Chapter 2
Farah's POV
NAALALA ko na naman 'yong nangyari na 'yon. Hindi ko alam pero nang malaman kong may Malachite ako kinabahan ako, kasi marami nang mga students na nakuha ng UU na 'yan at ang sabi puro iyon may mga Malachite kaya natatakot ako para sa'min ni Adie.
"Lintik na Leigh at Carlien 'yon, ang kapal ng mukha para buhusan ako ng juice bwisit nakakainis talaga palibhasa hindi pinapatulan kung makapang bully! Sapakin ko siya eh. Be thankful for that, dahil hindi ako pumapatol sa kanila." Sa sobrang inis ko kinakausap ko na pati ang sarili ko. Para sa'kin pagiging childish ang mga ginagawa nila, hindi ko sila pinapatulan dahil wala naman akong mapapala. Isa pa ginagawa lang nila yon for fame. Malapit na ako sa CR nang may marinig akong.
"...ah yung malachite?"
Ehh? Malachite? Iyon 'yong parang powers diba? Ano naman kaya iyon?
Dahil na-curious ako, hinanap ko ang pinanggalingan ng mga nag-uusap about doon sa Malachite daw.
"Ano nang gagawin natin sa issue na yan? Maraming bata na ang nakuha ng UU na yan?"
Ehhh? Sina Sir Dachi pala 'yun, kahit saan talaga ang lalakas ng mga boses nila, wait UU?? That thing.. yung sinasabi nila na UNTRODDEN UNIVERSITY?
"Sa pagkaka alam ko, hindi naman sila basta-basta kumukuha ng mga students and besides yung may mga malachite na students lang ang kinukuha nila." Sir Bien with action pa kapag nagsasalita.
Mga mosang amp.
"Nagtataka lang ako, diba matagal ng wala yung mga nagtataglay ng mga Malachite?"
"Ang sabi kasi doon sa libro ng pyrite maraming klase ng malachite, may ice, fire, earth, light, water and wind malachite"
"Saan ba ulit nakalagay yang pyrite na iyan?"
"Doon sa old library"
Eh?! Pyrite? Ano daw? Libro nga daw diba, wag kang tanga Farah. May old library pala dito sa academy? Hindi ko alam 'yon ah.
"Napapasa kasi ... Ajdhbdhd." Halos idikit ko sa pader ang tainga ko dahil hindi ko naintindihan ang huling sinabi ni Sir Bien.
Sisilipin ko pa sana sila ng may humawak sa balikat ko. "Hoy! Anong ginagawa mo diyan?" Hinila ko siya paalis bago pa may makakita na nakikinig ako.
"Hoy! Hoy! Saan tayo pupunta?" Sabi nang kung sino man 'tong hinihila ko.
Damn it!
"Pyrite? Old library? Saan naman kaya 'yon?" Kahit si Adie, nagtaka rin, kasi ang tagal na naming nag-aaral dito sa Academy pero wala kaming nalalaman about diyan sa old library na 'yan. Meron namang library dito, pero kasi iyon ang ginagamit ng lahat ng student dito sa Academy at saka hindi siya mukang old library.
"Alam mo sa tingin ko talaga mayroon tayong hindi nalalaman dito sa Academy na 'to eh, at saka yung malachite na 'yan may something talaga diyan eh, what do you think?" Nagbaba ako ng tingin at doon sumama ang tingin.
Nahihirapan akong mag-isip!
"Siguro, kasi 'di ba sabi-sabi may sumpa daw sa Academy na 'to 20 years ago? Baka naman yung nangyayari sa'tin is may kinalaman doon?"
"Ehh? Diba sabi daw fake news yung sumpa na 'yon?" Tumingin pa siya deretso sa mata ko pero nag-iwas lang ako ng tingin.
"Ewan ko."
"Ano kaya kung hanapin natin yung old library na 'yon? Tapos basahin natin yung pyrite?"
"Ehh? San naman natin hahanapin 'yon? Ang laki kaya nitong Academy, baka abutin tayo ng buwan dito sa paghahanap." Napakamot na lang ako sa ulo.
In that case malalaman na nila na may Malachite kami bago pa namin mabasa yung pyrite.
"Ang nega mo naman, edi sundan natin si Sir Dachi, kasi for sure he knows where that old library is."
Tama!
"Okay! Okay!"
"Pero kinakabahan ako kasi wala tayong alam about dito sa Malachite na 'to."
"Kaya nga hahanapin natin yung pyrite diba, to gather information about Malachite."
Paano nga naman kung malaman na nila na may Malachite kami, hindi naman namin 'to maitatago ng matagal. At saka wala akong alam about this Malachite. Hindi ko alam kung paano 'to makokontrol, at mas lalong hindi namin alam how to get rid of this. Hindi ko din alam kung kailan 'to nalabas kasi nagugulat na lang ako lumalamig na lang ang kamay ko. Nalabas siya ng 'di ko inaasahan.
Paano kaya namin to makokontrol? Saan kaya kami makakakuha ng information about...
O_O
".... Diba napapasa yun"
Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi nung kausap ni sir Dachi.
"Adie?"
"Ohh?"
"Doon sa narinig ko napapasa daw yun eh. Paano ba kasi yun? Nasakit na ulo ko eh!"
"Wag mo na muna kasi isipin malalaman din natin yan"
Haisst!! T_T
Matapos ng usapan na 'yon nagpahinga na kami ni Adie bumalik ako sa kama ko at sa kisame tumulala. Hindi na rin kami lumabas kasi baka may makakita sa'min at sabihin bakit kami umabsent hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Hanggang sa makatulugan ko na lang ang pag-iisip.
KINABUKASAN pumasok na kami ni Adie bukod sa wala na yung attached nang apoy say kamay niya eh, malalagot kami kay Sir Dachi.
"Kinakabahan ako Farah."
"Ehh?"
"Baka biglang magka-apoy sa kamay ko eh."
"Maging alerto ka lang." Binigyan ko pa siya ng matamis na ngiti, to assure her that whatever happens I'm here. Malapit na kami sa classroom ng biglang humarang naman ang grupo ni Leigh. Napabuntong hininga na lang ako ng malalim.
Eto na naman tayo eh.
"Wait! Guys, do you smell something? Bakit parang ang baho?" Halata naman na kami pinaparinggan ni Leigh eh, syempre nakita niya na dadaan kami, kaya hindi pwedeng walang siyang eksena. Napabuga na lang ako ng malalim na buntong hininga.
Andami ko na ngang iniisip, sasabay pa 'tong mga ito.
"Woah! Actually kanina ko pa smell." Pranpiyangot said, kapit lang naman sa grupo, makapagsalita naman 'to akala mo may panlaban talaga.
"Aw? Kaya naman pala mabaho kasi may basura. Well, well, well, kung minamalas ka nga naman."
Aso pa nga.
"Matagal na kayong malas, wag niyo kaming idamay." Adie said with her fierce face. Nag-uumpisa na naman sila.
"Huwag mo na lang patulan Adie."
"Kapag talaga may mabaho, nasa paligid kayong dalawa." Ani Leigh na parang 'yon na ang ang pinakanakaka asar na joke sa mundo. Ngumuwi ako sa kakornihan nila.
"Remember, malapit ang ilong sa bibig. Hininga niyo lang naaamoy niyo." Hindi ko na napigilang barahin sila. Madami akong iniisip and I don't have time with this nonsense.

BINABASA MO ANG
Untrodden
Fiksi IlmiahSomeday it takes a lot of work just to be okay. Forget, forgive, move on.