CHAPTER 17

0 0 0
                                    

Chapter 17

Farah's POV

MATAPOS ang afternoon class, kaagad akong pumunta sa building ng Ricerca, gusto kong kausapin si Adie, mukhang kasalanan ko ang lahat, pero wala pa ako sa bukana ng Ricerca may humarang na sa'kin.

"Saan ka pupunta?" Harang sa'kin ng dalawang lalaki, mukhang guard sila dito.

"Pupuntahan ko lang ang kaibigan ko." Wala sa sariling usal ko.

"Anong section mo?" Tanong muli ng guard sa'kin.

"Rdtanians." Magkaiba ang uniform ng Organico at Ricerca. Kaya nagtaka pa ko ng magtanong pa ito.

Obvious naman na Organico 'ko.

"Bawal pumasok ang mga taga-Organico dito, kaya umalis ka na." Pantataboy ng isang guard.

"Manong, saglit lang naman kailangan ko lang makausap kaibigan ko, please." Pagpupumilit ko, naiiyak na agad. Nabigla pa ko ng itinulak ako ng isang guard dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"Sinabi ng bawal ang taga-Organico dito, kaya umalis ka na." Tumaas na ang boses niya, natakot naman ako. Umiiyak akong tumayo at umalis,

Paano ko makakausap ngayon si Adie? May bukas pa tama.

Ang isiping 'yon ang nagbigay sa'kin ng pag-asa na makaka-usap ko siya. Nakarating na ko sa dorm na tutuluyan ko daw, kanina lang dinala ako ni Queenzeal dito kaso sa labas lang, kaya hindi pa ko nakakapasok sa loob.

Pagkarating sa may pintuan nakalock ito,  pero binigyan ako ng duplicate ni Queenzeal, kaya nakapasok ako.

"Ahhhhh!" Napasigaw ako sa gulat dahil eksaktong pagpasok ko, may babaeng sumalubong sa'kin, still have toothbrush inside her mouth. Nagulat din ito ng makita ako.

Mukhang napansin niya ang tingin ko, nagmamadali siyang pumasok sa isang pintuan.

God, may tao? Mali ba ang napasok ko? Pero hindi eh, kasi nabuksan ko? Unless, same lang ang padlock ang bawat dorm, pero imposible naman 'yon diba?

Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita kong lumabas ang babae kanina, mas presentable na ang suot niya, wala na ding toothbrush sa bibig. Humarap siya sa'kin, ngumiti pa. "So, ikaw pala ang newbie?" Tanong niya sa'kin, tiningnan pa ko mula ulo hanggang pa, tumango naman ako.

"Farah Arzhea Calixta." Pagpapakilala ko, nilahad pa ang kamay sa harap niya.

Tiningnan niya muna 'yon bago kinuha, ngumiti pa siya ng malaki. "I'm Ace Sapphire Rivas, from the sinners section and I have wind malachite, but you can call me goddess." Sabi niya, seryoso.

O_o

Kailangan ba talaga may goddess?

"I'm a newbie from Rdatanians section and I have an ice malachite." Usal ko, Medyo gulat pa siya pero nakabawi naman agad.

Hindi ko alam, kung bakit gulat na gulat lagi ang mga nakakarinig sa mga sinasabi ko.

"You have a cool malachite huh, nice to meet you Farah." Si Ace.

"Same here, Ace."

"Tara pakita ko sayo ang kama mo, sa kwarto natin." Tinulungan niya pa ko sa mga gamit ko. Pagkapasok namin sa kwarto, dalawang higaan ang tumambad agad sa'min.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon