CHAPTER 15

1 0 0
                                    

Chapter 15

Adie's POV

"ADIE, wake up." Naramdaman ko ang marahang pagtapik sa'kin ni Farah, pupungas-pungas akong bumangon, nagkukusot pa ng mata habang humihikab.

"Mag-ayos ka na Adie, baka dumating na ang mga susundo sa'tin bilisan mo na." Utos sa'kin ni Farah.

Antok na antok pa ko eh.

Pero sa kabila ng antok bumangon na ako at nag-ayos, bago pa sumigaw si Farah ng 'ANO HINDI KA PA BABANGON DIYAN?' medyo may pagkananay din kasi siya. Habang nag-aayos may biglang pumasok sa utak ko.

Gusto ko sana mapabilang sa Organico. Sana talaga.

Dali-dali akong nag-ayos para pagdating nang mga sundo namin, ready na ko. Natapos ako sa pag-aayos, doon kami sa sala mag-aantay, paglabas namin ni Farah ng kwarto nakita na namin sila Joyce, Jhonny, at Vzariyah na naka-ayos. Kami na lang talaga ang inaantay.

"Aga niyo ah." Puna ko at tinignan sila mula ulo hanggang paa.

"Ganoon talaga Adie, iba pa rin kapag hindi late." Nagyayabang na ani Jhonny. Kumindat pa.

"Ohh, talaga Jhonny? Nakakapanlumo." Bara sa kaniya ni Vzariyah, nagtawanan na lang kami.

*Knock knock*

"Oh, may tao na."

"Ako na magbubukas." Prisinta ko, at dali daling lumapit sa pinto. Pagbukas ko tumama pa ang likod ko sa matigas na bagay. Sumunod na pala silang apat. Sa hamba ng pintuan nakasandal si Calvin, ang kaharap namin ay si Queenzeal na maganda ang ngiti sa'min.

"Are you guys, ready?" Ngiting tanong ni Queenzeal, sabay-sabay naman kaming tumango.

"Jhonny, Vzariyah, and Farah, sa'kin kayo sasama and and the rest kay Calvin." Aniya hindi man lang naghintay na papasukin namin sila.

"Wait, bakit hiwalay?" Mataray na tanong ni Vzariyah.

"Hindi ba pwedeng magsama-sama na lang kami?" Umaasang tanong ni Farah.

"Hindi pwede." Sabat ni Calvin. Muntikan ko ng malimutan na nag-eexist siya.

"Bakit naman hindi pwede?" Tanong ulit ni Vzariyah. Umaalma talaga.

"Si Queenzeal ang magdadala sa Organico at ako naman sa Ricerca." Walang ganang sagot ni Calvin.

So, it means..

Nagka-tinginan kami ni Farah, mababasa ang takot sa mga mata niya. Dahan-dahan akong umiling na parang sinasabi ko sa kaniyang 'hindi pwede ito'.

"Tara na Jhonny, Vzariyah and Farah, dadalhin ko na kayo sa room niyo, doon sa Organico." Yakag ni Queenzeal sa kanilang tatlo. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanila hanggang sa makalayo.

Bakit ganoon? Bakit sa Ricerca pa ko napunta?

"Tara na Adie and Joyce." Pinangunahan ni Calvin ang paglalakad. Nangingilid ang luhang umiling-iling ako. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko, naramdaman ko nang lingunin nila ako. Napansin ang hindi ko pagsunod.

"May problema ba Adiera?" Tanong ni Calvin sa'kin, nakakunot ang noo.

"Gusto ko sa Organico." Diretsyahan kong sabi, talagang nilakasan ko na ang loob ko. Ngunit matunog na ngumisi lamang si Calvin. Nakakainsulto.

"Hindi ikaw ang magdedesisyon o pipili ng gusto mo Miss Vallez, whether you like it or not, sa Ricerca ka, because your malachite said so." Nakakainsulto ang gamit niyang tono. Napayuko ako at tuluyang bumagsak ang kaninang pinipigilan na luha.

"Kapag ba nakagawa ako ng kabutihan sa Organico na ko mapupunta?" Nakayuko kong tanong. Pinipigilan ang inis.

"Hindi mo magagawa yun." Sagot naman ni Calvin kaya napakuyom na ang mga palad ko at hinarap siya.

"Eh paano kung magawa ko?" Panghahamon ko.

"Welcome to Organico" Ngising sagot muli ni Calvin, napatango ako sign na payag na kong pumunta sa Ricerca, tumango naman siya sa'kin pabalik pero may ngisi pa rin sa labi.

Nakaka-asar!

After a few minutes nakarating na kami sa Ricerca. Nasa harap na kami ng room na may section na Moonlight.

"Ito na ang room niyong dalawa" Sabi ni Calvin "Goodluck." Pahabol niya pa at iniwan kami.

So, classmates kami ni Joyce?

Maya-maya pa may lumapit sa aming isang grupo.

"Hey newbies welcome to the Moonlight section. I'm Geli and I have a wind malachite how about you?" Pagpapakilala ng isa, mukha siyang maangas.

"Welcome to the club, my name is Yana Avery Devoncourt" pagpapakilala ng babae at inabot pa yung kamay pero hindi iyon tinanggap ni Joyce sa halip inirapan niya ito.

Ganyan nga Joyce, hindi dapat tayo papayag na apihin ng mga yan.

Taas kilay kong tiningnan yung nagpakila na Yana at kitang kita ko ang pagkapahiya sa mukha niya.
Maya maya may lumapit sa'king isang babae.

"Hi, I'm Czarina Mae Castillo and I have water Malachite how about you?" Tanong niya sa'kin. Medyo nainsulto ako when her eyes travelled down my body.

"My name is Adiera Eve Vallez." Pagpapakilala ko sa maangas na paraan din.

Nakita kong tumaas ang kilay nila sa paraan ko ng pagpapakilala. "What type of Malachite do you have?" Sabat na tanong ni Yana.

I rolled my eyes before answering her question. "Its fire Malachite." Maangas paring sabi ko

I don't like their guts.

Nakita ko naman ang gulat sa mga Mata nila. Medyo nagtaka pa ko. Pero in the end I chose to ignore.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon