CHAPTER 28

2 0 0
                                        

Chapter 28

Third Peron's POV

HINDI malaman nina Adie at Farah kung anong magiging reaction sa nangyayari dahil wala silang kaideideya.

"Patawarin ninyo ako." Hindi napansin ni Queen Aeofi na umiiyak na siya habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Ano po bang nangyayari?" Naguguluhan na tanong ni Farah. Hindi na maipinta ang mukha sa pagkakakunot.

"Bakit po kayo nagso-sorry?" Tanong naman ni Adie na hindi din alam kung anong itatawag sa babaeng kaharap.

"Patawarin ninyo ako nang dahil sa kapabayaan ko nawalan kayo ng ama, nang ganoon kaaga." Nagulat ang dalawa sa sinabi ni Queen Aeofi hindi nila alam kung anong sinasabi nito. Sinong ama?

"Ikaw Adiera ang anak ni Tori Fox ang pinakamagiting na namumuno noon sa Ricerca at ikaw Farah ang anak ni Ethan Ryle Sylverine ang tapat at malakas na namumuno sa Organico." Sabat ni Sovereign Thea sa likod nila, nang makitang naguguluhan na ang dalawa, hindi na rin napansin na nangingilid na ang luha habang sinasabi ang nangyari 20 years ago.

Habang inaabsorb ang mga salitang iyon biglang pumasok sa isip nila ang pyrite sunstone at ang mga pangalang iyon na kanilang hinangaan kahit hindi nila nakita at nalaman nila ang ginawa para sa Ricerca at Organico.

"Paanong nangyari na..?" Hindi alam ni Farah kung anong sasabihin ganoon na din si Adie.

"Ako si Aeofi ang dating royalty na namumuno sa buong Untrodden Academy, kasama sila Thea, Dustin, Caixen, Kris, Takeshi, Tori, at Ethan pinsan ko si Takeshi malaki ang tiwala ko sa kaniya, hindi ko akalain na sa kabila ng pinakita ko sa kaniyang kabutihan magagawa pa rin niyang mainggit, lingid sa kaalaman ko at ng ibang tapat na royalty gumawa siya ng grupo kasama si Dustin at Caixen, hindi ko lubos maisip kung bakit nila nagawa iyon. May pagdiriwang din na gaganapin sa araw na iyon, ang anibersaryo at pagpapakilala sa inyong dalawa bilang isang royal blood dahil anak kayo ng mga pinakamalakas at pinakatapat na tao ng royalty, masaya ang buong Phoenicians ng mga panahon na iyon dahil sa kauna-unahang pagkakataon isinilang nang dalawang ina ang mga ipapakilalang batang babae bilang royal blood, napakalaki at napakahalagang araw iyon, pero hindi ko alam iyon din ang magiging mitsa ng pagbabago sa buong University." Malungkot na kuwento ni Queen Aeofi na nakatingin sa kawalan. Sa kabilang banda, tahimik na nakikinig ang lahat ng tao sa headquarters, wala silang lakas ng loob mag-ingay dahil nakikita nila ang naging pag hihirap ng royalty habang binabalikan ang nakaraan.

"Noong panahon na yon, citrine laban sa citrine, royalty laban sa kapwa royalty, hindi ko naisip na mangyayari ang araw na iyon, may pag-asa kaming manalo kay Takeshi, pero nakita ko na hawak ni Caixen ang dalawang bata na walang kamuwang muwang sa mga nangyayari, wala akong nagawa kung hindi sumuko hindi ko puwedeng isaalang-alang ang buhay ng dalawang tagapagmana ng royalty, pero ang mga tatay niyo, hindi sumuko pinilit kayong kuhanin ni Tori kay Caixen habang nakikipag laban si Ethan kay Takeshi, napakahina ko nang araw na iyon, ni hindi ko naipagtanggol ang nasasakupan ko, naitakas kayo ni Gabriel nang araw na iyon siya ang pinakatapat na tao ng inyong mga ama." Lumuluha na anang Queen Aoefi. Wala namang nagawa si Sovereign Thea kundi aluin ito. Gulat na gulat si Adie at Farah nang mabanggit ang pangalan ng guro na mahigpit sa kanila. Si Sir Gabriel 'Y Dachi. Hindi malaman ng dalawa ang gagawin habang nakikinig sa kwento ng Queen, maging ang iba ay tahimik na nakayuko at nakikinig.

"Ako at si Thea ang dapat na mamamatay ng araw na iyon, pero nagulat kami ng biglang humarang sa harap namin si Tori at Ethan, kaya naming lumaban ng gabing 'yon pero naipakita ng inyong mga ama ang kanilang katapatan sa amin. Masakit makita para sa akin bilang reyna na mamatayan ng dalawang tapat na kaibigan habang hinahabilin ang kanilang mga anak." Nakatingin na sa kanilang dalawa si reyna Aoefi na nasasaktan habang nagbabalik-tanaw. Habang nagkukuwento ay nag-uunahan ang luha ni Queen Aeofi sa pagpatak at hindi namalayan ni Adie at Farah na umiiyak na din sila dahil sa narinig, maging ang iba ay tahimik na naiyak ng sandaling iyon.

"Patawarin ninyo ako kung ang inyong mga ama ang nagbuwis ng buhay para sa amin at para sa buong Phonecians." Umiiyak na sabi ni Sovereign Thea. "Wala kaming nagawa ng mga oras na iyon, kundi pakinggan ang huling salita na kanilang binitawan 'Patawad anak'." Tuloy ni Thea dahil hindi na magawang makapagsalita ni Aeofi dahil sa pagbabara ng lalamunan sa kakaiyak at patuloy na nasasaktan. Hindi na napigilan ng magkaibigan ang humagulgol dahil sa huling salita na narinig sa dating royalty. Na galing sa kanilang mga ama. Nang oras na iyon pinuno ng iyakan ang buong silid ng headquarters.

"Patawarin ninyo ako Adiera, Farah dahil sa kapabayaan ko nawalan kayo ng ama." halos hindi na makapag salita si Aeofi nang sabihin iyon.

"Madami kaming puwedeng gawin, pero hindi kami nakapag-isip ng maayos dahil nakatutok ang dalawang punyal sa umiiyak na mga sanggol." Dugtong pa nito. Pagkatapos ng sandaling iyon tumahimik ang buong lugar, walang ibang maririnig kung hindi ang hikbi at iyak ng bawat isa. Lalong-lalo na sa dalawang anak na nasasaktan sa pagkawala ng kanilang mga magulang.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon