Chapter 15: Officially mine

220 6 0
                                    

Amanda

Sumabay kaming kumain kila Tiya. Sobrang daming handa.
Sobrang saya ko din na kasama ko lahat ng mga taong mahalaga sa akin.

Nginingisihan lang ako ni Millie at mukhang boto sila Kay Tres. Si tiyang ay tango lang at sila Manang ay malalaking ngisi.

Wala na nga sigurong mas sasaya sa araw na ito.

"Eat everything on your plate midget"
 
Ang dami daming pagkain sa Plato ko nainilagay ni Tres.

Nginisihan ako ni Jona at Parang timang na nakatingin sa aming dalawa.

Matalim namang tingin ang ibinigay sa kanya ng kapatid kong lalaki, si mike. Samantalang mukhang walang pakialam si Tres sa paligid.

Sinuklian ko ng ngiti ang kapatid ko kaya napayuko ito at sibangot na nagpatuloy sa pagkain.

Mukhang mahihirapan si Tres sa isang to.

Naging masaya ang buong araw hindi ko namalayan na magdidilim na. Naghuhugas ako ng pinggan at iniwan sila sa sala na nag-uusap usap.

Sa kalagitnaan ng paghuhugas ay sumulpot ang kapatid kong si Millie at Mike.

"Ate" pagtawag sa akin ni Mike.

Samantalang pinapanuod lang kami ni Millie.
"Hmm?"

"Sigurado ka na ba don sa lalaking yon? "

Natawa ako sa pagiging protective nya. Ngayon ko lang nakitang ganito si Mike . ngayon lang sya naging ganto sa akin. Pero noon pa man ramdam ko na na gusto nya kaming palaging protektahan nagkataon lang talaga na ako ang panganay.

"Grabe ka naman kuya Mike. Basta ako Ate kung San ka masaya doon ako" nginitian ko lang si Millie.

"Mabait na tao si Tres, mike. Mukha lang syang masungit pero mabuti sya. Wag kang mag-alala sa ate mo kayanag kaya ko to"

Mukhang nahihirapan pa din syang tanggapin pero sa huli ay buntong hininga at marahang pagtango lang ang iginawad nya.

Hinugasan ko ang kamay Kong may bula at ginulo ang buhok nya.

"Ate naman!kaaayos ko lang nyan"

Aba! Nagbibinata ang kapatid ko ah.

"Asus ,feeling binata na. Baka may girlfriend ka na ah?" Namula itong bigla at nagiwas ng tingin.

"Tss. Bahala ka nga ate dyan"

Nainis ko ata kaya nagwalk out.

"Hala ka ate nabwiset mo ata ,nakuu LQ siguro Sila"
Pinandilatan ko ang tumatawang si Millie.

"Ikaw "Sabay kurot sa tagiliran nya kaya napamaang nito.

"Ang bata bata mo pa, Alam mo na agad yan ah"
Dinilaan nya lang ako tapos tumakbo ,napailing na lang ako sa huli.

Sumandal ako sa lababo at tinignan ang mga kasama.
Ano kayang sinabi ni Tres? Masaya kaya talaga sila para saamin?

Napatalon ako ng may maramdaman akong presensya sa gilid ko.

"What are you thinking?"
Nginitian at inilingan ko si Tres.

Hindi ko alam pero sobrang nakakataba ng puso ang ginawa nya. Tila nga yata nahuhulog na ko sakanya ng tuluyan. Nalulungkot ako pag wala sya, pagandyan sya ay naghuhurumentado ang puso ko at parang nasa alapaap ako.

Mahal ko na nga yata sya?

"I want to tell you something midget, please allow me to kidnapped you for a minute. "

Laurenttius Series #1: Taste of Her VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon