Chapter 20: Her biggest nightmare

417 10 0
                                    

Amanda

 Nakayakap ang dalawang braso ko sa pareho kong tuhod habang nakahiga sa malamig at walang kabuhay buhay na kama. Maga ang mata ko ,pagod at labis na nasasaktan. Umiiyak ako,ramdam ko. 

Ngunit ang luha ay naubos na at napagod na. Para akong sinasaksak ng paulit ulit. Napalitan na ang damit ko sa tulong ng katulong , si Bry ay pinakiusapan kong tawagan si Tres. Malungkot lang itong tumingin sa akin. Akala ko kanina ay hindi ko makakayanan ang mga sinasabi ni Bry kanina. 

Anak nga ni Tres ang batang dinadala ni Tanya, may nangyari sa kanila nung panahong nasa europe si Tres. Akala ko ay hindi ko matatanggap pero mas hindi ko matanggap na iwan ako ni Tres dahil doon. Takot na takot ako mula kagabi hanggang ngayon.

 Dalawang araw nang ganito ,hindi umuuwi si Tres dahil sabi ni Bry ay critical ang lagay ng bata. Naaawa ako sa kanya at kay Tres pati kay Tanya samantalang galit at pighati lang ang nararamdaman ko. Wala ng iba.

"Amanda" hindi ko nilingon ang pagbukas ng pinto. 

 "Kumain ka na, ilang araw ka ng ganyan. Please , kahit ngayong gabi lang. Uuwi din si Tres ,babalik sayo yon. Galit lang sya ngayon pero ikaw pa din ang babalikan nya" pagpipilit ni Bry na nakaluhod na sa gilid ng kama. Nang mabanggit nya si Tres ay himalang pumatak ang luha ko na akala ko ay ubos na. Bumangon ako at ibinaba ang paa nasa gilid ko lang sya tahimik akong pinagmamasdan

"H-hindi. H-hindi nya na...ko babalikan.. G-galit sya saakin Bry" tinakpan ko ang mukha ko dahil sa paghagulgol. 

 "H-hindi nya ako mapapatawad... Muntik ko nang m-mapatay yung anak nya.. Jusko hindi ko sinasadya yon Bry, s-sorry . sorry"naramdaman ko na lang ang paglapit nya sa akin. 

 "Tama na cute girl.... You dont deserve this , stop blaming yourself hindi mo yun ginusto . alam ko at naniniwala ako sayo, kami ni Tres." Hindi ako naniwala sa huling sinabi nya alam ko hindi totoo yon. Wala na akong pakialam kung magmukha akong desperada basta ipaglalaban ko si Tres.

"Kumain ka na kahit konti" Tumango ako kay Bry dahil naaawa na rin ako sa kanya, hindi nya ko responsibilidad pero andito sya. Napangiti sya sa akin at pinunasan ang luha ko. Inalalayan nya ako pababa ng hagdan at sya ang naghanda ng pagkain ko.

 "Salamat , Bry" sabi ko kahit nasa ibang bagay pa rin ang utak ko. Tumango lang sya at tumayo nang magring ang cellphone nya. Tumingin pa sya sa akin 

its Tres" parang sinidlan ang puso ko sa sinabi nya. Kahit malabo ay umaasa pa din ako na kakamustahin nya ako.

 "Hey" unang pagbati ni Bry, lumayo lang sya ng kaunti sa akin. 

 "Yes, shes here" muli syang lumingon at nginitian ako. "Why? " kitang kita ko ang pagiiba ng timpla nya. 

 "What the fuck. Im comming" pinatay nya ang tawag at nilapitan ako. 

 "Amanda" malungkot ang boses nya at parang hindi makahinga. "Listen to me, this is not your fault" Naguluhan ako sa sinabi nya

 "A-ano bang meron ,Bry?" Kahit ako ay nakaramdam na ng panic.

 "They lost the child" nakayukong sabi nya Napatuptop ako sa aking bibig at umiyak habang umiiling. Sinampal sampal ko ang sarili ko at sinabunutan.

 "Ahhhh" sigaw ko habang patuloy na sinasaktan ang sarili. Kasalanan mo Amanda. Mamamatay tao ka...hindi ka mapapatawad ni Tres.

"Amanda, stop ,stop hurting yourself" pilit hinahawakan ni Bry ang kamay ko pero hindi ako tumigil, "shhh please stop" nahinto ako nang yakapin nya ako ng mahigpit. Umiiyak ako at humihingal. 

Laurenttius Series #1: Taste of Her VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon