Chapter 5 : The LaurenttiusBrothers

252 11 0
                                    

Nakalipas ang dalawang linggo ay hindi na kami muling nagkita ni Señorito , matapos ang gabing iyo ang kinausap ako ni Madame Bethany at ang kanyang asawa na si Señor Rick. Humingi sila ng tawad sa naging asal ng kanilang pangatlong anak.


Doon ko lang napagtanto na hindi totoo ang kasabihang 'kung anong puno syang bunga' dahil ang bait ng mag-asawang Laurenttius habang may sungay ang isa nilang anak. Kita ko nang gabing iyon ang awa sa mata nila manang at jona . umiyak ako nang umiyak kay Jona dahil sa kahihiyang natamo ko.

Sa loob ng dalawang linggo ay hindi ko nakita si Rude , yun ang bagay na pangalan sa kanya. Hindi sya maaninag kahit ang mga kapatid nya na si Señorito Uno at Dos ay hindi rin alam kung saan sya napunta. Pati ang bunsong si Fourth ay nabulabog sa syudad.

Nagising ako sa malakas na splash ng tubig at tawanan alas 9 na ng umaga at hindi ako nagising ! Nakuu nahuli na ko sa mga gawaing bahay napasarap kasi ang usapan naming magkakapatid dahil nakatawag na ako kagabi gamit ang telepono ni Jona.

Inayos ko ang higaan at lumabas ng silid.
Pagdating ko sa kusina ay naghahanda ng pagkain si Señorito Uno kasama ang mga katulong.

"Good morning Amanda"natuod ako nang batiin nya ako.

Awkward akong ngumiti at bumati pabalik. Kay si Ullyses Noelle o sir Uno .

"Hey, can you help me bring this stuff outside?"

"Ah-opo ,sige po" ang magkapatid na Uno at Dos lang ang nasa mansyon habang lumipad na paeurope ang kanilang mga magulang para sa business

Sa loob ng dalawang linggo pananatili ko nalaman ko ang totoong pangalan nilang magkakapatid.

Ang panganay na si Ullyses Noelle ay namamahala sa business nila sa Europe ,wala pa syang asawa sa edad na 27. Hindi ko nga nahalata ,kakaiba din ang pamilyang ito nasa 50 years old na pala ang mga parents nila pero mukhang bata pa.

"How are you today Amanda?"ang baritono nyang boses ang syang bumasag sa katahimikan sa paglalakad naming dalawa.

 "A-ayos lang po Señorito"Tumango sya at nagsalita"Ah I see, that's good to hear" kumpleto at mapuputi ang kanyang ngipin ,sa tuwing ngingiti sya ay mapapatulala ka sa ganda at sinsero ng mga ngiti nya. Kita ito pati sa kulay asul nyang mata kagaya ng kulay sa mata ng ikalawang kapatid.

 Ang pangalawa ay si Dos , Demitre Oli Silvester, kung ano ang hinaba ng pangalan ni Sir sya naman inikli ng mga salita nya. Ngumingiti sya paminsan minsan ,pero sa tuwing ngingisi sya ay tila puno ng kapahawakan ang dala nya. Mas higit ang tattoo nya kesa kay Sir Tres samantalaang malinis ang kay Sir Uno mula sa tattoo.

Si Rude naman ay Trevor Steban at masama ang ugali nya period.

Ang pinakabunso ay si Fourth o. Rickafourth Maddox. Hindi ko pa sya nakikita ng personal dahil nasa syudad sya.

Pagdating ko sa pool area ay mabilis akong nag-iwas ng tingin ng makita ko sya.Nakatingin sa akin at nakalublob ang katawan sa pool. Nanginginig kong nilapag ang pagkain sa pool kasabay nang pag-ahon nya at naglakad palapit sa tuwalya na nasa lamesa pareho ng pinaglapagan ko ng pagkain.

Tumikhim sya ngunit inabala ko ang sarili sa pag-aayos ng pagkain nila. Pagkatapos ay tumakbo ako ngunit di pa man ako nakalalayo ay may pumigil na sa akin .

"Ahmm can we talk?"

Laurenttius Series #1: Taste of Her VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon