Chapter 3 :His Possession

356 11 0
                                    


"Amanda!" Napatalon ako sa gulat ng tawagin ni Manang Ofelia ang pangalan ko.

"Ayos ka lang ba hija? Kanina mo pa pinupunasan yang pinggan" napatingin ako sa pinggan na makintab na malintab na, hindi ko na malayang napatulala na ako ng matagal kakaisip sa insidente sa kwarto ng boss ko, TOTOONG BOSS.

Tinatahip ang dibdib ko sa kaba na baka masisante ako anu mang oras. Baliw ka kasi Amanda! Bakit mo naman sinagot yung boss mo? Argh hindi ko naman din alam na sya yun!

Napasabunot ako sa mahabang buhok ko.

"Ayy ,baliw talaga tong isang to"na rinig ko ang boses ni Jona sa likod ko.

Ewan, naiiyak ako na naiinis . paano na ? Pagnawalan ako ng trabaho , yung tuition ni mike? Yung pambaon nila Millie? Naman.

Siguro ay napikon na rin si jona sa akin kaya tinapik nya ko sa braso.

"Problema mo ba momsh?" Hindi ko alam kung sasagot ba ko sakanya o nanamnamin ko muna yung katotohanang hindi nya ko tinarayan.

"Jona, mawawalan na ko ng trabaho" naiiyak kong sagot sakanya

Nagtataka nya kong tinignan "bitch magreresign ka na?" Sunod sunod ang pag-iling ko. "Eh ano?" Tinakpan ko ang aking mukha at sa aking palad ako umiyak. Tila naman nakaisip ng isang dahilan si Jona.

"Oh my gosh!!!"nanlalaki ang kulay brown na mata, na ngayon ko lang napansin.
"Nakabasag ka ba ng vase ni future mother in law?"

"Hindi Jona ! Wala kang naitama, ang totoo ay inaway ko ang boss natin! Inaway ko si Señorito" naghihisterical kong sabi.

Parang naawa naman sya sakin "kumalma ka si Señorito lang pa--"napatingin sya sa kisame "bitch! Si señorito Tres?!!" Pasigaw na sabi nya kaya lalo akong nalugmok sa katangahan ko. Dahan dahan akong tumango.

"Vaklaaa ka! Inaway mo ang asawa ko?" Tumango ulit ako
"Oo inaway ko sya, pero hindi mo naman sya asawa "

Sinamaan nya ako ng tingin "atribida ka ! Akin sya" nakasigaw na naman sya.

"Ano ba kaseng ginawa mo?"naupo sya sa isang upuan sa parang counter sa kusina.

Hinarap ko sya at ikinwento ang lahat ,mula sa prince charming na anghel ,kay señorito Tres at kung paano ako tumakbo palabas ng kwarto matapos ang ginawa ko kanina.


"Ikaw pa talaga yung nagwalk out" hinampas ako ni Jona sa balikat.

"Pakiramdam ko ay kakainin ako ng lupa sa nagawa ko" nahihiyang pag-amin ko sakanya mukhang nagiisip naman si Jona.

"Tara na sa kwarto" pagaaya nya sa'ken
"Anong gagawin naten sa kwarto ?"

"I-iempake natin yung mga damit mo pabalik "

Ngumuso ako sa pang-aalaska nya

"Hindi ko pa naman naiaayos ang gamit ko, hindi pa nga ako nakakapagbihis"pagdadahilan ko sakanya.

"Mainam yun nang makaalis ka na ng maaga" tumawa sya ng tila kontrabida sa isang palabas.

"Jona tulungan mo naman ako ayokong mawalan ng trabaho please. Tiyak na wala din naman akong babagsakan dahil hindi ko natapos ang grade 12."

Mukhang nagulat naman sya "senior high ka pa lang?" Tumango ako
"Oo 17 pa lang naman ako"
"Disesyete ka pa lang?anak ng syete bat ang laki ng boobs mo?" Pakiramdam ko ay nasusunog ang mukha ko sa init.

"Jona naman ih"
Tumawa sya " Asus pabebe ka ah!"

"Kayong dalawa dyan bat di pa kayo nag-aayos?"sabi ng bagong dating na si Manang Rosa.

"Ayos po?"ako

"Oo hija, naku utos ni Ma'am Clarissa na mag-ayos ng kahit konti ang mga katulong nang hindi tayo magmukhang dukha sa party ng pamangkin nya."

"May sungay talaga yang matandang yan! Kahit hindi naman ako mag-ayos mas maganda pa ko sa kanilang lahat" umiirap na sagot ni Jona.

Tama nga sya, maganda si Jona maputi at sobrang kinis ng mamula mula nyang balat,nahihiya tuloy ang morena kong balat sa kutis nya.

"Mahabaging diyos Jona iaayos mo yang bibig mo, mamaya biglang dumating si Señorita Clarissa"

"Bakit manang rosa? Totoo naman,hindi naman nya pag-aari ang mansyon pero pag wala dito si mommy Bethany at nasa europe ang mag-asawa feeling Señorita din sya."
Umiling iling pa si Jona.

Wala akong kilala sa kahit na sino sa mga pangalang nabanggit pero tingin ko si Señorita Bethany ang totoong amo namin.

" Basta Jona wag mo nang banggatin ang kahit na ano tungkol doon ha? Pumasok na kayong kwarto lalo ka na Amanda hindi ka muna nagbihis bago gumawa dito, nga pala naibigay mo na ba yung miryenda?" Nagkatinginan kami ni Jona.

Laurenttius Series #1: Taste of Her VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon