Chapter 24
Adie's POV
HINDI ko alam kung anong nangyayari sa akin, hindi ko naman talaga gusto ang mga ginagawa ko kay Farah eh. Nandito ako sa dorm ko si Nami ang ka roomate ko. Sa tatlong araw ko dito mabilis ko na natutunan ang pag-gamit ko sa Malachite, pero hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin kapag nagagalit ako bigla na lang nag-aapoy ang lahat sa akin. Lalo na kapag nandiyan si Farah, ayaw ko na matakot siya sa akin, yung sinabi ko sa kaniya na friendship over hindi yun totoo, ayaw ko na mawala siya bilang kaibigan ko na kapatid kung ituring, pero may part sa akin na nagagalit sa kaniya.
"Lalim naman ng iniisip mo." Nagulat ako nang kausapin ako ni Nami kakalabas niya lang ng CR.
"Ah, wala ito, don't mind me." Sabi ko sa kaniya ng hindi tinitingnan. Simula noong dumikit ako kina Yana naging ganito na ako at saka napapansin ko na lumalapit sa akin si Haruka at iyang Nami, pero kapag kasama ko ang grupo nila Yana and Matteo wala akong pakialam sa mg nakapaligid sa akin mas gusto ko sila kasama ngayon dahil parehas kaming nasa Ricerca at saka may problema kami ni Farah ngayon, tapos ang lagi kong kasama ang ibat-ibang estudyante sa Ricerca.
And besides sila din ang nagtuturo sa'kin sa Malachite."Kung ako sayo hindi na'ko didikit diyan kina Yana at sa grupo niya, and also sa iba pang taga Ricerca na nagsasabi sayo na awayin mo si Farah."
O_O
Pano niya nalaman yun?
Totoo ang sinabi niya na sinasabi sa akin nila Yana na awayin ko si Farah dahil sabi nila masyado daw nagpapabida si Farah, kasi alam niya na gusto ko mapunta sa Organico pero ayaw niya na mangyari yun kasi gusto niya siya lang magaling sa Organico. Nung una hindi ako naniwala kasi kaibigan ko yun eh, naging kapatid na siya sa akin, pero nung humingi ako ng tulong sa kaniya para mapunta sa Organico nagbago ang tingin ko sa kaniya, oo tinulungan niya ako, ginawa ko lahat ng sinabi niya pero lahat nang yon ako ang lumabas na masama at siya ang mabuti. Sa sitwasyon na yun napatunayan ng mga estudyante sa University na ito na bagay talaga ako sa Ricerca at siya sa Organico, kaya ako naniwala sa mga sinasabi sa'kin nila Yana.
Sinasabi din nila Yana na pinagpalit na ako ni Farah, mas gusto na daw niya ang mga taga Organico. One time dapat makikipag-ayos na ako, kasi naisip ko masyadong mababaw ang naging dahilan ko para magalit sa kaniya, pero nakita ko siyang nakikipagtawanan sa bago niyang mga friends, I saw how happy she is kahit wala ako. Nilamon ako ng selos, kasi dati sa akin lang tumatawa ng ganoon si Farah, sa akin lang siya comfortable, but now everything's change dahil lang nagkahiwalay kami.
"Ano bang pake mo?" Mataray na sabi ko sa kaniya. Hindi naman kami close para pagsabihan niya ako kung sino ang sasamahan sa hindi.
Ayaw ko na pinapansin ang pagsama ko sa kanila kasi naging mabuti naman sila sa akin, sila ang naging kasama ko dito habang si Farah kasama ang mga bago niyang kaibigan. Sila din ang nagturo sa akin kung paano magamit ng madali ang Malachite ko kahit iba ang Malachite nila sakin, tinuruan pa rin nila ako kasi may backround sila sa fire Malachite, ang hindi ko lang maintindihan lagi nilang pinapaalala sa'kin na taga Ricerca ako at kailangan kong gumawa ng masama. Panindigan ko daw ang section na mayroon ako. Simula noon sila na ang kasama ko, 'yon na ang naging mindset ko, since yun naman ang tingin sa'kin ng mga students dito.
"Sa tingin mo ba nakakatulong sila sa sitwasyon niyo ni Farah pinapalala lang nila ang sitwasyon." Akala ko tapos na siya sa mga litaniya niya pero may sasabihin pa rin pala. Inisip ko ang sinabi niya paanong nakakalala? Tinutulungan nila ako, sila ang lagi kong kasama.
"Ano bang pinagpipilitan mo? Bakit mo sinasabi sa'kin yan?" Kunot noong baling ko sa kaniya.
"Kasi kilala ko kayo." Seryoso siya ng sabihin yon, bigla akong nakaramdam ng kaba.
O_o
Paano niya kami nakilala? Dito ko nga lang siya nakita sa sa UU eh, paano niya kami makikilala.
"Ano bang alam mo ha?" Nag-iinit ang ulo ko dahil pinipilit niya ang gusto niya.
"Madami kumpara sa iyo, mas madami akong alam kaya sinasabi ko sayo lumayo ka sa kanila kung pagtuturo ng Malachite ang habol mo puwede ka naming turuan ng higit pa sa itinuturo nila, at higit sa lahat..sa tamang paraan ng paggamit ang ituturo namin sayo." Nakapamaywang na siya sa harapan ko.
Ibig niyang sabihin, maling paraan ang itinuturo sa'kin nila Yana?
"Para ano?"
"Pwede ka rin naming tulungan na makipag-ayos kay Farah." Nangungumbinsing aniya. Pagkasabi niya noon, bigla ko na naman naalala ang sa sitwasyon namin ni Farah, ayaw ko talaga ng ganito kami, kaya para kay Farah, sige iiwasan ko sina Yana.
Susubukan ko.
"Paano kung ayaw makipag-ayos ni Farah sa akin dahil doon sa mga nagawa ko sa kaniya?" Bigla na lang lumabas sa bibig ko yon at kinakabahan ako sa sagot niya.
Paano kung ayaw na ni Farah sa akin?
Bigla akong nalungkot sa naisip ko. "Malabong mangyari yang sinasabi mo, kahit ikaw kilala si Farah, ikaw na lang ang hinihintay niya para magka-ayos kayo." Naalala ko na sa tuwing may hindi kami pagkaka-unawaan siya ang laging nag-aayos, siya ang laging gumagawa ng way para maayos ang gusot namin.
"Sige, sayo ako sasama susubukan kong umiwas kina Yana para sa amin ni Farah, sayo ako magpapatulong sa paggamit ng Malachite." Parang may natanggal na tinik sa dibdib ko ng may mag-alok na tulungan kami ni Farah na magka-ayos. Nakita ko siyang napangiti sa sinabi ko kaya napangiti din ako, siguro panahon na para ako naman ang kumilos sa amin ni Farah.
"Bukas na bukas makikipag-usap ako kina Thyron para magkaayos na kayo ni Farah at bukas ko ituturo sayo ang tamang pag-gamit ng citrine fire." Tatalikod na sana siya pero pinigilan ko.
Citrine fire? Ano yun?
"Ano yun?" Nagtatakang tanong ko.
"Bukas mo na malalaman." Aniya at diretso talikod. Hindi na ako nangulit kasi ang nasa isip ko na lang magkaka-ayos na kami ni Farah.
Sana mapatawad mo ko sa mga ginawa ko sayo.
Kinakabahan ako pero, there is nothing impossible to those who will try.
BINABASA MO ANG
Untrodden
Science FictionSomeday it takes a lot of work just to be okay. Forget, forgive, move on.