CHAPTER 13

1 0 0
                                    

Chapter 13

Farah's POV

"HAHAHA! Laugh trip talaga 'to si Jhonny HAHA."

"Teka, teka, eto pa."

"Ano na naman yan?"

"Ano ang tawag sa ahgdf."

"HAHAHAHAHAHA! Ang corny mo."

Ano ba ang ingay na 'yon?

Ang aga-aga pa, napabangon ako nang 'di oras dahil sa naririnig ko na tawanan sa labas ng kwarto, napatingin ako sa tabi ko wala na si Adie. Kahit inaantok pa, bumangon ako.

Paglabas ko nakita ko sina Vzariyah, Jhonny, at Adie na nagtatawanan. "Tsk, ang corny mo Jhonny." Nakangiwing sabi ni Adie, pero may bulto ng ngiti sa labi, lumapit ako sa banda nila, napansin naman nila ako kaya napatingin silang lahat sa'kin.

"Oh? Farah, gising ka na pala?"

Ang ingay niyo kaya, sinong hindi magigising sa lakas ng mga boses niyo.

Hindi ko na sinabi ang nasa isip ko. Tumabi na lang ako kay Adie. "Nagising ka ba namin?" Tanong ni Jhonny, gusto ko siyang irapan, obvious naman kasi amp.

"Ay hindi grabe." Sarkastikong sabi ko. "Pero okay lang, what time na ba?" Humihikab na tanong ko.

Tinignan ni Jhonny ang kamay niya, inosente akong napasunod ng tingin doon, nagtataka kung anong tinitingnan niya. Matapos ang ilang segundo, seryoso siyang nag-angat ng tingin sa'kin. "Alas buto bago mag alas balat." Sagot niya, nagulat pa ko ng magtawanan sila na para bang 'yon na ang pinakanakakatawang joke sa mundo. Naglapat ang labi ko sa sobrang kakornihan ng joke niya.

"HA HA HA funny ka?" Pekeng tawa ko.

"HAHAHAHA, wait- NYAHAHAHAHA 'di- HAHA hindi ko mapigilan WAHAHA." Napasimangot ako ng hindi mapigil sa kakatawa si Adie.

Adik! Anong nakakatawa? Amp.

"Anong oras na nga kasi." Nakangiwing tanong ko.

"Easy Farah, ang aga-aga beastmood ka agad, papangit ka niyan sige ka." Saad ni Jhonny.

"Asa Jhonny, asa." Usal ko sabay irap.

"It's 12:00 midnight Farah." Biglang nagsalita si Vzariyah. Napalingon naman ako sa kaniya.

O_o

Bakit ang aga naman nila nagising or should I say natulog ba sila? If I'm not mistaken, 10:00 kami natulog ni Adie.

"Ang aga pa? Natulog ba kayo?" Napapangangang tanong ko sa kanila.

"Nope."

"Hindi."

"Naw, naw, naw."

Sabay sabay na sabi nila. Inis akong napalingon kay Jhonny sa sagot niya.

Anong naw naw naw?

"A-Ako din." Halos mapataas ang balikat ko nang biglang may magsalita sa likod ko, nakita ko si Joyce na kakalabas lang sa kwarto niya, ayaw daw kasi ni Vzariyah ng may katabi matulog kaya nagkaniya kaniya na lang sila ng kwarto. Since, apat naman ang kwarto dito, kami na lang ni Adie ang nag-share sa isang kwarto.

"Hindi ka rin makatulog Joyce?" Tanong ni Jhonny. Hindi ko alam kung maiinis ba ko o matatawa sa kaniya.

Kakasabi lang, nagtanong pa. Ulol talaga.

"O-Oo." Medyo nakatungong ani niya.

"Eh? Bakit kailangan mo mautal ? May nakabara ba sa dila mo? Tapos nakatungo ka pa. Nakakatakot ba ang mukha nila?" Nakatanggap siya ng masamang tingin sa'ming tatlo.

Tumikhim pa siya bago magsalita. "Ako pala." Biglang bawi niya.

"H-Hindi a-ah."

"Edi wag ka mautal."

"Oo nga naman Joyce, huwag ka na mautal 'di ka naman namin kakainin eh." Sabi pa ni Adie, si Vzariyah nakita ko siyang tumango, hindi naman pala talaga masama ang ugali niya, may pagka-maldita lang talaga. Saka nasa features nang mukha niya na masungit siya, kaya siguro lagi siyang sinasabihan na maldita. Pero once you get to know her more. Mabait naman pala.

"Okay." Mahina man pero narinig pa rin namin na hindi siya nautal, siguro ganoon talaga siya, kasi wala siyang kaibigan sa school namin. Saka baka hindi sanay makipag-socialize. Sinenyasan ko si Joyce na lumapit sa'min, nag-hesitate man, lumapit pa rin. Umupo siya sa harap namin ni Adie, sa single sofa.

"Amm, guys tanong lang, paano niyo nalaman na may malachite kayo? Kasi hindi naman kayo mapapasama dito sa University na'to kung wala kayo noon." Mahabang tanong ni Adie. Napatango naman ako.

Curious din talaga ako.

"The truth is, hindi ko talaga alam kung anong tawag doon sa lumalabas na maliit na hangin sa kamay ko, kinikilabutan ako sa tuwing nangyayari 'yon sa'kin. I don't know how to handle this, kaya binalewala ko na lang, sinabi ko sa sarili ko na siguro mawawala din naman 'to, pero I was wrong habang tumatagal lumalaki ang hangin hindi ko alam kung paano makokontrol." Halata sa mukha ni Vzariyah na takot siya sa nagyayari sa kaniya these past few days.

"Kaya simula noon nagpaka-maldita ako, para lumayo ang mga tao sa'kin ayaw kong mandamay ng iba, ang totoo niyan hindi naman talaga ako maldita, pero lagi nilang sinasabi na mataray daw ang mukha ko kaya pinanindigan ko ang sinabi nila sa'kin. And besides, una pa lang naman wala na akong masyadong friends." Nagulat ako sa mga sinabi niya, ngayon ko lang nalaman na ganoon ang pinagdaanan niya, napansin ko din 'yon eh, yung pinipilit niya ang sarili niyang magmaldita kahit hindi naman talaga siya maldita. Except the fact that her appearance said so.

Don't judge a book by its cover is true after all.

Ngayon ko lang nalaman na bawat isa sa'min may kaniya-kaniyang pinagdaanan at dahil sa letseng malachite 'yon, na mayroong dahilan kung bakit ganoon ang pakikitungo natin sa iba. Kaya 'di natin sila masisisi kung bakit sila nagkaganon.

"Kaya naman pala ang maldita mo HAHA!" Pang aasar ni Jhonny sa kaniya.

Yung ang seryoso na ng usapan tapos bibirahan ng biro. Adik talaga.

"Okay maldita na kung maldita. And besides narinig ko ang rumor sa Academy na may sumpa daw. At iyon yung sa malachite."  Napakunot ang noo niya bago nagpatuloy. "Nakakatawa yon? Eh ikaw, paano mo nalaman na may malachite ka?" Naiinis na sabi niya kay Jhonny, pero halatang natatawa dahil sa itsura nito.

"Noong nag CR ako." Napangiwi ako sa kababuyan niya.

"Ewww! Kadiri ka naman Jhonny."

"Abugh! Anong gagawin ko, kung doon unang lumabas ang liwanag sa kamay ko? HAHAHAHA."

"Oh? Eh, Ano bang nagyari kasi?" Sumingit na ako baka mag kainitan na naman tong dalawa na 'to HAHA.

"Hindi ko alam, basta ang alam ko lang napapadalas na ang paglabas ng liwanag sa kamay ko, malay ko kung anong tawag doon, kaya hinayaan ko na lang, 'couz I find it cool. Saka kagaya ng kay Vzariyah may nagchismis sa'kin nang rumor kaya nagka idea ako." Pagmamalaki niya sa malachite niya.

"Ano bang tawag doon kasi?" Taas kilay na tanong ni Vzariyah, talagang hindi na mawawala sa kaniya yon.

Untrodden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon