chapter 14: Little tres

256 8 2
                                    

Amanda

Mabilis lumipas ang mga araw. Hindi ko na malayan na halos 2 buwan na ang nakalipas. Nanatili ang turing ni Tres saakin. Tres na rin ang tawag ko sa sakanya kapag kaming dalawa lang.

Hanggang ngayon ay wala pa ring kaidedeya ang mga tao sa paligid namin tungkol sa panliligaw ni Tres. Ako din ay nagulat,walang official na date ang panliligaw basta ideneclare nya na lang na ganon. Ang tanging nakaaalam lang ay si Jona at ang mga kapatid nya.

Madalas akong isama ni Tres sa mga lakad nya maliban lang sa kumpanya nila sa syudad. Ayoko din naman sumama ,natatakot ako baka mabuko kami.

Hindi pa ko handa sa mga sasabihin o magiging reaksyon nila.

Sa mga lumipas na buwan ay marami akong nalaman tungkol sa kanya.

Malaki at malawak ang buong kumpanya nila. Maraming branch ito at sa bawat kumpanya sa ibat ibang bansa ay pinapatakbo nilang magkakapatid pwera Kay sir Fourth na puro pambababae lang daw ang alam, sabi ni Tres.

Tungkol naman kay Tanya ay hindi ko na muling inusisa ang tungkol don. Ang sabi nya madaling araw lang nang halikan nya ako ay umalis na rin ang mga bisita nila kasama si Tanya.

"Hayyy sigurado akong magiging boring ang linggong ito." Sabi ni Jona na nakahiga sa kama ko.

Tinawanan ko lang sya, kasalukuyan akong nageempake ng mga gamit ko.

4 na araw na lang at January 16 na, birthday ko na. Kaya pinayagan akong umuwi sa amin.

Nung nakaraang buwan ay dalawang araw lang ako sa bahay kasama ang mga kapatid ko.

Namiss ko tuloy ulit sila, di bale isang linggo naman akong magbabakasyon.

"Hindi ka ba man lang magpapaalam sa manliligaw mo?" Tanong ng kasama ko.

Iwnigayway nya sa harap ko ang touch screen nyang cellphone. Yun kase ang ginagamit ko pagtinatwagan ko si Tres o ang mga kapatid ko. Doon tumatawag si Tres kapag nasa Europe sya para sa business. Nung una ay tinangka nya akong bilhan ng cellphone pero pinagawayan lang naman namin.

"Hayaan ko muna syang gawin ang kailangan nyang gawin tsaka ang sabi nya matatagalan sya doon . Baka nga nakuwi na ako ay wala pa yon" pag e-explain ko kay Jona.

Aminin ko man at sa hindi ay miss na miss ko na sya. Kapag mangungulit sya sa tuwing ihahanda ko ang almusal nya.
Lagi nya din naman sakin sinasabi sa cellphone na namimiss nya ako. Samantalang 3 araw pa lang kaming nagkakahiwalay.

"Eh pano yung birthday mo?"
Nakaramdam naman ako bigla ng lungkot sa sinabi nya.

Wala kasing nabanggit si Tres tungkol doon. Parang hindi nya naalala kahit alam naman nya.

"Ewan ko ,Basta ,bahala na" tugon ko at piniling putulin ang usapan.

Nagfafacebook ata si Jona dahil nags-scroll lang naman sya.

Ako naman ay kumuha ng tuwalya at pares ng mga susuotin ko pauwi sa bahay.

"Jona, c.r muna ko ah?"
Tumango lang naman sya.

Nagtungo ako sa banyo . kamusta kaya sya sa Europe? Nung umalis sya kasama ang mga kapatid maliban kay Sir Fourth, ay hinatid pa namin sya ni Jona at sir Fourth sa airport.

Katakot na takot na paalala ang ibinilin nya sa akin.

'Bawal kang lumabas ng hindi ko alam, o ni Jona o ni Fourth'

'If ever you're in the market don't talk to strangers baka bigyan ka lang ng candy sumama ka na'

'I'll miss you midget please answer my calls and texts or text me'

Laurenttius Series #1: Taste of Her VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon