Chapter 9: kisses of jealousy

281 11 1
                                    


Amanda


    Kanina pa ako hindi lumalabas ng kusina dahil sa kahihiyan na masalubong si Señorito Tres. Kasama ko si Jona na nagbabalat ng patatas para sa afritada ni Manang Rosa.

 "Mamaya ay pupunta ako sa lupain ng mga Roswell. Mamimitas ako ng sariwangang mangga para sa panghimagas ng magkakapatid at para na rin sa mga kaibigan nila na gaping syudad." Ani ni manang Rosa habang inihahanda ang mga gagamitin sa pagluluto nya. 

Mga kaibigan? Ngayon ko lang nabalitaan yun ah. Babalik kaya ulit ang mga kaibigan ni Señorito Tres?

 "Isasama kita Amanda, kung gusto mo." Naexcite naman ako sa turan ng huli kaya namilog ang mata ko at lumapit Kay Manang Rosa. 

 "Talaga ho? Naku matagal ko na ho gustong libutin ang mansyon kaso baka mapagalitan ako " Umiiling na tumawa ang matanda. 

 "Hay Amanda bakit ka naman papagalitan? Kung sana ay nagpaalam ka kay Manang Ofelia ay nakalibot ka na nung nakaraang linggo." Oo nga ,ngayon ko lang naisip kung alam ko lang, sayang. 

 "Ikaw Jona hindi ka ba sasama?"tanong ni Manang Rosa kay Jona na kanina pa tahimik. Inirapan nya kami at iwinagayway ang kutsilyo. 

"No thanks, ang init init sa bukid baka umitim pa ko don." Napasibangot lang ako kay Jona "Kuuu itong si Jona kearte Arte kala mo hindi katulong" pangookray sa kanya ni Manang Rosa. Tinignan nya kami ng masamang tingin. 

 "Manang Rosa, sutil din kayo no?" Tumawa kami sa napipikon nyang itsura.

Biglang pumasok si Manang Ofelia sa kusina habang may kasamang isa pang katulong.

 "Linisin nyo ang kwarto ni Fourth ngayon na" agad syang iniwan ng katulong na nakabuntot sakanya. 

 Binitawan ni Jona ang kutsilyo at hinarap si Manang Ofelia. 

 "Uuwi si Baby Fourth manang?" Nakangiting tumango si Manang Ofelia. Galata sa itsura nya na kagagaling lang sa sakit dahil may pagkaputla sya at malalim ang mga mata. Kung ganon ay makikita ko na si Sir Fourth. 

 "Alam mo Amanda sureness matitipuhan ka ni Fourth, 19 pa lang yon! Gurl type non yung matatangkad na morena kahint hindi ka katangkaran" hinampas ko sya dahil naooffend ako sa sinabi nya 

"bakit?totoo naman ,maliit ka. Anyway morena ka naman at sexy pa din. Sigurado pag nakita ka nya bullseye, fuckboy yun eh!"

 "Jona!!"eksraheradang sinuway ni Mang Ofelia si Jona. Humagikgik lang si Jona at bumulong 

"pavirgin naman si Manang-- Aray!" hinampas ko ulit sya sa braso. 

 "Ikaw ha kanina ka pa !" Akmang hahampasin nya din ako kaya agaran akong nagtago sa likod ni Manang . Tinawanan kami ni Manang Rosa habang sinusuway ni Manang Ofelia si Jona na ngayon ay nanghahaba ang nguso at lukot ang mukha. 

 Pakiramdam ko ay matagal na akong nakatira sa mansyon dahil sa magandang trato sakin ng mga kasama ko. Kahit nung una ay ilang beses hindi naging maayos ang tagpo namin ni Señorito sa isat isa. Ilang minuto ay natapos na magluto sila Manang, inihanda namin sa malaking hapagkainan ang mga pagkain. 

Bumaba sa hagdan si Señorito Dos na seryoso ang mukha na may kausap sa telepono. 'Yes I will, I've been busy for the past few days. I cant promise anything babe' 

nagulat ako ng biglan may malakas na impact ang bumagsak sa sahig. Naputol ang pakikipagusap ni Sir Dos sa kausap. 

'I'll call you later' 

Laurenttius Series #1: Taste of Her VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon