CHAPTER 26

3 0 0
                                    

Chapter 26

Adie's POV

NAANDITO kami ngayon sa training place na tinatawag nila, kasama ko sila Queenzeal, mga kaklase niya, yung roommate ni Farah sa dorm na si Ace kasama ang mga kaibigan niya at si Thyron. Kasama din namin dito ang iba pang members ng organisasyon na tinatawag nila. Malaking lugar ito na may mga sukal, malalaking puno at matatayog na pader. Makaluma kung titignan pero sapat para sa maraming tao na makakakilos ng hindi nagbabanggaan. Need na naming pag-aralang pareho ang Malachite namin sabi nila, para na rin maayos na ang pag-gamit namin sa mga ito, lalo na ako kasi hindi maganda ang lumalabas lalo na kapag galit ako.

"Ako na ang magtuturo kay Farah kung paano gamitin ang ice Malachite at citrine ice." Prisinta ni Thyron. May magandang tindig. At may ice Malachite din.

"Hell no!! Ako ang magtuturo ng ice Malachite." Sabi naman ni Queenzeal. Ang soft ng features ng mukha niya, sa unang tingin masasabi mong masungit siya dahil sa makapal niyang kilay. Pero jolly ang aura. And her face is all smile.

"Ako." Sabi ni Thyron, approachable naman ang mukha niya pero kabaligtaran ng personality niya, suplado siya pero kapag kinausap naman sumasagot.

"No! Ako." Then nagtalo na silang dalawa. Napabuntong hininga na lang ako.

Nasaan na ba si Farah?

"Waahh! Kung pareho na lang kaya kayong magtuturo sa akin edi natuwa pa ako at hindi kayo nag-aaway." Sabi ni Farah na nasa akin ang tingin. Bigla na lang nanubig ang magkabilang gilid ng mata ko nang dahan-dahan siyang ngumiti.

"Ice Malachite ang mayroon ako." Sagot ni Thyron.

"Me too." Sabi ni Queenzeal, then maya-maya nagka-tinginan sila at nag-irapan.

"Eh, sino ang magtuturo kay Adie?" Medyo bagsak balikat na ani Farah, hindi pa rin inaalis ang paningin sa akin.

"Don't worry F-Farah ayos lang, mukhang karamihan ng may fire Malachite nasa Ricerca." Nakatungong sabi ko then fake smile. Patakbong lumapit sa akin si Farah at niyakap ako. Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko sa higpit ng yakap niya.

"S-Sorry.." Basag ang tinig nang magsalita ako.

"Shh." Pagpapatahan niya sa akin. Lalo akong naluha sa tono ng pananalita niya, siya pa ang nanunuyo. Naramdaman ko na lang nababasa ang damit na suot ko.

"Hep! Hep! Hep! Not all." Nasa ganoon kaming sitwasyon ng marinig naming may nagsalita kaya lumingon kami pareho sa pinanggalingan noon. Lumapit naman ang isa sa kaibigan ng roommate ni Farah sa amin. Nagulat pa ito ng makitang parehas kaming umiiyak.

"My name is Amethyst Grey and I have fire Malachite from sinners section Organico." Nakangiting sabi nito then nilahad ang kamay sa amin. Tinanggap ko naman yun ganoon na din si Farah. Nakipagshake hand naman kami.

"My name is Adiera Eve Vallez." Pagpapakilala ko din.

"Farah Calixta." She seconded.

"So, start na tayo?" Nakangiting tanong nito kaya tumango lang ako.

"Ok let's start the training!" Hyper na pagkakasabi ni Farah at nag-start na kami. Napangiti naman ako.
Maraming pinakita si Amethyst na ibat-ibang technique sa fire Malachite. Gumagawa siya ng fire balls, fire shower, flying fire, and fountain fire. Parang expert na expert na siya sa pagpapalabas ng fire Malachite niya. Kontrolado niya din ito.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon