CHAPTER 18

0 0 0
                                    

Chapter 18

Farah's POV

HINDI ko alam kung anong gagawin ko para makausap si Adie, nasapo ko ang noo dahil nahihirapan akong mag-isip ng paraan.

"Ace?" Makapal na ang mukha kung makapal, I need more information about this school.

"Hmm?" Nakapikit na tugon niya, nakatalikod sa side ko.

"Pwede mo ba akong kwentuhan tungkol dito sa Untrodden University? 'Di ba matagal ka na dito?" Napaayos ako ng upo sa kama, nang umayos din siya ng upo at humarap sa'kin.

"Ang totoo wala pa din akong alam masyado dito sa school na ito, last year lang ako nakapasok dito pero may nalalaman naman ako, kasi bukod sa maganda ako may pagka-chismosa din ako...teka ano bang gusto mong malaman about sa school na ito?" Gusto kong matawa dahil napagsasabay niya ang pagbibiro at pagiging seryoso.

"Gusto ko sana lahat, pero kahit kung ano lang ang nalalaman mo, as far as I know nagtataglay lang ng fire, earth, and light ang  na'sa Ricerca, bakit ang isa naming kaibigan na may water malachite nasa Ricerca din?" Nakita ko pa siyang nag-isip bago sumagot. "And also the one from my section. Some of their malachite is supposed to be in Ricerca, right?"

"Oo lahat lang ng may fire, earth, and light ang mga nasa Ricerca pero." Tumigil na naman siya. "Noon 'yon, iba na ngayon iba na ang mga taong nagpapalakad sa University na'to."

"Paanong iba?" Halos mag-isang linya ang kilay ko.

Bakit kasi binibitin pa niya? 

"Ang panahon na tinutukoy mo ay ang panahon na may pagkakaisa pa ang mga royalty, noong panahon na walang inggit na nabuo sa pagitan ng mga royalty, noong panahon na hindi pa magka-away at masaya ang dalawang grupo." Lalo pa akong nagtaka ng tumungo siya, animo'y may malalim na iniisip.

"You mean ang Organico at Ricerca? Bakit ano ba sila dati?"

"Hindi naman talaga sila magka-away, although may mga sarili silang paniniwala pero may respeto, may unity pa sila." May mapait na ngiti sa labi niya. Nanghihinayang.

"Bakit? Ano bang nangyari?" Nacucurious na talaga ako,

May kinalaman ba 'yon sa nangyari 20 years ago? Ang nabasa namin sa pyrite sunstone? Ano bang nangyari?

"Hindi ko alam kung ano ang totoo, maraming kwento sa bawat section hindi ko alam kung bakit nila kinakalat ang mga maling kwento, lalo na ang mga taga Ricerca, kasi ang alam ko si Queen Aeofi ang royalty na namumuno sa buong DDI pero nilamon ng inggit ang pinsan niyang si Takeshi na siyang namumuno at nagpapalakad ng buong Untrodden University ngayon, kasama na rin ang Iba pang royalty na nagtaksil kay Queen Aeofi." Sa haba ng sinabi niya hindi ma-absorb ng utak ko lahat, nakakagulantang na ganoon pala ang nangyari.

Ito pala ang DDI before.

"Wait, yan ba ang nangyari 20 years ago?" Tumango naman siya sa naging tanong ko.

"Edi tuwing break time lang nagkakasama-sama ang Ricerca at Organico?" Mabilis siyang umiling, iyong katulad sa mga bata.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon