Chapter 50: safe

346 6 0
                                    


Ruth's POV

"Hija, Hindi ka yata lumalabas sa kwarto mo "
Napaitlag ako ng bumukas ang pinto ng aking kwarto  and there I saw the woman .....

Napatitig ako sa mga mata nya na walang ibang nababakas na emosyon. Is she really using me?
Para saan?

"Hija?" She calles for my attention napalunok ako at pilot na ngumiti.

"I'm tired mom"

Huminga sya nang malalim, nakagayak sya na tila may pupuntahan.

"You know,you can always talk to me. Kung sa mga kapatid mo yan... I will do my best to get them-"

"Mom! Im fine." Now that doubt start to creep in me kailangan kong masigurado ang lahat.

"Okay,okay. May pupuntahan ako Hija, ipapadispatsa ko na ang babaeng iyon. Ikaw na ang bahala kung gusto mo syang makitang naghihirap na sure naman akong gusto mo. Anyway I need to go "lumabas sya ng kwarto ko.

Mabilis na kumaldabog ang puso ko sa sinabi nya, may parte sa akin na gustong maniwala may Tanya pero....

Mabilis kong sinundan si mommy but I stopped nang makita syang may kausap na tauhan.

Mula sa gilid ng malaking vase ay naririnig ko ang paguusap ng dalawang taong nakatalikod sa akin.

"Idispatsa mo na ang babaeng yon. Marami syang alam, alam nya ang katotohanan. "

"Pero ang mga Romualde Senyora?"

"Sa palagay mo ba ay may pakialam pa ako sa mga taong iyon...gawin mo ang inuutos ko!"

Napatuptop ako sa aking bibig at Hindi makapaniwala.

Kung ganoon?....ha...hayop sya..kung ganoon...I need to talk to Tanya.

Bumalik ako sa kwarto nang walang ingay at naghintay ng ilang sandali.

Si maven... yung sinabi nya..pero niloko nya din ako, nagsimulang maglandas ang mainit na luha sa aking mga mata. I was fooled at ang malalala ay nagpagamit ako na saktan ang lalaking....iyon.

Binuksan ko ang drawer at isinuksok ang baril sa aking bewang. Natatakpan Ito ng oversized na damit.

I need to survive and say sorry to him...ginawa ko to sa maling paraan at Hindi ko naisip na pareho lang kaming naging biktima ng tadhana at kasamaan.

I will make things right.

Nagkalat ang mga tauhan, ang chance na makalabas kami ng bubay dito ay napakaliit. But I will fight for the right this time.

Binati ako ng ilangmga tauhan but I remain cold Para Hindi mahalat. Buti na lang ay nakaalis na si momm-- ang hayop na iyon.

"Senyorita"bati ng tauhang nagbabantay sa kulungan.

Malaki ang katawan nya at nakakatakot ang itsura,tila isang bouncer ng bar.

"Ako ng bahala dito, umalis ka na"

"Pero ma'am --"

"I.SAID.LEAVE!" Mabilis itong tumalima at tila takot na tutang sumunod.

Pumasok ako sa at nakita si Tanyang natutulog, she's dirty at nakakaawa.

Mabilis ko syang nilapitan at kinalas ang talk sa kamay at sinusian ang bakal sa paa nya.

Naramdaman nya siguro kaya sya nagising.
Tanggal na ang takip sa bibig nya, tumingin sya sa akin na nagtataka.

"A-anong ginagawa mo?"

"I'm helping you"

"B-bakit? N-naniniwala ka na ba?"
Huminto ako at tinitigan sya.

Laurenttius Series #1: Taste of Her VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon