CHAPTER 3

2 0 0
                                    

Chapter 3

Farah's POV

PANG tatlong araw na namin sa pag sunod kay Sir Dachi, pero lintik sa tinik ang pagtatago puta. Naiinis na ako dahil kumokonti ang oras namin sa paghahanap sa bwisit na old library na 'yon. Nawawalan na ako ng pag-asa, dahil parang walang balak si Sir na pumunta sa old library na'yon. Ayokong umabot sa punto na malaman muna ng iba na may malachite kami bago pa namin mahanap ang pyrite.

Nandito kami ngayon sa loob ng room at si Sir Dachi ang nasa harapan at nagtuturo habang ako nakakatitig lang sa kaniya. Kung titingnan mo siya para siyang isang normal na terror na professor, nagtuturo sa kaniyang estudyante, pero ang totoo, mas marami pa siyang nalalaman at may katauhang nagtatago sa likod ng makapal niyang salamin.

*KRINGGGGGG!*

Namalayan ko na lang, tapos na pala ang klase para sa araw na 'to, nakita ko na lang ang sarili ko na sinusundan na naman si Sir Dachi, pero gaya ng inaasahan sa detention room siya dumiretso kung saan kasama niya ang ibang mga professor. Nanlulumo akong bumalik sa classroom. Nawawalan na talaga ako ng pag-asa. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

"Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap ah?" Si Adie na sinalubong ako sa pinto ng room.

"Sinundan ko si Sir Dachi."

"Hulaan ko, wala kang napala 'no?"

"Ano pa nga ba?" Nanlulumo akong umupo at sumubsob sa desk ko.

MADILIM na nang makabalik kami sa dorm namin, doon ako sa kama ni Adie matutulog ngayon, pakiramdam ko pagod na pagod ako and I need a big big hug. Pag-uusapan din namin ang susunod naming gagawin, kung sakali man na hindi talaga namin malaman kay Sir Dachi kung saan ba ang old library na 'yon. Nitong mga nakaraamg araw hindi lumalabas ang malachite namin at laking pasasalamat ko dahil doon.

"Magbibihis lang ako."

"Wait, samahan mo muna ako sa labas, naiwan ko sa locker yung shoes ko."

"Bukas mo na kunin, napapagod ako."

"Eh! Need natin 'yon bukas lalabhan ko ngayon. Samahan mo na ko." Wala nang nagawa si Adie nang hilahin ko siya palabas sa dorm namin, naglakad kami ng naka angkla ang braso ko sa braso niya, mahirap na baka tumakbo 'to. Nag umpisa na akong hanapin yung sapatos ko, ang gulo-gulo ng locker ko. Basta na lang sinalampak ang mga gamit. Inayos ko na din, baka tamarin ako bukas. Hindi pa ko tapos sa pag-aayos pero panay ang kalabit sa'kin ni Adie.

"Ano ba? Hindi pa ko tapos, wait lang." Inis na sabi ko ng hindi tumitingin sa kaniya, pero hindi ko pa nahahawakan anomang gamit ko kinakalabit na naman niya ko. Inis akong humarap sa kaniya.

"Ano b-"

"Farah, tingnan mo 'yon." Pagputol niya sa sasabihin ko, tiningnan ko yung tinuturo niya, may inaaninag siya sa dilim. Pero wala akong makita kundi dilim.

"Ang alin ba? Inaayos ko pa mga gamit ko." Inis na bulong ko.

"Diba si Sir Dachi 'yon?" Pagkarinig na pagkarinig ko sa sinabi ni Adie napalingon ako sa tinuturo niya at nakita ko nga si Sir Dachi na naglalakad mag-isa, papunta ulit doon sa daan papunta sa detention room.

Ano kayang gagawin niya doon, nang ganitong oras?

"Saan kaya pupunta si Sir, 8:30 ng gabi nasa labas pa siya." Pati na rin si Adie nagtataka, kasi ngayon lang talaga namin nakita si Sir Dachi na lumabas ng ganitong oras.

"Tara sundan natin." Wala sa sariling sabi ko, dahil curious talaga ako kung ano ang meron diyan. Sa detention room na 'yan at lagi sila diyan naka-tambay lalo na si Sir Dachi. Sa hindi mabilang na pagkakataon nabigo ako, nang akalain ko na pupunta siya sa detention room, pero bago siya dumiretso, tumingin muna siya sa gawi namin, kaya naman mabilis kong hinila si Adie para magtago sa likod ng poste.

"Aray! Dahan-dahan naman Farah, yung pwet ko ang sakit." Reklamo niya, 'di ko naman sinasadya eh, kasi kung hindi ko siya hinila baka nakita na kami ni Sir Dachi.

"Shh. Sorry, wag kang maingay." Nilagay ko pa ang hintuturo ko sa ilong at bibig para ipaalam na seryoso ko. Naglapat naman ang labi niya. Sumilip ako ng kaunti para tingnan si Sir, pero medyo nakakalayo na siya, kaya naman hinila ko ulit si Adie para masundan si Sir, habang lumalayo kami hindi na pamilyar ang daan na dinaraanan namin, para siyang liblib na lugar pero may mga halaman, parang garden ganoon. Huminto kami, nang huminto din si Sir Dachi at pagtingin ko sa paligid, may malaki at abandonadong building sa harap namin. Para siyang sinaunang gusali. Hindi na maayos ang pagkaka-pintura at napapalibutan ng mga baging.

Parang haunted building amp.

"Ito na ba ang sinasabi nilang old library? Ang creepy ah." Sabi ni Adie na nililibot na din ang paningin sa buong lugar, halata sa kaniya na natatakot nga siya, napakapit pa siya sa braso ko. Naging alerto kami ng pumasok si Sir sa loob nang abandonadong gusali, kaya sumunod kami.

"Farah, parang ayoko nang tumuloy nakakatakot sa l-lugar na 'to." Natawa pa ko ng mabasag ang boses niya.

"Ano ka ba Adie, ito na yung hinihintay natin na pagkakataon, this is the time na mamalaman natin kung bakit ka may Malachite, ganoon na din ako." Hinawakan ko ang kamay niya, para mapanatag siya na kasama ako. Hindi na nagsalita pa si Adie, sumunod na lang siya sa'kin paakyat sa second floor nang old library, kasi doon pumunta si Sir Dachi. Nakita ko na pumunta si Sir doon sa pinakadulo nang library. Napansin ko na may kinuha si Sir na libro, tapos umupo siya sa pinakadulo at saka kinuha ang nakasingit na maliit na papel. Pagkakuha niya noon. Nagtago kami sa likod nang isang estante na puno ng libro dahil mukang aalis na si Sir. Nang makaalis siya, agad kaming nag-unahan ni Adie doon sa libro na kinuha ni Sir kanina.

Parang hindi natakot kanina, nakikipag-unahan pa.

"Ito na siguro ang pyrite na sinasabi nila." Namamanghang sabi ko kay Adie.

"Tara tingnan natin." Sabay buklat sa libro.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon