CHAPTER 27

2 0 0
                                    

Chapter 27

Farah's POV

MATAPOS ang nangyari na iyon sa training kanina napagdesisyunan nila Thyron na huwag nang ituloy ang training since, cartels naman ngayong araw, puwede kaming magsama-sama sa HQ, na andito ang lahat ng kasama sa organisasyon, hindi ko kilala ang iba pero sabi nila Ace mamaya daw ipapakilala lahat, since malapit na ang anniversary na hanggang ngayon wala pa rin kaming ideya ni Adie.

Yong mga nakita ko kanina panandaliang nawala sa isip ko, pero ngayong nanahimik ako bumalik lahat, hindi ko lubos maisip na kaya nilang panuorin ang ganoong mga nangyayari sa mga students dito, yung naka-away namin kanina sa cafeteria, yung sila Yana, isa sila sa nakita ko sa mga students na walang awang sinasaktan ang kapwa nila estudyante. Nakakalungkot isipin na kami-kami mismo ang nagpapatayan.

"One week na lang mag anibersaryo na ang Untrodden University, kailangan niyo ng matutunan at magamit ng maayos ang Malachite." Nagulat ako sa biglaang pagsasalita ni Thyron sa unahan.

"Para saan pa? Bakit kailangan namin matutunan ang Malachite namin at one week? Kaya ba namin iyon?" Tanong ko kila Thyron, kasi hanggang ngayon nag-tatanong pa rin ako, kung bakit kami ni Adie? Bakit ako? Hindi ba mas expert sila sa Malachite? And besides masyadong maikli ang panahon na binibigay nila para matutunan ng ayos ang Malachite namin.

"Ngayon niyo malalaman ang lahat." Sagot naman ni Queenzeal napalingon ako sa kaniya, nagulat pa ako ng makitang nakatingin na siya sa akin. At sa sagot niya na iyon nabuhay ang curiosity ko at alam kong ganoon din si Adie.

"Lahat?" Tanong naman ni Adie. Nalilito na din sa mga nangyayari sa paligid namin.

"Lahat lahat." Nagulat pa ako noong makita ko iyong isa sa taga Ricerca, kung hindi ako nagkakamali siya si Nami at mas lalo akong nagulat sa nakita ko sa likod niya.

Sino siya? Parang ngayon ko lang siya nakita. Pero pamilyar ang mukha niya.

Nang tingnan ko si Adie nagtatanong din ang mga mata niya.

"Siguro nagtataka kayo kung bakit nandito si Haruka at Nami dahil alam naman natin na taga Ricerca sila." Noong una hindi na ako nagtanong about kay Heaven kasi alam ko naman mabait siya, kaya hindi nakakapagtaka kung makasama siya nila Thyron.

"Palabas at planado ang lahat, nakakapagtaka pero iyon talaga, silang dalawa ang mata namin sa Academy sa Demonic dahil kailangan namin kayong bantayan kailangan ni Haruka na makasama para mapunta siya sa Ricerca dahil tuso sila Yana. Takeshi at ang iba pang royalty kung kami may mata sa taas sila mas maraming mata sa Academy kailangan nating mag ingat lalo na at isang linggong preparasyon na lang ang mayroon tayo." Mahabang Paliwanag ni Thyron, pero mas lalo lang akong naguluhan.

"Bakit kailangan ni Haruka mapunta sa Ricerca?" Tanong ni Adie. Napatitig ako kay Haruka. Kanina ko pa inaalala kung saan ko siya nakita. Nanlaki ang mata ko ng maalalang..

Siya yung humila ng kamay ko, noong nakikinig ako sa usapan nila Sir Dachi!

"Dahil alam namin na mapupunta ka sa Ricerca at hindi kakayanin mag-isa ni Nami ang mga tao doon kaya namin ginawa iyon." Paliwanag ni Queenzeal. Sa kaniya naman kami nakatingin ngayon. Nagka-tinginan muna ulit kami bago sabay na tumingin sa kanila.

Ano bang nangyayari?

"Eh, bakit kami?" Sabay na sabi namin ni Adie.

"Dahil gaya ng sinabi ko sayo Farah bihirang tao ang kayang gumawa ng Citrine at kayo ni Adiera iyon. Iilan lang ang nagtataglay ng ice at fire Malachite, kaya kailangan niyo magsanay para perpektong magamit ito." Sabi ni Ace.

"Bakit nga kami anong mayroon sa amin?" Tanong ko, nakakunot ang noo ko dahil walang maintindihan.

Totoo naman eh bago lang kami ni Adie sa Malachite na ito, pero sila? Matagal na nilang alam at gamitin ito.

"Dahil anak kayo ni Ethan at Tori." Lahat kami napatingin sa isang pinto sa likod ko dahil doon nanggaling ang nagsalita. Nakita ko ang dalawang babae na may katandaan na pero hindi gaanong matanda kasi kung titingnan mo sila parang ang lakas nila. Pero mas nagulat ako ng mag sink in sa akin ang sinabi ng isa sa babaeng nasa pinto.

Sino sila? Ethan? Tori? Anak? Kami? Paanong..

Nagulat kami nang magtayuan ang lahat ng kasama namin at nagsipag-yukuan sa bagong dating lahat sila nagpakita ng pag-galang maliban sa amin ni Adie na hindi makapagsalita dahil sa gulat. Kaya as usual nagtatanungan lang kami gamit ang mga mata kasi biglang nagbago ang atmosphere noong dumating ang dalawang babae na hindi ko naman kilala. Nakatayo nang maayos ang babaeng medyo curl ang buhok at may katangkaran, kumpara sa isa at saka unang tingin mo pa lang sa kaniya halatang respetado siyang tao, sa tindig palang niya mahahalata mo na.

"Hindi namin inaasahan ang pagdating niyo Queen." Nakayukong ani Thyron, nakakapagtaka lahat ng kinikilos nila pero hindi ako makapagsalita kasi wala naman kaming alam. Kung kanina nalilito ako. Lalo na ngayon parang sasabog ang utak ko sa mga nangyayari.

"Hmm. Ethan's daughter and Tori's daughter, hindi ako nagkamali na magkakaroon ng pamana ang dating namumuno ng Ricerca at Organico." Nakatingin siya sa amin ni Adie habang sinasabi niya iyon, hindi ko maintindihan kung bakit niya kami tinatawag na anak nung Ethan at Tori pero paramg familiar yung mga name nila parang nabasa ko na pero hindi ko maalala kung saan.

"Ano pong sinasabi niyo?" Tanong ni Adie sa kaniya pero ngumiti lang siya nang bahagya. Nagulat kami nang bigla siyang lumapit sa puwesto namin at niyakap kamimg dalawa.

Ano ba kasing nagyayari? Sino ba siya?

"Anong nangyayari ba?" Hindi ko na napigilang magsalita habang yakap kami ng babae.

"Sila Queen Aeofi at Sovereign Thea." Sagot ni Queenzeal na nakayuko din. Nanlaki ang mga mata ko ng maalala kung saan ko nabasa ang mga pangalang binabanggit nila.

Sila yung nabasa namin sa pyrite sunstone!

Nagka-tinginan kami ni Adie dahil sa sinabi nila. Umalis na din sa pagkakayakap ang babae. "Diba wala na sila? Paanong nangyari na..?" Hindi ko na matuloy ang sinasabi ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Naguguluhan na ako at alam kong ganoon din si Adie.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon