Chapter 19: Pregnant

374 8 0
                                    

Amanda

Tatlong linggo na ang nakalipas at nananatili pa rin kami sa bahay ni Bry. Medyo nahihiya na nga ako kaya kahit papaano ay tumutulong ako sa gawaing bahay. Hindi ko pa din kinokontak si Jona ,sabi kase ng dalawa ay mas makakabuti daw na wala kaming koneksyon para hindi kami mahanap ng lola ni Tres.

Naging abala rin ang dalawa, si sir Bry ay parating nasa sariling kompanya. Si Tres naman ay humahanap ng paraan para makalabas kami ng bansa. Nakafreeze lahat ng credit cards nya at sabi nya hindi daw kakasya ang cash na meron sya.

Higit pa doon ay kailangan talaga ng koneksyon para hindi kami maharang palabas ng bansa.

Nagsimula akong mag-pirito ng ham at bacon para sa almusal. Naguusap pa kase silang dalawa sa study room kaya ako at ang isang katulong lang ang narito.

Nangmaamoy ko ang prinitong bacon ay biglang bumaliktad ang sikmura ko.

Agad akong humarap sa sink.

"Okay lang po kayo maam?" Tanong ng katulong

Tumango lang ako at binasa ng tubig ang bibig. Ano ba yan sinisikmura na namam yata ako.

Ang katulong na ang nagpatuloy sa pagluluto. Napagdesisyunan ko namang tawagin ang dalawa sa study room. Mabilis kong binagtas ang mahabang hagdan.

Hindi ako kumatok dahil sunod sunod kong nadinig ang pagkabasag ng ilang gamit sa loob ng kwarto.

Natuod ako sa harap ng pinto at bumigat ang paghinga ko.

"I DONT FUCKING KNOW! ITS BEEN MONTHS HINDI KO NA NGA MAALALA FUCK! I WAS DRUNK.  ."Si Tres yon,sigurado akong boses yon ni Tres. Pero ano bang pinaguusapan nila? Anong hindi kanya

"YOU DON'T KNOW? ARE YOU FUCKING KIDDING ME? YOU THINK SHE IS THAT DESPERATE TO CLAIMED THAT IT'S YOURS?"
Sa pagkakataong ito ay si Bry na ang sumagot.

Binalot sila ng mahabang katahimikan

Kinakabahan ako kahit wala naman akong alam sa nangyayari. Hindi na ako nakatiis at kumatok na ako.

"Come in"
Agad kong pinihit ang door knob , pareho silang nagulat ng makita ako.

Parang natulos si Tres sa kinatatayuan nya.

"Ahm a-akala ko kase nagaaway kayo...kaya pumasok na ako."

Nakita ko ang paghinga ng malalim ni Bry.

"N-no, I mean we're not." Sagot ni Tres, ano kayang problema nya at nautal pa sya. Umiling lang ako.

"Nakahanda na ang pagkain,yayayain ko na sana kayo" tumango si Bry at naunang tumayo sa swivel chair.

Tinapunan nya pa ng kakaibang tingin si Tres kaya sinundan ko iyon ng tingin habang kunot noo.

Pagkaraan ay sumunod na rin kami.

"ah eh ,a-ano bang pinagaawayan nyo?"
Nanlaki ang mata nya at umiling

"It's nothing, don't stress yourself too much"
Ngumuso ako. Kaya mabilis nya akong ninakawan ng halik.

"TSS. Mahal ,it was nothing okay?"
Sige na nga, Baka secret lang sa kanilang dalawa.

Sabay sabay kaming nag-agahan. Tahimik ang naging almusal namin parang malalim ang iniisip nilang pareho habang ako ay walang gana, Ewan ko ba.

"I'll be back at 6 pm. I love you mahal. Take care of yourself ha?" Sabi nya bago ako iniwan sa kwarto.

Hay ano namang gagawin ko ? Habang nakatulala ako ay parang gusto kong kumain ng sopas.

Laurenttius Series #1: Taste of Her VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon