Chapter 11: Maid for me

226 6 0
                                    

Amanda

"Ano, a-nong sinasabi mo Señorito? Lasing ka po ba? "
Marahas syang napabuntong hininga.

"Right! You are different, listen midget. I like you so damn much. This is too fast , I know! It's hard for me either. I know you like me too. Give us a shot and trust me on this one. I'm too hard on you ,I'm a jackass ,an asshole but I'm not that stupid to fool you, what I told you is real. " ang sinseridad sa kanyang mga mata ay punong puno.

Ang pakiramdam na Nakakapangilabot ay nananatili pa rin sa aking pagkatao. Nakalimutan nya na na katulong ako, imposible mag-iisang buwan pa lang ako dito at puro away lang kami .

"P-pero may girlfriend ka at katulong l-lang..ako" naging mahina ang mga huling salitang namutawi sa aking bibig.

Parati kong iniisip na kapag nag-mahal ako ay maayos na ang buhay ko. Pero hindi pa naman to pagmamahal diba? Mababaw pa ito at nakakatakot na baka lumalim ang nadarama ko habang nawawala at naglalaho ang nararamdaman nya sakin.

"Damn! Tanya isn't my girlfriend she's just ..nothing. I'm sorry for what happened earlier ,for leaving you. I fucked up but let me make it up to you. I will fix this mess just give me a chance and i will give you the the world. I dont give a fuck if you're a maid. So what? You are maid for me,get that?"

Nanuyo ang lalamunan ko at napipi sa kilig at sa kaba. Totoo ba itong nangyayari?

Kinagat ko ang labi ko at hindi lumapit sa kanya.

"Come here,midget" inangat nya ang kanyang kamay.

Umiling ako at nagtakip ng mukha gamit ang aking mga palad. Nakakahiya baka makita nya akong kulay kamatis.

Kumakabog ang dibdib ko at sobrang lakas nito. Gusto ko itong pigilan natatakot akong marinig nya na naghuhumiyaw sa kilig ang puso ko.

"Midget!" Sabi nya sa mababang tono , tila nagbabanta.

"Ayoko po" sagot ko pabalik

Para akong batang nagmamakaawa na huwag paluin. Tumawa na naman sya, lalong nagtatalon ang puso ko at may nagkibutan sa loob ng tyan. Dyos ko po kinukulam na ata ako.

"Tangina parang gagalawin naman kita sa tono mo"
Napaawang ang mga labi ko at lalong kinilig sa pananagalog nya. Malaki at malakas ang kanyang boses. 

"Nagtagalog ka!" Sabi ko.

Umirap lang sya at inabot muli ang kamay.

"I told you to come here" 

Nang hindi ako lumapit ay inabot nya na ako at hinapit papunta sakanya.

"Ano ba Señorito!?"imbis na inis ang lumabas sa bibig ko ay nagmukhang pabebe pa ang naging boses ko.

Nginisihan nya lang ako at hinawakan ang dalawa Kong kamay habang nakatayo kami pareho, ang mata ko ay dibdib lang nya ang natatanawan. Malaki ito at mukhang matigas.

Ano kaya kung hawakan ko?

Argh napailing ako at napangiwi. Manyak ka Amanda!

"You always blush whenever I'm near, you really desire me that much huh?"

Napairap ako at umakmang bibitaw ng diniinan nya lalo ang hawak.

"Wow grabe ka Señorito! Ikaw nga tong paayla-I-like you dyan hmp" sabi ko sabay hampas sa dibdib nya. 'Tigas ah' bulong ko ,napapikit na lang ako ng mariin ng humalakhak sya hudyat na narinig nya ang sinabi ko.

"You like it hard midget?" Tapos nginisihan nya ako.

Napapadyak lang ako at tinalikura sya pero kagaya nung unang beses ay pinigilan nya ulit ako.

"Hmm you can touch it if you want, I don't forbid you"mapanukso nyang sabi, yumuko sya at ipinatong ang baba sa ulo ko.

Para akong nasa ulap ,para akong naglalakad ng nakalutang. Ang hindi pamilyar na pakiramdam na ito ay nakakaadik. Umuusbong ang tuwa sa aking dibdib. Gusto ko si Señorito Tres.

"A-ayoko nga" tsaka ko binawi ang kamay ko sa malalaki nyang kamay.

Napaitlag ako ng muli nya itong hulihin at ipnatong sa dibdib nya na kitang kita. 
Mainit ito at matigas napatitig ako sa kamay ko. Ang kaninang nasa dibdib lang ay naglandas ang mga daliri ko sa malaki nyang tattoo sa leeg, hindi ko ito maintindihan, hindi ko nga alam kung anong tawag sa ganitong disenyo. Pero nakakamangha ang magkakagawa at ang itsura, itim na itim ito.

Tumikhim sya at pinigilan ang kamay ko.

"I-Im sorry" nauutal Kong sabi

Nablangko ang mukha nya at lalo kong nadama ang init ng presensya.

"Don't touch me like that, its so fuckin' hot!" Natameme ako ng marealize ko kung anong ibig sabihin nya.

Nagbaba ako ng tingin at ayun na naman! Naka-shet! Basta.

"Eyes up ,midget."
Nilalaro nya ang mapupula nyang labi at may mapaglarong ngiti.

Pati leeg ko ay nagiinit sa kahihiyan.

"Bak-kit l-lagi yang nakaumb--"naputol ang tanong ko ng biglang bumukas ang pinto. 

Si Sir Fourth, nang magkatinginan kami ay sinimangutan ko sya ngunit nginisihan nya lang ako.

"Okay Tres the Motherfucker ,your 25 minutes is done! Hinahanap ka na ni tandang Dos" ako ang hihiya sa pagtawag nya ng ganon sa kuya nya.

Uso ba talaga sa pamilya nila ang mag murahan.

Tumango lang ang isa at hinila ako palabas. 

"Di man lang nag thank you!" Sigaw ni sir Fourth kaya napahagikgik ako. Pero nagtataka ako sa sinabi ng huli.

Sinagot ito ni Sir Tres ng dirty finger.

Habang naglalakad kami pababa ng hagdan ay palaisipan pa rin sakin ang nangyari kanina.

Hindi na ako nakatiis.
"Ano pong 25 mins? " tanong ko.

Inirapan nya lang ako at binalewala ang tanong ko.

Ngumuso lang ako at tumalikod, naramdaman ko ang malaki nyang braso na may tattoo pumalupot ito sa bewang ko. Gusto kong kumawala dahil natatakot akong may makakita sa akin ngunit mahigpit ito. binack hug nya ko.

Pero aaminin Kong sa yakap nya ay komportable ako at nasisiyahan sa init nito. Para akong nasa mainit at kalmadong higaan.

Yumuko sya "Good night midget, we'll sort of things tomorrow but right now go to bed and....dream of me" bulong nya bago ko naramdaman ang pagdampi ng halik sa ulo ko.

Laurenttius Series #1: Taste of Her VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon