chapter 41:weak

238 11 1
                                    

Ruth

I  was really caught off guard but I manages to stay composed.

"Ahmm w-well" I checked Tres na nabigla din at bumaling sa batang puno ng pag-asa ang mata.

At Hindi ko yata kayang basagin na parang baso lang ang tuwa sa mata nya.

Ngumiti ako na nag-aalangan pero sa huli ay mas pinili kong huwag sirain ang saya nya.

"O-of course..." I heard tres gasp at kahit ako naman ay nabigla din sa sinabi ko. Pero meron kase sa batang nasa aking harapan na nagpapalambot sa puso ko.

Tumikhim si Tres, inabot nya sa akin ang pusa kaya kinuha ko ang mabalbong hayop while he kneel in front of the little girl.

Na nagtitwinkle ang mata sa tuwa.

"Dada did you hear that?" She giggles.

Tumango si Tres at kinarga sya.

"Yes baby, now let's go inside."

Akala ko ay iiwan nya ako dahil karga nya si Amanda but to my surprise ay hinarap nya ako at inabot ang kamay ko gamit ang isang kamay nya na walang hawak.

I can feel the warmth and roughness of his hand.
I squeezed it tightly bago namin ngitian ang isat isa at pumasok sa bahay.

We look like a complete family. Ang kabila nyang kamay ay karga si Amanda at ang kabila ko Manang karga ang pusang tinawag ni Amanda na Tres. At ang kamay naming dalawa ay nakakulong sa isat isa.

I love this feeling, can't deny this. But whatever I'm feeling right now ieenjoy ko muna.

Dumiretso kami sa kusina just to see a huge table na puno ng pagkain at nakangiting nagiintay ang iba pa kanina.

"Woahhh looks like my baby girl found another friend eh?" Sabi ng tumatayong si Fourth, referring to Amanda.

Mabilis na bumaba si Amanda mula kay Tres at tinakbo si Fourth.

"Uncle Fourth look..she's the big Amanda. Dada is the big Tres and the cat is little Tres and I'm the little Amanda "she giggled nang niyakap sya ni Fourth.

tumingin sa gawi namin si Fourth o mas magandang sabihing sa akin.

Asking if I really approved the girl's asking for. Ngumisis ako sa kanya kaya tinanguan nya ako.

I've never seen fourth this caring maybe because mayroong mas malalim na pinagdaanan ang bata.

Kinuha sya ni Fourth at inupo na sa bakanteng upuan.

While Tres ushers me towards the vacant seat, binitawan ko ang pusa sa sahig.  Naupo si Tres sa kabiserang bahagi at ako sa gilid nya.

There's a lot of Filipino dishes on the long table.
Including chicken adobo, afritada, kare-kare ,chapsuey and others.

they  are all silently eating si Amanda ay nakakandong Kay Fourth. They must be really that close.

Naputol ang tingin ko kay Amanda at binalingan ang Plato kong pinuno ng kanin ni Tres.

"That's too much.."I hissed.

Inirapan nya ako "you need to eat well..you're so skinny"

Matalim ko syang tinitigan I feel so offended.  Alam kong Hindi ako yung tipo ng babae na 36-26-36 ang vital statistics pero duh I'm sure I look Sexy as hell.

Sure akong visible sa aking mukha ang pagkairita at pagkaoffend.

Mabilis na hinawakan ng kamay nya ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesang kulay brown na parang gawa sa narra.

Laurenttius Series #1: Taste of Her VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon