Chapter 23
Thyron's POV
"Teka naman?!" Pinigilan kong mangiti nang pigilan niya ako, pero pagharap ko hindi ko naitago ang aking ngiti lalo na nang makita ko ang mukha niya na nakanguso.
"Papayag din naman pala dami pang sinasabi." Nakangisi pa ring sabi ko natutuwa ako kapag naaasar siya.
"Tsk! Ano ba una mong ituturo sa akin?" Mataray na tanong niya. Napataas naman ang kilay ko.
Sinabi ko lahat ng dapat niyang gawin, noong una kong mga bato hindi siya nahihirapan pero noong mga nasa kalagitnaan na binilisan ko kaysa sa mga nauna kong tira, dalawang beses na siyang natamaan pero hindi siya nagpatinag, hindi niya ininda ang mga tama niya kahit halata sa kaniya na nasasaktan at napapagod na siya. Hanga ako sa tatag niya hindi siya nalalayo sa tatay niya.
Determinasyon.
Pero noong bandang huli na doon nawala ang concentration niya, medyo malakas pa naman ang pag-bato ko kaya natamaan siya sa may tiyan, pero mukhang hindi niya alam na natamaan siya dahil noong lumapit ako nakatulala lang siya. Nakaramdam ako ng pag-aalala ng makailang tawag ako sa kaniya pero wala akong nakukuhang tugon.
"Zhea!?"
"Zhea?!" Kinakabahan na ako dahil hindi pa rin siya nagsasalita at kumikilos.
"Zheaa!!?" Malakas na tawag ko sa kaniya. Niyugyog ko pa ang mga balikat niya.
"Huh?" Nakahinga ako ng maluwag nang magsalita na siya.
"I'm asking kung okay ka lang?" Napapabuntong hiningang sabi ko.
"Oo Okay Lang ako ano bang nangyari?"
O_o
Bakit ako ang tinatanong niya? Siya nga dapat ang tanungin ko.
"Sa totoong laban kung ganyan ka sa una pa lang talo ka na, kailangan nasa kalaban ang focus mo hindi kung saan-saan, sige na magpahinga ka na bukas ulit natin ituloy ganitong oras din same place." Mahabang sabi ko sa kaniya, pero nagpapalakad lakad lang siya at saka ako tinalikuran.
Siguro napagod lang siya.
Nang makita ko siyang nakalayo na umalis na din ako at pumunta sa dorm. Habang naglalalakad ako bigla kong nakasalubong si Ace at si Heaven magka-iba sila ng section pero close sila.
"Anong balita?" Tanong sa akin ni Ace.
"Wag tayo dito tara sa Headquarters."
Nagpatiuna ako sa paglalakad sumunod naman sila. Dito sa Organico may tinatawag na headquarters kung saan mga kasali lang sa organisasyon ang nakaka-alam, ito ang tawag sa grupong binuo namin laban sa mga royalty na namamahala sa buong UU ngayon. Pagdating namin sa headquarters nakita namin na naguusap-usap ang iba pang kasama sa grupo, pero hindi na namin sila pinansin dumiretso kami sa isang kwarto na puro alak ang laman."Kumusta ang naging training ni Farah?" Bungad tanong agad sa'kin ni Heaven kaklase ko siya at mayroon siyang water Malachite. Last week lang siya dito kasama si Matteo na nasa Ricerca. Pero isa siya sa mata namin sa DDA para bantayan ang bawat kilos nila Adiera at Farah.
"Una pa lang nakitaan ko na siya nang potensiyal naniniwala ako na makakayanan niyang matutunan ang citrine bago pa dumating ang mahalagang araw para kay Takeshi." Napapabuntong hininga na lang ako, kapag nababanggit si Takeshi.
Citrine ang tawag sa pinakamalakas na technique ng may mga ice Malachite, pero piling tao lamang ang may kayang gumawa ng bagay na ito at isa na si Zhea sa kayang gumawa noon, siguro ngayon nahihirapan siya sa Malachite niya dahil ito ang unang beses na pag-aaralan niya itong gamitin at kontrolin pero madami kaming kaya siyang alalayan sa kaniyang pagsasanay. Isa si Zhea sa may kakayahang tumalo sa malakas na pwersa ng apoy ni Takeshi Donovan ang siyang nagtraydor noon sa mga magulang namin. Matagal na naming hinihintay na dumating dito sa Untodden University si Zhea..at si Adiera.
"Mayroon pa tayong dalawang linggo para sanayin ang dalawa." Oo dalawa silang kailangan namin para tuluyang mapabagsak ang mga royalty na nasa taas ngayon.
"Pero mukhang mahihirapan tayong lapitan si Adie kung sa Demonic Academy nga nahirapan kami na lapitan siya paano pa kaya ngayong may hindi magandang namamagitan sa kanila ni Farah?" Ani Heaven. Dahil malaki talagang problemang yun. Gagahulin na kami sa oras.
Mayroon kaming mga mata sa Demonic Academy para mabantayan ang kilos nang dalawa, pinagplanuhan naming mabuti kung paano namin mapapapunta dito nang maaga ang dalawa, ngunit natagalan ito dahil natagalan din ang paglabas ng mga Malachite nila.
"Wala pa bang balita sina Haruka at Nami sa Ricerca?" Tumingin ako sa kanila pero nagbaba lang sila ng tingin. Kahit sa Ricerca may mga mata kami dahil nandoon ang iba pa naming kasama sa grupo lalo na si Adiera Vallez.
"Nahihirapan daw dumikit sina Haruka at Nami dahil dumidikit si Yana Avery at Matteo Matsui kay Vallez." Si Yana Avery at Matteo ay ang mga warfreak ng Ricerca bago pa lang si Matteo pero nakasundo na ito nina Yana. Mukang mahihirapan talaga kami kay Adie.
"Pero sa nakita ko Kay Adie nailalabas niya na nang tama ang Malachite niya pero sa napansin ko kapag galit siya saka lamang ito lumalabas pero hindi niya nakokontrol. At isa pa nagagamit man niya iyon pero hindi perpekto ang pag-gamit niya nito." Sabad ni Ace.
"And parang ayaw ko sa kaniya, magkaiba sila ng ugali ni Farah HAHA. Buti na lang hindi masyadong naiistress ang ganda ko." Umirap pa siya.
Tss nag-umpisa na naman siya.
Isa pa yun kailangan din ni Adie na matutunan kung paano kontrolin ang Malachite niya, lalo na ang citrine fire. Kung sa ice may citrine, ganoon din sa fire. Pero alam kong hindi siya pababayaan nila Nami at Haruka sa Ricerca.
Sana lang makaya nilang dalahin sa panig natin ang anak ni Tori Fox dahil nasa amin na ang anak ni Ethan Ryle Sylverine.

BINABASA MO ANG
Untrodden
Science FictionSomeday it takes a lot of work just to be okay. Forget, forgive, move on.