CHAPTER 22

0 0 0
                                    

Chapter 22

Farah's POV

"OUR lesson for this afternoon is all about fire Malachite." Nakatingin lang ako sa Prof naming kanina pa nagsasalita. Pero naagaw niya ang attention ko ng marinig ang fire Malachite.

"Woah." Sabay-sabay na sabi ng mga kaklase ko, ako naman nakikinig lang. Naging interesado naman ako dahil gustong-gusto ko talaga malaman ang kaya ng mga taong gumagamit nito at kung paano nila ito nagagamit.

"Iilan lang ang ang nagtataglay nito at lahat ay nasa Ricerca dahil na rin sa kayang gawin ng malachite na ito, fire Malachite ang matinding kalaban ng lahat, kaya nito gawing abo ang madidikitan o mapupunta dito, kaya nitong makasunog kahit gusali pa, kahit sabihin nating ang makakatalo dito ay ang wind, water at ice malachite." Paliwanag ng Prof, tumango tango naman ako.

"Ngunit hindi lahat ng tatlong Malachite na iyan ay kayang talunin ang fire malachite katulad na lang sa wind malachite akala niyo kaunting hangin patay na agad ang apoy, ngunit diyan kayo nagkakamali, kapag ang wind malachite halimbawa gumawa ng isang ipo-ipo o simpleng buga ng hangin, Kaya nitong madala ang apoy na magiging dahilan lalo ng pagkamatay ninyo." Bgla namang nagreact ang may mga wind Malachite. Ako naman nag-iisip.

"Sa water malachite naman kaya nitong mapatay ang apoy pero kaya rin ng apoy pawalain ang tubig alam naman niyong lahat Ang word na evaporation? Halimbawa sa isang takure maglagay ka ng tubig, ilagay mo sa apoy at pabayaan mo siyang kumulo ng kumulo, makalipas ng 2 o higit pang oras buksan niyo ang takure makikita niyong wala na itong laman. At isa pa hindi lahat ng tubig kayang pumatay ng apoy mayroon ding nagpapalaki lalo ng apoy." Tumango kami lahat, especially ang mga may water malachite.

Ganoon pala talaga kalakas 'yon.

"Sa ice kaya nitong patayin ang apoy ngunit kaya naman ng apoy na tunawin ang yelo. Ang dalawang Malachite na yon ang pinakamalakas kung ituring dahil iilan din lamang ang nagtataglay nito." Bigla akong kinabahan sa sinabi ng Prof.

"Mas lumalakas o humihina ang taong may fire malachite lalo na at nakabase ito sa emosyon ng gumagamit, nawawala sila sa huwisyo at nag iiba ang ugali na nararapat nating pagka-ingatan."

"Sa oras na mawala sa huwisyo ang taong may taglay nito ay wala na itong kinikilala kahit sino, kahit pa malalapit na kapamilya o kaibigan pa man. Kaya dapat pagtuunan ng pansin ang pagkontrol at paggamit ng ganitong klase ng Malachite."

Siguro ganoon ang nangyari kanina kay Adie.

HINDI mawala sa isip ko ang naging lesson about sa fire Malachite, kung nagkakaganon si Adie dahil lang sa nangyari sa cafeteria parang ang liit na bagay nang pinag-awayan namin, ayoko na tuluyang mawala si Adie sa huwisyo niya ayoko na kalimutan niya kung sino siya. Kailangan kong gumawa ng paraan para magka-ayos kami at kailangan ko na ding matutunan kung paano kontrolin ang Malachite ko katulad ng pag-kontrol ni Adie, kailangan may magawa ako kahit bilang kaibigan na lang niya.

"Pero paano ko mabilis na matutunan kontrolin ang Malachite ko." Wala sa sariling sabi ko. Napakunot ang noo ko sa pag-iisip.

"Need help?"

"Ayy kalabaw!" Nagulat ako nang may nagsalita na naman sa likod ko sa sobrang gulat ko napahawak pa ako sa dibdib ko.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon