chapter 7 : Drunk

258 8 0
                                    

Katulad nang inutos ng mahal na Señorito ay tuluyan akong umiwas sakanya. Sa tuwing may iuutos si Manang para sa magkakapatid ay sinisugarado kong wala si Sir Tres kung andoon man ay binibilisan ko ang kilos.

Kasalukuyan akong naglilinis ng katawan sa banyo sa baba dahil walang banyo sa kwarto namin ni Jona.

Mamaya ay tatawag ako sa mga kapatid ko para sa perang ipadadala ko sa kanila. Sana lang ay gising pa ang mga yon dahil magaalas onse na ng gabi. Si Manang Ofelia kasi ay nahirapang huminga kanina kaya binantayan namin sya hanggang umayos ang pakiramdam nya, gusto ni Sir Uno at Dos na dalhin sya sa hospital kaso ayaw naman ng huli. Si sir Tres naman ay maghapong wala sa bahay.

Wala na sigurong ibang tao sa mansyon na gising kaya palagay akong maligo at lumabas ng banyo na nakatapis ng puting tuwalya.

Ang banyo ay nasa dulo ng mansyon. Lalabas ka ng pasilyo at madadaanan ang engrandeng staircase ng bahay bago makabalik sa kwarto namin ni Jona.

Napahawak ako sa aking dibdib ng makasalubong ko si Señorito Tres, medyo malikot syang maglakad at namumula ang pisngi.

Napasinghap ako ng marealize kong nakatapis lang ako at ang ikli nito ay hindi naabot ang tuhod ko. Isang dangkal bago sa tuhod ang haba ng tuwalya sa katawan.

 Mabilis akong kumilos pero bigla akong hinarang ni Sir Tres. Amoy na amoy ang alak sa kanya pero kahit ganoon ay nangingibabaw pa rin ang natural nyang amoy, mabango. Pungay na pungay ang mata nya tila pagod at inaantok.

Lumipat ako sa kaliwa para doon dumaan ,muli ay hinarangan nya din ako. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko sa inis at hiya.

"Padaan ho Señorito" muntik na akong mapatalon sa saya nang hindi ako nautal at nanatiling kalmado ang aking boses.

"What now? Are you tired of me?! You're giving up now ?huh!" Madiin at puno ng puot ang kanyang boses. Inilingan ko sya at tinapunan ng sarkastikong ngiti.

"Ano bang sinasabi mo Señorito?!" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses. Lagi na lang kaming nagaaway na para bang may kwenta ang pinagaawayan namin parati.

" what are you really up to ?" Hindi nya pinansin ang una kong patudsada bagkus ay nagsalita pa syang ulit. Hiniklat nya ako at napakapit ang kanang kamay ko sa tuwalyang baka kumalas. "Who are you?bakit ganito ang epekto mo sakin? " sa halip na magalit ay nanlambot ang pakiramdam ko sa mukha nyang puno ng kalituhan. lasing nga sya.

"Hindi ko alam, wala akong alam kung ano mang nagawa ko ,wala akong ideya okay? Pero sorry kung napasama ko ang pakiramdam mo, umiiwas naman ako sayo sa hindi ko malamang dahilan . kung bakit ka galit sa akin ?! Pero nakikita mo naman ginagawa ko lahat maiwasan ka lang"
Naging mabilis ang paghinga naming dalawa.

"No!!!" Nagulat ako nang bigla syang sumigaw.
"Don't ,please... Don't stay away from me" ngayon ay para syang batang iiwan ng nanay sa sobrang lungkot ng mga mata nya.

Pati ako ay nalilito na sakanya pero baka nga nasasabi nya ang mga ito dahil lasing sya. Wala sya sa sarili nya .

Nagsimula na akong lamigin kaya nagpasya na akong iwan sya kaso ay bigla syang bumagsak sa sahig at mukhang pagod na pagod sya.

"Señorito hintayin mo saglit, tatawagin ko lang sila Señorito Uno" naisip ko na tawagin ang mga kapatid nya para tulungan sya.

"I said don't leave me ,midget.. Please"
Para akong malulusaw sa himig ng pagmamakaawa ng matikas na lalaking masa likod ko.

Sa huli ay nagpasya na akong tulungan syang tumayo.
Napabuntong hininga ako "Sige Señorito tutulungan kita pero kaylangan mo din tulungan ang sarili mong tumayo"

Tumango sya at nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata.

"Isa ,dalawa ,tayo" inangat ko sya at naglakad kami papunta sa hagdan.

"I'm... hotter t-than B-bry " ano daw? Napatingin ako sa mukha nya kahit nakayuko na ko sa bigat ng braso nya.
Sino ba si Bry?

Napaungol ako nang bigla kaming gumewang sa gitna ng hagdan.

Bwiset ang likot ng lasenggong to!
"Midget.Midget!" Panay ang bulong nya sa lasing na boses napapangiti ako kapag paminsan minsan ay suminok sya. Ang cute pakinggan at nakakatuwa na ang laki laki nya ,nasa 6'3 yata ang height nya pero ang cute nyang suminok.

"Bry, is an assrhole. Un-o is an ...assrhole and D-Dos too." Natawa lang ako sakany. Sumagot ako sa mga sinasabi nya

"Tres is an asshole too" napatsk lang sya at muling gumewang.

Pagod na pagod akong nakarating sa kwarto nya ibinagsak ko sya at naginat grabe ang bigat nya pala.

Himbing syang nakahiga sa malaking black and white na king size bed.

Sa huling beses ay nasulyapan ko ang kalmante nyang mukha . Napakakinis nya talaga at ang habang ng kanyang pilikmata.
Para syang inosenteng anghel pero alam ko namang hindi, kaylangan ko nga talagang intindihin at pagpasensyahan ang isang to.

Napatayo ako sa kama ng bigla Kong maalalang nakatapis nga lang pala ko.

Baliw Amanda!!anong iniisip mo?

Tumayo na ako at kinumutan si Sir Tres.

Ang mga hilik nya ay bumabasag sa katahimikan sa kanyang silid.

Sa paglalakad ko ay narinig ko ang kanyang boses.

"My... Midget!! " napangiti lang ako at dahan dahang isinara ang pinto sa kanyang silid.

Magbago ka man bukas ng umaga , ang mahalaga ay nakita ko ang konting totoong pagkatao mo.



Laurenttius Series #1: Taste of Her VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon