CHAPTER 31

0 0 0
                                    

Chapter 31

Third Person's POV

ITO ang huling araw ng pag-eensayo nila Farah at Adiera, maayos na nilang nagagawa ang citrine firetice. Sa tulong ng dating dalawang royalty at ng kanilang determinasyon, araw na lang ang hinihintay, nakuha nila ang taglay ng kanilang mga ama hindi inasahan ng reyna na makukuha ng ganoon kabilis nila Adiera at Farah ang citrine. Gaya ng sinabi sa pagpupulong walang pasok.

Katulad nga kayo ng mga tatay niyo hindi niyo kami binigo. Naisip na lang ni Queen Aeofi.

ARAW nang anibersaryo, ang hinihintay ng iba lalo na ni Takeshi, abala ang lahat sa gagawing paligsahan, section ang labanan matira ang matibay unang section na mag lalaban ay ang Paradox laban sa Democratic sumunod naman ang Rditians laban sa Realm at panghuli ang Sinners at Moonlight.

"Talagang mga wala silang puso para paglabanin ang mga students dito." Halatang nagpipigil ng galit si Adiera nang sabihin iyon, kahit si Farah sa kabilang banda ay nagpupuyos na sa galit, pero kailangan nilang mag-pigil para sa plano.

Nakaupo sila ngayon dito sa taas kung saan lahat ng hindi pa lalaban ay manunuod lang, maraming taga Ricerca ang excited na mapanuod ang laban, tumingin si Farah sa katapat nilang pwesto, doon nakaupo ang mga royalty kasama ang mga officers. Nakita niya pa itong mga nag-uusap.

Ngayong araw matatapos ang kasamaan niyo. Sa isip ni Farah.

"Para sa unang kalahok! Paradox laban sa Democratic!" Sigaw ng lalaki na siyang tagapag-anunsiyo nakapuwesto ito ilang metro ang layo sa mga royalty. Walang lalahok na mga Organico ang nagsi-labas, samantala ang mga Ricerca ay naghihintay sa ibaba kung saan magaganap ang laban.

"Paradox?" Tawag ni Calvin sa section, ngunit sa pangalawang pagkakataon wala pa ring lumabas bagkos sa dulo ng bulwagan lumabas ang hindi inaasahang tao ni Takeshi at ng iba pang royalty, lumabas ang lahat ng kasali sa Organisasyon sa pangunguna ni Queen Aeofi at Sovereign Thea nakapalibot sa kanila sila Thyron at ang iba pa. Iyon ang naging hudyat nila Farah, Adie, Queenzeal, Nami, Haruka at iba pang nakaupo para tumayo at pumunta sa panig ng grupo na bagong dating. Nakitaan ng panandaliang pagkagulat sa mga mata ng royalty lalo na sa mata ni Takeshi, pero mabilis itong napalitan ng nakakalokong ngisi.

"Hindi ako nagkamali ng hinala na buhay pa talaga kayo Tsk! Tsk!" Nakakalokong sabi ni Takeshi na may nakaka-asar na ngisi. Pero wala silang mabasang kahit ano mang emosyon sa mukha ng dalawang dating royalty.

"Ngayon na matatapos ang kasamaan mo Takeshi." Walang alinlangang sabi ni Queen Aeofi. Nagpipigil ng galit. Naalala niya ang dami ng taong namatay dahil sa kasakiman nito.

"Wala akong panahon sa sasabihin mo Aeofi, sa tingin ninyo mananalo kayo sa akin? Mauulit at mauulit lang ang nakaraan Aeofi." Sabay halakhak sa dulo na lalong nakapagpa-galit sa grupo nila Queen Aoefi. Para itong demonyo. Nagulat sila nang pumunta sa unahan sila Farah at Adie, sumunod naman ang iba at binigyang proteksiyon ang dalawang royalty. Nasa pinakaunahan ang magkaibigan.

"Sinong pinagmamalaki mo Aeofi? Iyang anak ng mga dati mong alaga?" Nakangising anito. Nagulat sila nang marinig ang sinabi ni Takeshi, paano niyang nalaman na anak ni Ethan at Tori sina Adie at Farah.

"Nakakagulat ba? Hindi kasi ako kasing tanga mo Aeofi, ako kasi gumagamit ng utak hindi kagaya mo na puro puso HAHAHAHA." Nakakarindi para sa kanila ang naging pagtawa ni Takeshi, hindi na napigilan ni Adie ang galit! Bilang nagkaroon ng bolang apoy sa kamay niya at binato sa kung nasaan si Takeshi pero maraming nagulat ng sa isang iglap nasa baba na ang tatlong officer ng Ricerca at siyang pumrotekta kay Takeshi.

"Hindi mo ako kaya anak ni Tori." Hindi mawala ang ngisi nito sa mukha. May isinenyas si Takeshi na naging hudyat nang lahat para sumugod, Malachite laban sa Malachite.

"Saan ka pupunta bitch." Harang ni Nami kay Yana. Pagkakataon na para maturuan ito ng leksiyon. Matagal na siyang nagtitimpi sa ugali nito, walang kasinsama.

"Alam ko naman na hindi ka talaga Ricerca kahit pa ang Malachite mo ay nasa Ricerca. Ano pa nga bang aasahan ko sa iyo?" Nagulat si Nami ng magkaroon ng bitak ang lupa na kinatatayuan niya, mabilis siyang tumakbo sa likod nito at hinawakan sa leeg si Yana at pinasikip ang paghinga gamit ang wind Malachite, halos mamatay si Yana dahil hindi makahinga.

"Matagal na akong napipikon sayo pero pinipigilan ko lang, ngayon ka mag-inarte sa harap ko." Gitil na hamon ni Nami kay Yana pero wala itong magawa dahil hawak siya ni Nami. Nang makitang mangitim ang mukha nito binitawan na niya. Hindi siya mamamatay tao. Umubo-ubo si Yana pero bago pa siya makabawi isang dagok sa batok ang binigay nito sa kaniya.

"Hey!" Harang naman ni Calvin kay Queenzeal. Hindi man lang ito binigyan ng pagkakataon na makaalis sa puwesto.

"Oh, ikaw pala Calvin." Sarkastikong sabi ni Queenzeal saka gumawa ng espadang gawa sa yelo, habang si calvin naman gumawa ng espadang gawa sa apoy kada banggaan ng kanilang espada ay gumagawa ng masakit na ingay sa tainga.
Samantala sina Thyron at iba pa ang nagbabantay sa dalawang royalty.

Hinarap naman ng ibang Organicians ang mga Ricercians na walang takot lumaban. Sa kabilang banda si Adie at Farah ang humarap kay Takeshi at hindi makapaniwala si Takeshi sa bagay na iyon.

"Anong laban ng dalawang sisiw sa malaking sawa." nakakainsultong sabi ni Takeshi sa magkaibigan.

"Waaaahh!" Biglang sumugod si Adie dahil hindi na mapigilan ang galit, kapag naiisip niya na ito ang dahilan kung bakit nawalan siya ng ama.

"Napakasama mong tao!" Sigaw ng dalawa ngunit gaya kanina naiwasan ito at biglang na lang nag-apoy ang kamay at hinawakan ang braso ni Farah.

"Aaahhhh!" Namilipit ito sa sakit pero hindi niya iyon ininda, naglabas siya ng matulis na ice flakes at sinaksak sa kamay si Takeshi ngunit nadaplisan lang ito.

"Farah!!" Tawag ni Adie, napatingin sa kanila ang iba pa nilang kasama, halata sa mga mata nila ang pag-aalala pero nangingibaw ang tiwala ng mga ito na kaya nila, na kaya nilang manalo laban kay Takeshi. Narinig ng dalawa ang hudyat para sa kanilang plano.

Para sa inyo po ito papa. Parehong nasa isip ng dalawa.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon