, nasa unahan naman nila sina Yana at mga tropa nito, ako naman katabi ko sa kanan sina Thyron at ang iba pa. Sa kaliwa naman sina Ace. Naalala ko ang lalaki kanina kaya tumingin ulit ako sa bandang iyon kung saan ko ito nakita, pero wala na akong makita, nakaka-pagtaka lang dahil ang posture niya is para siyang nagmamasid banda dito sa amin bigla akong kinilabutan kasi baka namalikmata lang ako.

"Let's give a full of respect to our royalties!" Nawala ang atensyon ko sa paghahanap doon sa lalaki nang biglang magsitayuan ang lahat at magbigay galang sa nasa unahan, sign of respect. Wala dapat akong balak tumayo pero hinila ako ni Ace at pilit na pinatayo kaya wala akong nagawa kundi sumunod. Pasimple akong tumingin sa unahan at nakita ko na may naglalakad na tatlong kagalang-galang, may lalaking nauuna at nakakatakot ang aura, dito pa lang sa malayo mararamdaman mo na dapat mo siyang katakutan.

Takeshi Donovan!

Biglang pumasok sa isip ko ang pangalan niya, sumama ang tingin ko sa kaniya at parang nagliyab sa galit ang buo kong katawan, naramdaman ko na may humawak sa kamay ko, tinignan ko ito at nakita ko si Thyron na hawak ang kamay ko na hindi ko namalayan na nagyeyelo, pagtingin ko sa kaniya sinenyasan niya ako na huwag magpadala sa galit ko, tumingin ako sa banda nila Adie at gaya ko ganoon din ang ginawa ni Nami sa kaniya, hindi ko alam pero parang gusto kong sugurin siya sa unahan at gawing yelo ang buo nitong katawan bago durugin. Igagalang at matatakot na sana ako sa kaniya pero nagbago iyon ng malaman kong siya ang pumatay sa papa ko.

Nagsiupuan na ang lahat kaya ganoon din ang ginawa namin, tumingin ulit ako sa unahan at doon ko lang napansin na nandoon sila Queenzeal sa likod ng mga royalty, anim sila na tuwid na tuwid ang pagkakatayo at walang mababasang emosyon, napansin ko na nakatingin sa akin yung Iris, kinabahan ako nang maalala ko ang sinabi ni Queenzeal kagabi na mabilis ito makabasa ng kilos, umiwas ako nang tingin noong makita ko siyang ngumiti ng nakakaloko. Pumunta si Queenzeal at Calvin sa unahan.

Anong gagawin nila?

"Anim na araw na lang at nalalapit na ang mahalagang araw ng Untrodden University." Panimula ni Calvin na may nakakalokong ngisi sa labi.

"Napagkasunduan ng mga royalty na gawing kaabang-abang ang araw na iyon, sa araw na iyon libre ang lahat parang cartels pero may twist magkakaroon ng paligsahan sa pagitan ng Organico at Ricerca, Malachite laban sa Malachite, patay kung patay, sa lahat ng kalahok matira ang matibay at gagantimpalaan ng malaking premyo." Dugtong ni Queenzeal, habang sinasabi iyon nakitaan ng galit ang mga mata pero nawala din agad. Hindi kami puwedeng mapaghalataan.

"Sa buong anim na araw walang klase, papayagan kayong mag-ensayo hanggang dumating ang araw ng anibersaryo.'' Patuloy ni Calvin, hindi talaga matawaran ang excitement na nakikita sa kaniya.

Walang puso!

Pagkatapos ng pagpupulong na iyon, pina-alis at pinag-ensayo na ang lahat na sasali sa palahok, marami ang nangamba at halos puro mga organicians at maraming na excite na mga Ricercians, nagsama-sama kami at pupunta na kung saan kami nag-eensayo, nang dumaan si Yana sa pagitan namin ni Adie at bungguin kami.

"See you on Saturday anniversary Farah." Akala ko aalis na sila ng mga alipores niya, pero lumapit siya kay Adie, lalapit na sana ako pero pinigilan ni Ace ang kamay ko.

"Adiera." Hinaplos pa niya ang pisngi nito saka tumalikod sumunod naman sa kaniya ang mga alipores niya kasama si Matteo pero tumingin muna siya sa akin at saka ngumiti.

O_o

Hindi na namin sila pinansin at tumalikod na, inumpisan namin ang pag-eensayo ng citrine dahil sa baguhan pa lang kami, nahihirapan pa kami ni Adie.

"Focus Zhea!" Sigaw sa'kin ni Thyron na nakapamaywang. Uncomfy talaga kapag tinatawag niya ako ng 'Zhea'. Pangalawang araw na namin na nag-eensayo simula ng pagpupulong pero medyo nahihirapan pa rin kami, tumulong na si Queen Aeofi at Sovereign Thea, nalaman namin na hindi na nila magagamit ang Malachite nila dahil sa nangyaring laban sa pagitan nila Takeshi at iba pang royalty, pero hindi nila kami binigo na turuan nang sumama sila, nagagawa na namin ni Adie ang citrine firetice iyon ang tawag sa pinagsamang fire at ice Malachite citrine, na natuklasan nang mga tatay namin, hindi daw kami mahihirapan na pag-aralan ito dahil tinataglay na namin ito bago pa kami isilang.

Para sa inyo po itong ginagawa namin.

Hindi madali ang technique na ito dahil kailangang magkaisa ng katawan at isip namin ni Adie. Kailangan din naming gamitin ang buo naming lakas para dito. May pagkakataon na gusto kong sumuko pero naaalala ko ang mga magulang namin na naghirap sa kamay nila Takeshi, iyon ang ginawa kong motivation para magpatuloy at magkaroon ng determinasyon.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon