Chapter 9
Adie's POV
"NASAN ako? Anong lugar 'to? Farah?" Nilibot ko ang buong lugar, wala man lang kung ano. Para akong nasa isang kwadradong lugar. Wala akong ibang nakikita kung hindi itim.
Blankong blankong..
"Farah? Andiyan ka ba? Sumagot ka naman oh." Malapit na kong umiyak dahil sa takot. Tawag ako ng tawag kay Farah ngunit wala man lang tumugon sa tawag ko. Lumakad lakad pa ko ngunit puro lamang dilim ang nakikita ko. Sinubukan kong ilabas ang malachite ko, sana magawa ko ng maayos.
Sinubukan kong mag-concentrate. Laking tuwa ko ng maayos ko itong nailabas. Kaya't nagkaroon na kahit paano ng liwanag. Sa hindi kalayuan sa puwesto ko, may nakita akong isang pigura ng babae.
"Farah, is that you?" Tanong ko ngunit hindi ito sumagot. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa gawi niya.
"Snober ka na Farah ahh." Sabi ko pa, saka tuluyang nilapitan ang akala ko'y si Farah.
"Ayoko ng ginaganyan ako Far-" Bigla na lamang nanlaki ang mga mata ko, nang hinawakan ko ito sa balikat upang iharap siya sa'kin.
Kaagad akong lumayo ng matanto na hindi ito si Farah.
"S-sino ka?" Utal kong sabi. Nawawala na ang liwanag na naroon sa kamay ko. Unti-unti na naman dumidilim. Mas lalo akong pinahirapan aninagin ang kaharap.
This can't be happening, paanong nangyari 'to?
Nakita kong inihakbang nang babae sa harap ko ang mga paa niya papalapit sa'kin napaatras naman ako dahil sa takot. Gusto kong tumakbo pero tila naestatwa na ako sa kinatatayuan.
"SINO KA SABI EH! BINGI KA BA?!" Sigaw ko na, super creepy niya umaakyat na din kilabot sa katawan ko. Pinaninindig ang balahibo sa batok ko.
"Gusto mong malaman?" Sabi nito, iilang salita pa lang ang sinasabi nito, pero binambo na agad ang dibdib ko, narinig ko na matunog itong ngumisi.
"Ako lang naman.. ikaw" Sagot nito, nakatingin sa mismong mata ko. Tuloy nakita ko ng mag-apoy ang mga mata nito.
NO!
"Hindi 'yan totoo!" Sigaw ko sa kaniya, sa sobrang takot ko, inilagay ko ang dalawang palad sa magkabilang tainga.
Ayoko nang marinig ano man sa sasabihin niya.
After a while, biglang may lumabas na apoy mula sa kaniyang palad. Nagliliyab ang kaniyang mga mata, buhok at iba pang parte ng kanyang katawan.
Ang katawan ko!
Talagang hindi ko maitatanggi na katawan ko 'yon ngunit ang pinapakita niya.
Malayong-malayo.
"Ito ang totoong ikaw Adiera." Nakangising sabi nito sa'kin.
"No!" Sigaw ko, akmang tatakbo ng may biglang mainit na bagay ang dumampi sa braso ko. Pinipigilan ako.
"Wahh!" Nagpumiglas ako ng nagpumiglas pero hindi siya natinag. Hawak-hawak niya ang braso ko at ramdam na ramdam ko ang init nito.
"Bitiwan mo ko, bitawan mo ko!" Umiiyak na pakiusap ko.
"Please.. L-Let me go!" Humihikbing pakiusap ko.
"ADIE!" Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman kong may humahampas ng mahina sa pisnge ko at sa malakas na sigaw.
BINABASA MO ANG
Untrodden
Science FictionSomeday it takes a lot of work just to be okay. Forget, forgive, move on.