Chapter 12: Sick

220 8 1
                                    

Amanda

"Amanda, pakidala daw tong umagahan ni Señorito Tres sa kwarto nya." 

"Amanda!" Napatalon ako sa gulat at muntik nang malaglag ang platong pinupunasan ko. 

Bigat na bigat ako sa katawan ko ngayong araw at pati ang mata ko ay ganon din,maga ang mga ito mula sa pagkapuyat at nanlalaki ang eyebags ko. 

"Huh?" Yun lang ang naisagot ko dahil antok na antok pa ako.

Halos hindi ako nakatulog kagabi, kaiisip kay Sir Tres.
Pakiramdam ko ay nasa alapaap ako at lumulutang ako sa kaulapan.

"Hmmmm.. Manang Rosa, parang ngayon ko lang nakitang nag padala ng breakfast si Sir Tres, may sakit ba sya?" Malisyosang tanong ni Jona.

Napakunot lang ang noong kulobot na ni Manang Rosa.

"Ewan ko din nga don sa batang yon! Sinumpong siguro kaya hindi bumaba. O'sya kanina ka pa non hinihintay" ani nya bago kami iwang dalawa ni Jona.

Pabiro akong kinurot ni Jona sa pisngi bago nagwika.
"May sakit siguro si Señorito no?"

"Anong sakit naman?"

"Kaharutan Disease uso yun eh, ang gamot na kailangan don marupok-samol"Sabi nya bago ako kinindatan at iniwang namumula.

Ngayon lang nagsink in sa akin na magkikita kami ni Sir Tres.
Naeexcite ako ngunit kinakabahan ako dahil nakakahiya ang itsura ko! Para akong panda. At mukhang kagigising ko lang talaga sa mata ko.

Buti ay nakapagpalit ako ng simpleng short at puting t-shirt.

Hala? Bakit ba kase kailangan pang mag-paganda sa harap nya ,Amanda?

Umiling ako dahil parang di pa ako ready na makita ang Señorito.

Pero baka nga may sakit sya?
At ako yung gamot? Napahagikgik ako at kalaunan ay namula sa sariling kalokohan.

Umakyat ako sa itaas ,dala dala ang tray na naglalaman ng almusal ni Señorito . bacon ,itlog at fried rice lang naman ang laman nito tsaka kape at pineapple juice na rin. Sabi ni Manang ay heavy eater daw ang magkakapatid . health conscious din ang mga ito dahil madalas ang mga ito sa gym na nasa third floor ng mansyon.

Tinambol ang dibdib ko ng nasa tapat na ako ng pinto. Hindi ako mapakali at nanlalambot ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay mahihimatay ako sa kaba.

Gamit ang isang kamay ay mariin kong tinabanan ang tray at sa kabila naman ay kumatok ako ng tatlong beses.

Parang nagslow mo ang lahat at napasinghap ako kahit walang rason ng bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Señorito Tres.

Malaki ang ngisi nya sa labi at waring may gagawing kapilyuhan. Nakasimpleng short lang sya at sandong itim. Na humahapit sa magandang hulma ng katawan nyang moreno.

"Good morning" ang namamaos nyang boses ay mahina at halos ako lang ang makakarinig.

Bakas pa rin ang pagkakaantok sa kanyang tono at gulo gulo ang buhok.

Pero malinis pa din ang itsura, ang perpektong hulma ng kanyang mukha ay hindi makikitaan ng tigyawat o kahit anong marka. Makinis at wala syang balbas ngunit lalaking lalaki pa din ang dating.

"Midget"untag nya kaya nilingon ko sya at parang timang na ngumanga. "Huh?"

"You're drooling"seryosong saad nya kaya nanlaki ang mata ko at nakaramdam ako ng 100% hiya sa katawan.

Sa mga oras na ito ay gusto ko ng lamunin ng lupa. May tulo laway pa ako at nakita nya!

Akmang tatakbo na ako ng madinig ko ang maluluting nyang halakhak.

"I'm just joking" sa halip na makaramdam ng inis ay napahinga ako ng malalim bago sya titigan ng may pagkamangha.

"What?"maang nya. Ngiti lang ang isinagot ko.

Sinong magaakala na ang supladong ito ay makikipagbiruan sa akin.

Pumasok na ako sa magarbo at mabangong silid nya, inilapag ko ang pagkain sa bed side table nya na malinis ngayon at walang kahit anong papel.

"Midget! Why are you not talking to me?" Sabi nya sa likod ko ,palihim akong ngumit grabe ang kakulitan ng isang to.

"Señorito ito na po ang almusal nyo" sabi ko ng naiayos ko na ang pagkain nya.

"Did you sleep well last night, midget?" Shit. Ito na yon. 

Peke akong ngumit at tumango

"Ayos lang po Señorito ,sana kayo din"naging pahina ang boses ko sa huling turan ,nagdadalawang isip kung tama bang sabihin ko yun.

"I hope so too. But I didn't get a good sleep last night midget" nabigla naman ako sa pagamin nya hindi bakas sa mukha nya ang puyat dahil sa kagwapuhan ang unang napapansin sa kanya.

Ayan na naman ang nakakapanglusaw at tagos sa buto nyang tingin.

"Wanna know why?"humakbang sya palapit sa akin
"Cause your memory last night is keeping me awake. Your natural scent makes me insane last night,midget. Your warmth never leave me the fuck alone not until I fall asleep."
Naiihi ako. Naiihi ako sa kilig ! Nakaawang ang bibig ko at nagiinit ang buong mukha ko sa sinabi nya.

Ano bang mabuting ginawa ko at binigyan ako ng ganitong pagkakataon.

"Ah-eh a-ano" ni hindi ako makatingin at makasagot ng maayos sa sinabi nya. Nakatameme lang ako at Paang estatewang nakatayo sa aking pwesto. Kulang na lang ay hindi ako huminga.

"Ano? Anong ,ano ha midget?" Lalo pa akong muntik ng himatayin ng marinig ko ang matigas nyang pananagalog. Napalunok ako ng ilang beses at naisama yata ang dila ko dahil hindi ako makapagsalita.

"M-may s-sakit ka nga p-po siguro" napadiin ang hawak ko sa laylayan ng mahabang damit ko.

Ang tangingin pumasok lang sa isip ko ay ang sinabi ni Jona kanina.

"What sickness?"sabi nya tapos ay bigla akong niyakap dahilan para ma-off balance ako akala ko ay bibitawan nya ako pero sa lakas ng katawan nya ay sa kama nya ako binagsak at isinunod ang kanyang katawan.

Pinipigilan ko ang paghinga at tumitig lang sa kisame. Nakapatong ang katawan nya at pakiwari ko ay tinimbang nya ang sarili para hindi ako tuluyang madaganan.

"K-kaharutan disease" wala sa sariling bulong ko ,napaangat sya ng katawan.

Nakatukod ang malaking nyang mga braso sa malambot na kama at nanatiling nakapating sa akin.

Naaamoy ko ang mabango nya hininga na amoy mint gaping sa mouth wash .

"A what?" Pabigla nyang tanong ang abo nyang mata ay puno ng pagtatanong at pagkamangha.

"A-h sabi lang naman ni Jona yun eh." Napanguso ako at nagiwas ng tingin.

"Yeah and your the only pill I need to take to feel better."
Kung hindi ko lang sya kaharap ay baka nagkikikisay na ako sa kilig ngunit sa pagkahiya sa presensya nya ay pinigilan ko ang aking sarili.

Lalong humaba ang nguso ko at sumagot sa kanya.

"Hindi naman po ako naiinom"pagdadahilan ko.

Ang sumunod nyang sagot ay ang nagpaamula sa akin ng husto.

"Bakit kita iinumin kung pwede naman kitang kainin" pilyo at puno ng kalokohan ang mata nyang kulay abo.

Laurenttius Series #1: Taste of Her VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon