Chapter 1 :Boneheaded

812 21 0
                                    

Amanda

"Okay the submission will be on Monday exactly 8:30 in the morning. Class dismissed!"

Nagunaunahan lumabas nang kwarto ang mga kamag-aral ko habang ako ay nanatiling naka upo sa aking designated seat.

Pinanuod ko silang magtulakan at magkaladyaan sa gitna nang pag-aayos ko  ng mga papel sa aking lamesa.

Kung meron man akong nagustuhanan sa paaralang ito ay iyon ay ang araw-araw na halakhakan ng mga estudyante.

Napahinto sa pag aayos nang mga gamit ang aming guro sa agham ng siyensya,Si Mrs. Olivia. nilingon nya ako at nilapitan.

"Amanda is there anything you need?bakit andito ka pa?may hinihintay ka ba?" Sunod sunod na nagbato ng tanong sa akin si Mrs. Olivia na ang mga mata ay puno nang pagtatanong.

Kalimitan ay ako ang nauunang lumabas ng eskwela para mamitas ng mangga sa bakuran ni mang Ibyong. Ngunit ako ang kahuli hulihan sa araw na ito.

"Ma'am magpapaalam lang po ako sainyo"nanggigilid ang luha ko sa lungkot at pagkadismaya.

"B-bakit?anak San ka ba pupunta?"ang mabait na si Mrs. Olivia ay lumuhod na sa aking harapan habang hawak ang dalawang braso ko.

"aalis na po ako sa San Nikolas ngayong linggo,baka Hindi ko na ho matapos ang grade 12"umiling ako habang pinupunasan ang luha sa mata ko gamit ang palad ko.

"May nakuha na pong trabaho si tiya Marie sa malayong bayan baka hindi muna po ako makapag aral kundi magtrabaho muna at tulungan ang mga nakababata Kong kapatid."saad ko hinagod ni mrs. Olivia ang aking likod mula grade 9 ay nagiging teacher ko sya sa ibang subject dito sa paaralan at ilang beses nya na kong sinagip sa trabahong inaatang sa baligkat ko para makapag aral ngunit sa pagkakataong ito ay kailangan ko nang tulungan ang aking pamilya.

Niyakap ako ni Mrs. Olivia at pinayuhan ng mga bagay na dapat Kong gawin. Nangako ako sakanyang pagnakaipon ako ay babalik ako sa pagaaral.

Umuwi ako ng bahay na lugong lugo tiningala ko ang medyo dumidilim ng langit habang patuloy na binabagtas ang mabakong daan pauwi.

"Kung sana ay nandito kayo"mahinang saad ko.

Naulila kaming magkakapatid nung ako ay 12 anyos pa lamang. Namatay ang sinasakyang jeep ng magulang namin at ang tanging naiwan ay mga alaala at mabigat responsibilidad para sa tatlo ko pang nakababatang kapatid.

Nang marating ko ang aming bahay ay binukas ko ang gate na kahoy ng bakuran.

Sinalubong ako ng tatlo Kong kapatid na naglalaro ng habulan.

"Ate"si mike ang sumunod sa akin sya ay grade 10 na at 15 anyos.

"Kumain ka na ate sa loob paborito mo yung ulam naten,bagoong na may hilaw na mangga at pinritong isda"si Millie naman ay grade 5 at 10 taon.

At syempre ang bunso naming 6 na taong gulang na abala sa paglalaro ng kotse kotsehan.

Nilapitan ko sya at umupo sa buhanginang kinauupuan nya.Hinimas ko ang ulo nya at niyakap.

"Hapon na pumasok na tayo sa loob"

Nadatnan namin si tiya Marie na nananahi nang mga basahang ibebenta nila. Nagmano ako sakanya tinaasan nya ko ng kilay.

"Nahuli ka yata ngayon nang uwi?" Umiling ako "nagusap pa po kami ni Mrs.olvia

Malalim ang naging buntong hininga ni tyang bago binitawan ang puting tela sa kamay nya.
"Hayyy!Amanda alam kong gusto mong magtapos ng pag-aaral pero hindi pa sa ngayon. Hindi ito ang tamang oras sa pangarap Amanda. Sa hirap ng buhay kahit sa murang edad kaylangan mong kumayod para sa inyong magkakapatid."mariin­g litanya nya.Tumango lang ako bilang pagsangayon bago tuluyang pumasok sa kwarto.

Laurenttius Series #1: Taste of Her VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon