Chapter 4 : The Dance

252 13 0
                                    

Nakapikit ako at mahigpit na nakakapikit sa malamig na lamesa na pinapatungan ng dalawa Kong kamay. Nararamdaman ko ang presensya nya na palapit nang palapit. Ngunit pareho kaming napadilat nang biglang tumugtog ang violin mula sa bulwagan ng bahay.


Nagkatinginan kami at parehong napasinghap sa posisyon namin. Nauna syang humiwalay at inismidan ako.

"Don't assume something it was certainly far from that" malamig nyang sabi bago ako iniwang naestatwa sa aking kinalalagyan.

Tinitigan ko ang malapad nyang likod na palayo nang palayo. Sa pagalis ni Señorito ay sya namang pagdating ni Jona.

Sexing sexy sya sa suot nyang gown na may mahabang slit ,kitang kita ang makikinis nya at mahabang hita pati bumagay sa kanya ang pulang damit. Mukha syang hindi katulong kundi bisita.

Nakasibangot syang lumapit sa'kin kaya tinanong ko sya kung bakit.
"Bwiset talaga si Clarissa, ang mahadera dumating na at nang matanawan ako ay sinisita na ang damit ko." Umiling iling pa sya at mukhang hindi makapaniwala.

"Mukha ka kaseng bisita "nagaalangang sagot ko natatakot akong maoffend sya o madown na naman sya.

Nagpaypay sya gamit ang kanyang kamay.
Mukha syang elegante at mayamang mayaman sa suot nya.

"Amanda,Jona buti andito kayo habang nagsisimulang magsayawan ang bisita pwede nyo bang dalhin yung ibang wine glass na naiwan dito sa mga table?" Nakasuot ng simpleng dress na puti din si Manang at itinuro sa amin ang mga kopita sa itaas ng glass cabinet sa kitchen.

"Napunasan na yan kanina dalhin nyo sa mga table na walang wine glass , malilintikan tayong lahat kay Señorita Clarissa pagnagkataon"

 Tumango naman ako at tumalima sa utos ni Manang habang iniintay ko ang isa pang katulong na ibinababa yung mgaikinabigla
Nang maiayos ay kinuha ko na ito,nagtataka talaga ako bakit ako ang nagdadala nito eh madami namang waiter. Pero mas pinili ko na lang sundin si Manang at hinayaan si Jona na nakatulala sa sahig ,tatawagin ko sana kaso mukhang malalim ang iniisip nya.

Hindi na ako nagpaalam at nagsimulang dumaan sa gilid ng mga catered foods habang nagsasayawan ang nag gagandahang bisita sa gitna. Nakakamangha talaga sila.

Napahinto ako ng may humarang waiter sa akin.

"Ma'am ako na po dyan" sabi nya
"Ah kuya okay lang po ,katulong po ako dito sa mansyon"ngiti ko na mukhang ikinabigla nya din.

"Weh? Hindi kase halata"
Tinawanan ko lang sya at naglakad palayo sabi ni Jona pak na pak daw ang beauty ko ngayon. Ganyan mismo ang pagkakasabi nya .

Natanawan ko ang isang table sa gitna ng mahabang hilera ng mga lamesa kaya mabilis akong lumapit doon habang wala pang tao. Mukhang nasa sayawan din ang apat na tao sa lamesa, napansin ko kaseng apat ang upuan.

Narinig ko ang bulong bulungun ng ibang babae nang dumaan ako sa gilid nila.
Kanya kanyang ismiran at pagirap ang natanggap ko ,lalo akong nanliit . Lalo akong nagmukhang dukha sa harap nila.

Nanginginig ako sa hiya na nagpatuloy sa paglalakad.

"So cheap!" Hindi akong nagabalang lingonin ang boses na pinagmulan.

"What kind of dress is she wearing?"
"Why the hell is she holding that tray"
"Idiot, auntie Clarissa told me that she required the maid to wear their most decent dress ,gross" parehong boses ang narinig ko sa boses natumawag ng cheap sa akin.

Inilapag ko ang mga wine glass sa lamesa at hinawakan ang tray paharang sa cleavage kong nakikita na. Sana pala ay nanatili na lang ako sa kusina para kahit papaano ay hindi ko nararamdaman ito. Itong klase ng panliliit at panglulumo sa aking sarili.

Natapos ang kanta at nagsimula na naman ng panibago nagsimulang isauli ng mga kalalakihan ang mga babae na parang prinsipe at prinsesa.


Nanlaki ang mata ko ng biglang may bumangga saking likuran kaya napaabante ako at muntik nang matipalok sa white pointed sandals na galing lang din kay Jona.

Nilingon ko ang babaeng bumangga sa akin kanina, nakatalikod na sya at maarteng binaybay ang daan papunta kay Señorito Tres na madalim ang mukha at parang galit sa mundo.

Naghagikgikan ang matatanda at pinapanuod ang dalawa, ang babaeng maganda ang hubog ng katawan at medyo morena na lumapit kay Señorito Tres. Sa tingin ko ay isa ito sa mga babae sa kabilang table na pumuna sa suot ko.

"She's the daughter of senator Chio. Bagay na bagay, both heiress of a rich families. "
Narinig kong bulungan ng bagong dating na matanda sa gilid ko.
Mahigpit Kong hinawakan ang tray at akmang iiwan na lang ang tanawin sa aking harapan. Gumising ka Amanda! Hindi ito fairytale, isa kang katulong at hindi prinsesa. Hindi ito ang mundo mo kundi mundo nila. Sa gitna ng tila pagbagsak ng mundo ko ay may humila sa kamay ko sanhi ng pagkalaglag ng tray na hawak ko. Naglikha ito ng malakas na ingay kaya napatingin sa amin ang mga tao. Mahigpit ang pagkakahawak ni Señorito Tres sa pulsuhan ko at hinila ako sa gitna-- nanlaki ang mata ko sa pagkagulat ,aksidente kong nabangga ang babaeng bumangga samin ,tulala sya at mukhang napahiya.

Nakaramdam ako ng simpatya sa ginawa ni Señorito, iba talaga ang ugali nya ,makasarili at walang pakialam sa kapwa. Ngunit sa kabilang banda ay nakaramdam ako ng pagusbong ng konting kasiyahan ,hindi ko maintindihan ,hindi ko mawari kung ano itong pakiramdam na ito.

Nagsimula ang pagtugtog ng mga instrumento . Ang kamay ni Señorito ay marahang humaplos pa ikot sa aking baywang at ang isa pa nyang maiinit at malaking kamay ay kinuha ang kamay ko upang ikapit sa puro tattoo nyang leeg.

Mabilis ang paghinga nya habang napatanga ako sa makinis nyang mukha.

"Just go with the flow,midget" paos ang kanyang boses nakalimutan ko kung ano ang mundo ko nang dahan dahan nya akong isinabay sa ritmo ng musika.


Hindi ko madinig ang mga sinasabi ng tao sa paligid ko. Hindi ko makita ng malinaw ang mukha nila kabaligtaran sa nangyayari kay Señorito, rinig ko ang mabilis na pintig ng puso nya, ang marahang paghinga nya at kitang kita ko ang mukha nya.

Ngayon ay nakatitig lang sya sa'kin pareho kaming nalulunod sa mundo na iba .

Ang kaninang puno ng pagaalaga nyang mata ay napalitan ng balangkong ekspresyon.

"I want you to know that this shit is nothing but a show." Nanlamig ang buong mukha ko sa hiya ng mahina nyang sinabi sa akin ang mga salitang ito. "I'm just using you to make my parents piss. No big deal!"

Napuno ng pagkadismaya ang puso ko at higit sa lahat galit sa kanya. Inikot nya ako at hinapit palapit sa kanya.

"Ang sama ng ugali mo"madiin ang bawat salitang bulong ko din sakanya. Habang patuloy naming sumasayaw

Ngumisi lang sya "so what? I'm still the boss here, you do what I want cause I'm your master and you're my slave "

"Isusumbong kita kay Manang Ofelia"
Pagak syang tumawa at sarkastiko akong tinitigan.

"Do you really think she can do something about me?" Naiiyak ako sa galit pero hindi ito ang tamang panahon sa pagiyak.

"Mayaman ka nga pero mahaba yang sungay mo" napatingkad ako nang humigpit ang hawak nya sa'ken.

"Precisely! I'm rich I can buy you , by the way you look so hot in that sexy white dress of yours, you look like a cheap whore" tuluyang pumatak ang luha ko nang itulak nya ko at iwang nakasalampak sa gitna ng dance floor. Habang ang musika ay sabay na natapos.

Laurenttius Series #1: Taste of Her VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon